Remember how some sci-fi or fantasy films used to have an ending like the protagonist was just imagining things or they're just dreaming about all that happened in the story?
Well that won't happen in our story. 😁
This is for the readers who supported me from start to finish.
I love you all! Cheers!
Here goes chapter 30.
Chapter 30
Matagumpay na nakarating sina Sebastian at Lara sa taong 2019.
Ngunit mayroong problema.
Nasa tamang dimensyon sila ngunit halos maglilimang buwan na ang nakalipas nang mawala si Lara sa kanilang tahanan.
Walang nakakaalam kung saan napunta ang dalaga at paano ito nawala gayong bantay-sarado ito ng kapatid na si Lucas.
Maging si Leandro ay nahihiwagaan sa nangyari.Lara's POV
"Ilang buwan ka naming hinahanap, Lara. Kahit taon ang lumipas, hindi kami titigil sa paghahanap sa 'yo, alam mo 'yan." Sabi ni Lucas habang inaabutan kaming dalawa ni Sebastian ng tubig.
"Pero kahit ano pa man, masaya kaming nandito ka na ulit. Kayo ni Sebastian." Sabi ni Kuya Leandro at bumaling kay Sebastian, "Gracias por cuidar de mi hermana mientras ustedes dos están juntos." (Maraming salamat sa pag-alaga sa kapatid ko habang kayong dalawa ay magkasama.)Ngumiti si Sebastian, "Eso no es nada. La quiero tanto que no dejaré que le pase nada." (Wala iyon, mahal na mahal ko sya kaya't hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya.)
Mas naging malusog si Mama kaya naman kami ay lubos na natutuwa. Hindi na siya inaatake ng sakit ng ulo at high blood pressure. Mabuti na lamang rin at hindi nagbunga ang kababuyang ginawa ni Lorenzo sa akin.Tinanong ni Kuya kung sigurado na ba talagang manirahan ni Sebastian rito sa panahon namin.
Sumangayon naman siya at sinabing gusto niyang magtapos ng pag-aaral rito at matuto pa ng wikang Ingles kung saan ito ay ang pangalawang wika ng mga Pilipino.
"Eh pano naman sya mag-aaral dito, Kuya? Wala siyang ni isang dokumento. Wala syang pagkakakilanlan." Tanong ni Lucas habang kumakain kami sa mesa kasama si Mama.Tahimik naman na kumakain lang si Mama at nakikinig sa pinag-uusapan namin. Tinanggap naman niya ng maluwag si Sebastian na parang isa na rin niyang anak.
"Madali na yang ayusin sa kapitolyo at sa munisipyo. Ano bang balak mo Sebastian? Gusto mo bang magpalit ng pangalan?" Tanong ni Kuya habang sumusubo ng buko pandan na panghimagas.
"Lakas mong kakain Kuya ha. Nasa dessert ka agad?" Singit ni Lucas kaya nabatukan sya ni Kuya. "Aray naman, Sir." Sabi nya at napakamot ng ulo. Napailin na lang ako at tumawa.
BINABASA MO ANG
1889 ✔ (Completed)
Historical FictionSummary Si Lara ay isang dalaga na nagmula sa Bataan, sa bansang Pilipinas, taong 2018. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakapag-time-travel siya patungo sa nakaraan sa Pilipinas, taong 1889. Nagawa niya ang paglalakbay sa ibang panahon nang dahil...