tres

3.3K 96 8
                                        

Chapter 3


Napaupo na lang ako sa tabi sa bench na inuupuan ni Kuya. Parang sasabog ang ulo ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Totoo ba 'to? Totoo ba yung... yung kanina?

Nakita ko na lang na nagmamadaling lumapit sa akin si Lucas na may dalang tubig sa baso. Nagkaka-tapon pa nga yung tubig sa kakamadali niya kaya pagdating niya sa akin ay kalahati na lang ang laman ng baso.

"Langya ka naman, Lucas. Kalahati na lang 'tong laman ng baso." Sabi ni Kuya kay Lucas na kakamot-kamot ng ulo.

"Sorry naman, eh nag-aalala lang ako ba't biglang nagkaganyan si Lara." Sabi ni Lucas habang pinapay-payan ako gamit yung karton ng intermediate paper.

"Bakit ba bigla ka na lang napaupo d'yan, Lara?" tanong ni Lucas sa akin. Si Kuya naman ay tuloy pa rin sa paghagod sa likod ko habang pilit na pinapaubos sa akin ang tubig sa baso.

"Ewan ko, may naalala kasi ako. Tapos parang ang sakit-sakit ng ulo ko. Pero 'wag kayong mag-alala. Okay lang ako." Sabi ko sa kanila dahil baka tawagin pa nila si Mama at baka dalhin pa ako sa hospital dahil isa pang OA iyon kung mag-react.

"Ayos ka lang ba talaga, Binibini?" medyo nagulat pa ako sa presensya ni Sebastian dahil sa mga alaalang nagbalik sa akin kanina.

"O-Oo... Ayos lang ako." Sabi ko naman.

"Teka nga. Sino ba 'to?" tanong ni Lucas habang nakatingin kay Sebastian.

"Kaibigan ko." Sabi naman ni Kuya. "Sebastian, siya si Lucas. Ang aming bunsong kapatid ni Lara."

"Kayong tatlo ay talagang mag-kakahawig." Natatawang sabi ni Sebastian.

Tumaas ang kilay ni Lucas. "Bakit ganyan yan magsalita? Ang OA mag-tagalog pero mukhang espanyol. Galing ka bang 1889?"

Nanlaki ang mga mata namin ni Kuya. Paano nya nalaman? Nag-time travel rin sya?

"A-Anong sinasabi mo?" pagmamaang-maangan ni Kuya.

"Wag ako, Kuya. Si Lara nalang. Hahaha" natatawang sabi ni Lucas. "Alam ko ang tungkol sa computer at tablet mo doon sa computer room sa bahay. Pero huwag kang mag-alala dahi hindi ako kasing shunga ni Lara na magta-time travel sa ibang panahon nang hindi muna inaalam kung paano sya makakabalik sa kasalukuyang panahon."

Diyos ko. Aatakihin yata ako sa puso sa sinasabi nitong kapatid ko na to. So ibig sabihin, tanga ako ganon? Eh kung sakalin ko kaya tong si Lucas ano?

"Hoy, anong ibig mong sabihin? Na tatanga-tanga ako? Ganoon ba?" sabi ko sa kanya habang sinisiko ko sya sa sikmura dahil tawa pa rin syang tawa. Sarap sungalngalin ni Lucas eh.

"Ikaw naman, hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob." Sabi nya habang hawak-hawak ang tiyan nya dahil sa katatawa. "Ako ang tumulong sayo para makabalik ka dito. Kung hindi dahil sa akin at sa tablet na yon, wala ka na sana dito."

"P-Paano mo nalaman yung tungkol doon?" tanong ni Kuya kay Lucas.

"Syempre, edi binuksan ko yung computer. Nakita ko lahat ng drawings mo tsaka yung program na ginagawa mo. PROJECT 1889?" nakatingin na sya ng seryoso sa amin ngayon. "Don't worry, your secrets are safe with me. Nagawa ko ngang itago sa'yo yung tungkol sa nalalaman ko at yung tungkol sa nangyari kay Lara eh." Sabi nya saka nag-papogi pose.

"Tsk. Ikaw talaga kahit kalian ka." Sabi ni Kuya habang iiling-iling na tumayo. "Sa atin muna sya titira ngayon. Ayos lang ba sa iyo, Sebastian?"

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon