trece

1.8K 65 32
                                        

Chapter 13


"Siya si Binibining Trinidad na anak ni Don Faustino." Sabi ni Don Mauricio habang humihigop ng tsaa sa maliit na porselanang tasa. "Siya ay ang iyong magiging kabiyak, anak."

"Ho?" Nagulat si Apollo sa winika ng ama.

"Bakit, anak? Ikaw ba'y mayroon nang iniibig?" Tanong ng kanyang ama. "O kasintahan? Mayroon ba?" Habol pa nito.

Hindi makapagsalita si Apollo. Kinakabahan sya dahil iniisip nya kung aaminin nya ba sa ama na mayroon na siyang kasintahan at ito'y nagdadalang-tao.

"Kailan po ba ang nakatakdang araw ng aming kasal?" Tanong ni Trinidad kay Don Mauricio.

Napatingin sya sa nakangiting binibini na kausap ng ama. Ito ba ay nasa tamang pag-iisip? Bakit gusto agad nitong magpakasal?

"Sa susunod na buwan, hija. Ang gusto ko ay sa lalong madaling panahon makasal ang aking anak na si Apolinario dahil malapit na rin syang mag-trenta anyos."

"Ama! Ako po'y beinte-seis anyos pa lamang! At wala pa po sa aking isipan ang pagpapakasal." Giit nya sa ama.

"Ako ang masusunod sa pamamahay na ito, Apolinario. Wala pa sa isipan mo ang pagbuo ng pamilya gayong nakabuntis ka na?! Ang akala mo ba ay hindi ko alam na ikaw ay nakabuntis ng isang hamak na indio?! ¿Crees que soy estúpida?" (Ano ang akala mo sa akin, tanga?) Galit na turan ng ama.

"Por favor, mantén la calma, Don Mauricio." (Kumalma po kayo, Don Mauricio, pakiusap.) Pigil ni Trinidad sa Don na nagngingitngit sa galit sa anak.

"Ngunit, mahal ko po si Lita." Sabi ni Apollo.

"Punyetang Lita! Wala akong pakialam sa kanya! Magpasalamat ka at ako ay nasa sarili ko pang katinuan at baka matagal ko nang ipinapatay ang indiong iyon! Kaya't pumili ka, sasama ka sa babaeng iyon, o magpapakasal ka kay Trinidad at mamumuhay ng masaya kapiling sya at hindi ko papakialamanan ang buhay ng indiong iyon at ng magiging anak nya?"

Alam nyang kapag nagsalita na ang ama ay talagang tinototoo nito ang sinasabi. Gusto nyang sumama at magpakalayo na lamang kasama si Lita ngunit alam nyang ipapapatay lamang ito ni Don Mauricio.

"Ako po ay magpapakasal ngunit ipangako nyo po sa akin na hindi nyo po gagalawin ang mag-ina ko." Pagmamakaawa ni Apollo sa ama.

"Tonto! Mag-ina?!" Mapait na tumawa si Don Mauricio. "Nahihibang ka na ngang talaga, Apolinario. Basta't kilala mo ako. Ang anumang sabihin ko o gustuhin ko ay gagawin ko. Sige, hindi ko gagalawin ang MAG-INA MO." Sarkastikong sabi ni Don Mauricio at binigyang diin talaga niya ang salitang 'mag-ina mo'.

"Iyon lamang po ang hinihiling ko sa inyo,ama. At ako po'y susunod sa lahat ng inyong ipag-uutos. Ako po'y papanhik na sa aking kuwarto." Sabi ni Apollo saka nagbigay-galang sa ama at sa binibini at pumanhik sa hagdan papunta sa kanyang kuwarto.

"Walanghiyang bata. Hindi man lamang nagtagal rito upang humarap sa bisita." Bulong ng Don sa sarili saka humarap kay Trinidad na kanina pa nakatingin sa mag-ama.

Lara's POV

Napakaganda palang manuod ng teatro sa ganitong panahon. Ang astig ng palabas at halos dumugo ang ilong ko sa kakaintindi ng mga malalalim na salitang tagalog.

Okay rin naman palang kasama itong si Lorenzo. Hindi lang maginoo, galante pa ang fafa mo. Lol

Pero hindi, seryoso, hindi ako na-bore sa isang oras at kalahating pagtatanghal ng mga aktor doon sa loob. Ipinapaliwanag kasi sa akin ni Lorenzo ang bawat scene at talaga namang hindi sya yung taong nakakairita kapag nagkukwento habang nanonood ka.

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon