A/N: I cannot go to Bataan Library right now due to Covid-19 and we're all in quarantine. I can't do some research for 1889 and Bataan's history. Umaasa lang ako kay Google. I will unpublish this book once it's finished, I will do some revisions and edit some parts especially the grammar and cringe-worthy scenes.
1889 CHAPTER 28
"Señor, nos han informado que Señorito Lorenzo estaba en Barcelona para asistir a un evento con su padre." (Señor, napag-alaman po naming si Señorito Lorenzo ay kasalukuyang nasa Barcelona upang dumalo sa isang pagtitipon kasama ang kaniyang ama.)
Napalingon ako sa guardia civil na kausap ni Ama. Narito ako ngayon sa kaniyang opisina kasama si Señorita Margarita. Tila napaka-kulit ng babaing ito. Alam naman niyang hindi siya ang mapapangasawa ko, kung bakit kailangang magbalik-balik pa siya rito.
Ilang beses kong ipinaliwanag sa aking kapatid na hindi siya si Binibining Lara na aking sinisinta. Sumakit na ang aking ulo sa kapapaliwanag dahil na rin sa pagsingit ni Margarita sa bawat pangungusap na aking sasabihin.
Hindi maaaring makatakas si Lorenzo. Hindi ako maaaring magtagal rito dahil ako ay hinihintay ng aking Lara.
"¿Cuánto tiempo tardarán en volver aquí en Filipinas?" (Gaano katagal bago sila makakabalik rito sa Filipinas?) tanong ng aking ama.
"Si van a tomar la misma ruta del Galeón de Manila a través del Canal de Suez, lo que redujo el tiempo de viaje de España a Filipinas, llegarán a la tierra después de 40 días." (Kung kanilang tatahakin ang kaparehong ruta ng Galeón de Manila sa pagdaan sa Canal de Suez, kung saan pinadali nito ang oras ng pagbyahe mula España hanggang Filipinas, mararating nila ang kalupaan sa loob ng apatnapung araw.)
"Apatnapung araw?" kung sana'y mayroon lamang na eroplano dito na katulad ng sa panahon ni Lara ay mararating ko ang Barcelona ng ilang oras lamang.
"Sebastian, ¿por qué estás tan enojado con Lorenzo? Es un buen tipo. Frío." (Sebastian, bakit ba ikaw ay nanggagalaiti kay Lorenzo? Mabuti siyang tao. Huminahon ka.) wika ni Señorita Margarita habang inilapat ang kaniyang palad sa ibabaw ng aking kamay na nakapatong sa aking hita. Tinabig ko ang kaniyang kamay. Hindi ko siya kailangan rito.
"El comercio de galeón Manila-Acapulco terminó en 1815. ¿La ruta sigue siendo transitable?" (Ang comercio de galeón Manila-Acapulco ay tinapos na noong 1815. Nadaraanan pa rin ba ang rutang ito?) tanong muli ng aking ama sa guardia civil.
"Sí, Señor." (Yes, Sir.) ani ng guardia civil.
"Bien. Ahora está despedido." (Sige. Maaari na kayong umalis.)
"Señor. Napag-alaman po naming si Señorito Lorenzo ay wala sa Barcelona." humahangos ang isang guardia civil na pumasok sa opisina ni ama.
"Ano? Nasaan siya?" tanong ko sa pawis na pawis na guardia civil.
BINABASA MO ANG
1889 ✔ (Completed)
Historical FictionSummary Si Lara ay isang dalaga na nagmula sa Bataan, sa bansang Pilipinas, taong 2018. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakapag-time-travel siya patungo sa nakaraan sa Pilipinas, taong 1889. Nagawa niya ang paglalakbay sa ibang panahon nang dahil...
