doce

1.6K 57 15
                                        

Chapter 12


"Señorito Apollo, ano ho ang ginagawa nyo rito?" Gulat na tanong ni Lita.

"M-May gusto lamang akong makita." Sabi ng lalaki na nagngangalang Apollo. Malalim ang boses nya.

"Makita?" Tanong ko sa kanya. Ano namang ginagawa ng lalaking 'to rito? Kung titignan mo sya ay aakalain mong isa syang indio dahil sa suot na damit at salakot na nasa ulo.

"S-Señorita, malalim na po ang gabi. Pumasok na po kayo sa inyong silid." Sabi ni Lita na mangiyak-ngiyak na.

"Bakit ka umiiyak?" Takang tanong ko sa kanya.

"Kami ni Lita ay magkasintahan, Binibini." Sabi ni Apollo na nagpabaling ng tingin namin nila Andeng sa kanya. Inalis nya ang sumbrerong nasa ulo.

Lalo namang umiyak si Lita habang nakahawak sa laylayan ng kanyang damit.

"Ano?" Gulat na tanong ni Andeng. "Siya ba ang ama ng dinadala mo?" Baling nya kay Lita.

OMG. Ang lupit ng eksena na ito! Para kang nasa isang pelikula.

Nakayuko lamang si Lita habang humihikbi. Lumapit sa kanya si Apollo at pinatahan siya habang kami naman ni Andeng ay halos atakihin sa puso sa gulat na jowa pala ni Lita si Apollo.

"Señorito Apollo?" Tanong ko kay Andeng. "Sino siya?"

"Magandang gabi, Binibining Lara. Ako si Apolinario Salazar. Totoo nga ang sabi-sabi. Ikaw ay mayroong natatanging kagandahan ngunit mas maganda pa rin para sa akin si Lita." Sabi nya at nginitian si Lita. "Maaari mo akong tawaging Apollo hango sa aking ngalang Apolinario." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sinabihan nya kong may natatangi akong ganda o gusto ko syang batukan kasi dinugtungan nya pa ng mas maganda si Lita eh. Tsaka Salazar? Sino nga ba yung Salazar na kilala ko?

"Edi kayo na ang sweet." Sabi ko habang naka-cross arms. Kung nandito lang si Sebastian, nako, kakabugin namin kayong dalawa. Hahaha

"Su...suwit?" Tanong ni Apollo.

"Sweet...matamis ang inyong pag-iibigan, sweet sa Ingles." Paliwanag ko sa kanila.

"Hindi maaari ito." Sabi ni Andeng habang nakatingin kina Lita at Apollo. "Hindi natin alam kung ano ang kayang gawin ni Don Mauricio kapag nalaman niyang magkaka-anak kayo ni Señorito Apollo."

Napatingin ako kina Lita at Apollo at ang kaninang umiiyak lang na si Lita ay parang iniwanan ng kaluluwa niya dahil sa putla ng kanyang mukha. Si Apollo ay napalunok at tumingin kay Lita, "Hindi kita iiwan, Lita. Kaya kong isuko ang lahat para sa iyo. Titira tayo sa malayong bayan at hindi na tayo papakita kina ama." Wika nya na lalong nagpalaki ng mga mata namin ni Andeng.

"Hoy, Apollo! Nahihibang ka ba? Itatakas mo si Lita?!" Pabulong ngunit alam kong narinig nya ang sinabi ko. "Buntis siya. Baka mapano ang bata! Paano na lang kung ipahanap kayo ng tatay mo? At paano kung mahanap kayo?" Hindi pa naman ganoon kalaki ang umbok sa tiyan ni Lita at hindi pa halata na buntis sya. Actually, ngayon ko lang nalaman na buntis sya kaya nawindang ako sa sinabi ni Apollo.

Ulila na raw kasi si Lita at nagtrabaho sya sa palengke bilang tagapagtinda doon ng mga isda. Sa palengke rin sila nagkakilala ni Apollo dahil nagkayayaan daw silang magkakaibigan na mamasyal roon at manood ng teatro. Saka nya nasilayan si Lita na namomroblema dahil ang mga tinda nyang isda ay kinuha ng mga guardia civil at walang itinira ni isa. Wala syang maibibigay sa kanyang amo na pera kaya naupo sya sa isang tabi at iniisip kung paano kikita ng salapi.

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon