veintisiete

1.1K 35 3
                                        

Sorry for the wait... Here goes chapter 27.


3rd person's POV


"Handa ka na ba, Sebastian?" tanong ni Leandro sa kaibigan na ngayon ay desidido nang bumalik sa nakaraan para bigyan ng hustisya ang ginawa ng walanghiyang si Lorenzo kay Lara.


"Sí." Inayos ni Sebastian ang relong suot niya. Ginawa iyon ni Leandro dahil isang wrist watch ang naisipan niyang mas magaan, mas madaling dalhin, at madaling hanapin ang relo dahil kahit saan ay madadala ito ng gagamit.


(Author's Note: I saw this flux capacitor watch online when I am browsing some Back To The Future merchandise and I've got an idea to use this as the time travelling machine on my story-- and on my other time travel/ teleportation stories as well

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Author's Note: I saw this flux capacitor watch online when I am browsing some Back To The Future merchandise and I've got an idea to use this as the time travelling machine on my story-- and on my other time travel/ teleportation stories as well.)


"Sebastian, hindi natin magagamit ang panulat at ang sulatan ngayon. Wala kaming magagawa kung hindi ang maghintay na lamang sa muling pagdating mo." Tumayo si Leandro mula sa computer at tinapik si Sebastian sa balikat nito, "Aasahan namin ang matagumpay na pagbabalik mo."


"Inaasahan kong makita ni Lorenzo kung ano ang hinahanap niya. Ginagawa natin ang lahat ng ito para sa kapatid naming si Lara." ani naman ni Lucas saka muling sinigurado na tama ang nakalagay na petsa at oras na nakalagay sa destinasyon sa relong suot ni Sebastian.


Tumango si Sebastian, "Nunca te fallaré." (Hindi ko kayo bibiguin.)


"¡Hasta luego! Cuídate." (Hanggang sa muli! Mag-iingat ka.) ani Leandro.


Walang anu-ano'y biglang naglaho si Sebastian mula sa loob ng computer room.


"Sana lamang ay walang mangyaring masama sa kanya roon." bulong ni Leandro sa sarili.


-- • --


*circa 1889*

-Sebastian's POV-


Idinilat ko ang aking mga mata mula sa nakabubulag na init ng sakit ng araw.


Narito ako ngayon sa madamong bahagi ng aming bayan. Ilang kilometro lamang ang layo ng aming bayan mula rito kaya't mas maganda kung sisimulan ko nang maglakad.

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon