veintinueve

1.2K 41 18
                                        

Nang kalabitin ni Lorenzo ang gatilyo ng baril ay siya namang biglang sulpot ni Lara.


Hindi nila alam kung saan ito nanggaling ngunit si Lara ang tinamaan ng bala ng baril sa kaniyang likuran.


Napakapit ang dalaga sa mga balikat ni Sebastian na siya namang sumapo sa mabilis na pagbagsak ng kaniyang katawan sa lupa.


"Lara!" hiyaw ni Sebastian. "Manatili ka lamang gising, mahal ko. Huwag kang pipikit ng tuluyan." pagmamakaawa ni Sebastian kay Lara.


Kay bigat ng nararamdaman ng dalaga. Nagawa niyang makapunta sa eksaktong lokasyon at eksaktong oras ngunit tila bigla na lamang siyang itinulak ng napakalakas na para bang nakawala ang lahat ng hangin na nasa loob ng kaniyang katawan.


"Ayos lamang ako, Sebastian." ngiti niya sa binata. Tila walang pakiramdam ang kaniyang katawan. Alintana ang bala ng baril na pumasok sa kaniyang likuran.


"M-May tama ang iyong likuran. Dadalhin kita sa manggagamot." ani Sebastian.


Pilit na sinisipat ni Lara ang kaniyang likuran ngunit hindi niya ito makita. Hindi tumagos ang bala kaya't nais ni Sebastian na maalis ito kung kinakailangan.


"Kailangang maalis ang bala sa iyong likuran. Baka maimpeksyon ito, Binibining Lara." sabi ni Carlos Ruiz na lumapit na rin sa kanila.


"Lara!" nagmamadaling lumapit si Lorenzo sa kanila. Hindi siya agad nakalapit dahil siya ay natulala sa kaniyang nagawa. Nabaril niya ang babaeng pinakamamahal. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung mamamatay si Lara.


"Lumayo ka sa kanya!" hiyaw ni Sebastian. Paulit-ulit niya itong sinuntok sa mukha, sa sikmura, sa tagiliran, at sa kung saan-saan pang tamaan ng kaniyang kamao. Halos sumuka ng dugo si Lorenzo dahil sa pambubugbog ni Sebastian at ipinagpatuloy pa nina Domingo at Rodolfo. "Ikaw ang puno't dulo ng mga pangyayaring ito! Kung mayroong mangyaring masama kay Lara, hinding hindi na kita bubuhayin pang muli, Lorenzo!"


"Lara... Patawad, mahal ko. Alam kong napakasama ng ginawa ko, pinapalaya na kita, Lara. Hahayaan na kitang sumaya sa piling ni Sebastian. Gumising ka lamang." pilit na inaabot ni Lorenzo ang mga kamay ni Lara na nakasayad sa lupa. Nawalan kasi ng malay ang dalaga matapos ang ilang minuto.


Nilubayan na nina Domingo at Rodolfo si Lorenzo. Lumapit si Lorenzo sa nakahandusay sa sahig na si Lara at niyakap ang babaeng iniibig. "Patawad, Binibini. Sana ako ay mapatawad mo. Pagbabayaran ko ang lahat ng mga kasalanang nagawa ko. Para mo nang awa, mahal ko, gumising ka na! Sebastian, dalhin mo na siya sa pinakamahusay na doktor." taghoy ng binata.


Kahit ayaw mang makita ni Sebastian na malapit si Lorenzo sa babaeng kaniyang minamahal ay nangibabaw ang kaniyang awa kay Lorenzo. Nagmahal lamang ang binata, ngunit ito ay labis-labis. 


Dumating ang ilan pang mga guardia civil at inilayo na si Lorenzo mula kay Lara. Dinala ang tuma-tangis na binata sa isang selda sa lalawigan upang doon muna mamalagi at kinabukasan ay lilitisin ng pantay o patas ayon sa batas ng Las Islas Filipinas.

1889 ✔ (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon