Chapter One

10.2K 188 19
                                    

HINDI makapaniwala si Resen sa naririnig. Hindi yata niya matanggap na nakikipaghiwalay sa kanya ngayon si Winston, ang boyfriend niya sa dumaang isang taon.

Actually, that was not true.

Hindi na siya masyadong nagugulat ngayon sa mga lame excuses na ibinibigay sa kanya ni Winston. Sa palagay nga niya ay mas marami pa ang break-up moments nila ng binata kaysa sa celebration nila ng monthsary sa buong durasyon ng relasyon nila.

Ang ipinagtataka lang siguro niya, sa pagkakataong iyon ay wala siyang matandaan na nangyari para magdesisyon uli itong si Winston na makipaghiwalay sa kanya.

Oh, except for that time that she slapped him for touching her boobs while he was kissing her in the cinema.

"Right," tumatanga-tangong sabi ni Resen na pumutol sa mahaba at walang emosyong litanya ni Winston. "Are you breaking up with me because after a year of being in a relationship, I still refuse to be touched intimately?"

Namula ang guwapong mukha ni Winston. Kung sa pagkapahiya o galit, hindi niya sigurado. Pero mukhang nainsulto ito. "Do you think I'm a shallow person, Resen?"

Sometimes, yes.

Kinagat ni Resen ang dila para mapigilan ang sariling sumagot. Alam naman niya kung gaano kahalaga kay Winston ang imahe ng pagkatao nito kaya kapag nalaman nitong iniisip niya na minsan ay mababaw ito kung minsan, sigurado siyang hindi na niya maaayos ang relasyon nila. Kahit pa madalas ay puro away na lang sila ng binata, ayaw naman niyang magtapos iyon nang hindi maganda.

Winston was her first serious boyfriend. Sure, she had flings when she was still in high school. But the moment she danced with him during her eighteenth birthday, she knew he was the right guy for her.

Si Winston Dimaguiba ay anak ng mag-asawa na parehong respetadong news anchor ng bansa na hinahangaan na niya simula pagkabata, na naging inspirasyon niya para i-take up ang kursong Broadcasting. Iyon din ang kurso ng binata, pero mas ahead ito sa kanya ng isang taon. Graduating student na ito samantalang siya naman ay nasa ikatlong taon pa lang at kukuha pa lang ng internship sa paparating na summer.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit iniisip niyang perfect match sila ni Winston. Pareho sila ng daan na tinatahak at nagmula pa ito sa pamilyang hinahangaan ng marami. Lalo na ng mga Broadcasting students na gaya niya.

Aside from that, he was also handsome, charming, smart, and in layman's term, he was matino. Consistent dean's lister ang binata, student leader, at ngayon nga ay candidate pa ito for suma cum laude.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, masasabi niyang mababaw si Winston. Na para bang wala na itong ibang layer maliban sa pagiging over-achiever nito. Kung minsan pa nga, naiisip niyang nabubuhay lang ang binata para gumawa ng mga bagay na ikaka-proud ng mga magulang nito. Wala namang masama ro'n. Kaya lang, madalas ay napapansin niyang na-pe-pressure na ang binata, dahilan naman para maging bugnutin ito.

"So you really think I'm superficial," parang dismayadong kongklusyon ni Winston sa ilang minutong pananahimik niya.

Maingat na binaba ni Resen ang tasa ng kape sa mesa. Hindi niya maitanggi iyon kaya iniba na lang niya ang takbo ng diskusyon. "Then, why are you breaking up with me... again?"

Bumuntong-hininga si Winston at tinanggal ang suot na salamin sa mata. Pinunasan nito iyon gamit ang panyo nito. "Hindi ka nakikinig, Res. Kanina ko pa sinasabi sa'yo na bukod sa busy ako sa pag-aayos ng thesis ko, a-attend pa ko ng two-week convention para sa mga piling Broadcasting students na gaya ko mula sa iba't ibang universities and colleges sa Pilipinas."

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon