Pagwawaksi
Ang nobelang ito ay kathang-isip lamang at ang lahat ng mga tauhan, samahan, at kaganapan ay walang kaugnayan sa mga pangyayari sa kasaysayan.
Chapter 1
My name is Lara and I'm 22 years old. Fresh graduate ako ng BS Computer Science sa isang university dito sa Bataan.
Nandito ako ngayon sa bahay namin maghapon. Hindi pa kasi ako tinatawagan doon sa inaplayan kong trabaho sa isang national high school bilang computer teacher. Si Mama naman ay nasa palengke at nagtitinda ng mga branded overruns na mga damit galing pa sa Bangladesh. Kami ang may-ari sa dalawang stall ng boutique doon sa harap ng palengke.
Si Kuya Leandro naman ay nasa trabaho pa. Isa siyang computer teacher sa university na pinanggalingan ko at sya namang pinapasukan ngayon ng bunsong kapatid namin na si Lucas. Tatlong taon ang pagitan namin ni Kuya samantalang dalawang taon naman ang tanda ko kay Lucas na nasa ikatlong taon na ng BS Civil Engineering sa kolehiyo.
Wala na si Papa. Namatay sya noong 2010 due to myocardial infarction. He was 55 back then.
"Lara, nandito na ko. Wala pa ba si Kuya? Tara punta na tayo kay Mama." Yaya ni Lucas sa akin. Wala talagang galang ang isang 'to.
Tinutulungan kasi namin si Mama sa pagtitinda ng mga damit sa palengke. Hinihintay ko munang umuwi si Kuya o si Lucas bago ako pumunta doon dahil iyon ang bilin sakin ni Mama. Araw-araw kasing dumadaan yung nagdedeliver ng itlog at gatas ng kalabaw sa bahay kaya araw-araw ko ring hinihintay yung anak ni Aling Josie na si Gino para bayaran ang itlog at gatas na dala-dala nya.
"Hindi mo ba kasabay si Kuya? I-text mo. Sabihin mo mauuna na tayo sa palengke, sumunod na lang sya. Magbibihis lang ako." Bilin ko kay Lucas habang umaakyat ako ng hagdan papunta sa kwarto naming magkakapatid.
"Hindi ko nakita sa school eh. Sige, text ko na lang. Dalian mo." sabi ni Lucas habang naupo sa sofa at ibinaba ang bag na dala nya.
Nagbihis ako at bumaba na. Naabutan ko si Lucas na nag-se-selfie at in-upload ang picture nya sa Facebook.
"Lucas, tara na." yaya ko sa kanya at tumayo na sya mula sa pagkaka-upo at ibinulsa ang cellphone.
"Patayin ko lang yung wifi, mahirap na, baka may makisagap na naman." Sabi ni Lucas at naglakad palapit sa router saka pinatay ang internet.
"Siraulo ka talaga. Pag ikaw narinig ka na naman ni Julia, sasabunutan ka na naman noon." Si Julia kasi ang anak ni Aling Lota na kapitbahay namin. Banas na banas silang dalawa ni Lucas sa isa't isa dahil nahuli kasi ni Lucas na naka-connect ang iPad ni Julia sa wifi namin. Iyon pala ay nakiusap si Julia kay Kuya na maki-connect muna sa wifi namin dahil biglang nawala ang internet connection sa bahay nila at under maintenance pa.
BINABASA MO ANG
1889 ✔ (Completed)
Ficção HistóricaSummary Si Lara ay isang dalaga na nagmula sa Bataan, sa bansang Pilipinas, taong 2018. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakapag-time-travel siya patungo sa nakaraan sa Pilipinas, taong 1889. Nagawa niya ang paglalakbay sa ibang panahon nang dahil...