Chapter 10

4 0 0
                                    

"Hello pwede po ba ako maki sakay?"

Nabigla ako sa nakita ko. Si Ken pala ang kausap ng driver.

"Sige lang manong papasukin lang siya."

Pumasok si Ken sa kotse ko.

"Ikaw pala yan Ms. Montrego."

"I told you many tim---"

Lumingon ako sa kanya at hindi ko na malayan na malapit lang ang mukha namin. Isang galaw ko lang magkadikit ang aming mga labi.

"Maam ok lang po ba jan sa likuran?"

Nagtitigan lang kami at wala rin kaming kibo sa isa't-isa.

"Maam?"

Lumingon ako sa driver seat.

"Ok lang kami at mag drive ka na lang jan."

Hindi na ako lumingon sa kanya. Hinawakan ni Ken ang mukha ko at pinalingon niya ako sa kanya. Nagtitigan lang kami.

Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Alex."

"Yes?"

"May muta ka."

Sinampal ko siya at tumalikod ako sa kanya. Kinuha ko an salamin ko at kinuha ang muta ko sa mata ko.

Tama siya may muta ako. Nakakainis talaga at nakakahiya talaga.

Narinig ko lang na tumawa siya.

"Ang cute mo talaga."

Lumingon ako sa kanya. Nagpapacute siya sa akin. Nakakinis talaga at nakakakilig. Naghahahalo lang ang mga emosyon ko ngayon.

"Tumahimik ka nga!"

"Your even cuter when you are pissed off."

Nag eye roll lang ako sa kanya. Cute ba talaga ako? Naging self conscious ako. Bakit ba ito nagyari sa akin.

Lumingon ako sa kanya at nagsmile siya habang nagpapacute sa akin.

"Tigilan mo nga yan!"

"Wala naman akong ginagawa sa iyo."

"Nakakainis ka talaga."

Nagpatuloy parin siya sa kanyang ginagawa.

"Maam, Sir nandito na po tayo."

Papalabas na sana ang driver na bigla tinigilan ito ni Ken. Binuksan ni Ken ang pintuan at lumabas siya.

Lumingon siya sa akin at inilabas niya ang kamay niya na parang tutulungan niya ako lumabas sa kotse.

"I'm ok Ken and I don't want your help."

"Come on Alex I'm just being a gentleman."

Tinanggap ko ang kamay niya at tinulungan niya ako.

Waiting For Your LoveWhere stories live. Discover now