1889 {VEINTIQUATRO}
Nagulo ang buong kabahayan nang magwala si Lorenzo. Hindi niya matanggap na nawala na naman sa sarili niyang mga kamay si Lara. Sa sobrang inis ay isa-isa niyang tinutukan at pinaputukan ng baril ang mga kasambahay na kaniyang makita.
Umulan ng dugo sa buong kabahayan. Ang bawat lalaking kasambahay na nakikita niya ay kaniyang binabaril sa pag-aakalang ito si Sebastian. Tulad rin ng sa mga babaeng kasambahay, ang akala niya ay si Lara.
May mga nakatakas at may hindi. Ang mga nakatakas ay ang nagbigay ng impormasyon sa heneral at sa ama ni Lorenzo na si Don Mauricio.
Imbis na ikulong at ilayo ang anak ay sinuportahan pa nito ang anak sa mga nais nito at mga balak na masasama. Ayaw na niyang maulit ang nangyari kay Apollo. Ayaw na niyang mangyari sa anak na si Lorenzo ang pagkabaliw ni Apollo.
"¡Todos ustedes son inútiles! Salgan o los mataré a todos." (Wala kayong mga silbi! Umalis kayo sa harapan ko o pagpapapatayin ko kayong lahat.) Wala na talaga sa sariling katinuan si Lorenzo. Hindi na niya makita ang matandang nagbigay sa kaniya ng device para makabalik sa panahon kung nasaan si Lara at Sebastian.
Pinahanap na niya kung saan-saan ang matanda ngunit hindi pa rin ito makita.
Nababaliw na siya.
Ayaw na niyang humiwalay pa kay Lara.
Kailangan niyang makita ang matanda.
.
.
.
.
Panahong kasalukuyan...
"Anong nangyari sa kapatid ko?" halos mawala sa wisyong tanong ni Leandro kay Sebastian na inihiga ang dalaga na nawalan ng malay.
Tumulo na lamang ang luha ni Sebastian. Naupo siya sa gilid ng higaan ni Lara at itinungkod ang siko sa mga hita at itinakip ang palad sa kaniyang mukha. Hindi niya magawang magsalita sa kung ano ang sinapit ni Lara.
"¿Qué le pasó a Lara?" (Anong nangyari kay Lara?) kinuwelyuhan ni Leandro si Sebastian. Base sa suot ng kapatid na nakabalot lamang ng kumot ay halatang may nangyaring hindi maganda rito.
Tinitigan siya ni Sebastian sa mata. "F-Fue violada... Por Lorenzo." (G-Ginahasa siya... ni Lorenzo.) aniya. Salitang espanyol upang hindi na muling maalala ni Lara ang mga pangyayari.
"¡Qué mierda! Anong—" hindi na natapos ni Leandro ang sasabihin dahil sa matinding inis. Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang kapatid. Hindi niya mapapatawad ang sarili.
"K-Kuya..." unti-unting idinilat ni Lara ang kaniyang mga mata. Nakita niya ang kaniyang kuya na mabilis na lumapit sa kaniya at niyakap siya.
"Lara, pasensya ka na. Ako ang may kasalanan ng lahat. Sana pala ay hindi ko na lamang ginawa ang time machine. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito."
Huminga ng malalim si Lara. Ayaw niyang makitang ganito ang kapatid. Ngunit kahit siya ay hindi alam kung ano ang gagawin. "Kuya, wala tayong sisisihin ni isa man sa atin. Si Lorenzo ang may gawa ng lahat ng ito. Hindi ko sukat-akalain na magagawa niya ang ginawa niya sa akin!"
"Pasensya na..." sabi ni Leandro habang hinaplos-haplos ang buhok ng kapatid. "Ano ang sasabihin natin kay mama? Ano ang gagawin natin?" hindi mapakali si Leandro. Alam niyang magagalit ang ina. Alam niyang hindi kakayanin nito ang mga matutuklasan niya.

BINABASA MO ANG
1889 ✔ (Completed)
Historical FictionSummary Si Lara ay isang dalaga na nagmula sa Bataan, sa bansang Pilipinas, taong 2018. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakapag-time-travel siya patungo sa nakaraan sa Pilipinas, taong 1889. Nagawa niya ang paglalakbay sa ibang panahon nang dahil...