Chapter Twelve

2.4K 94 1
                                    

NAGPAPASALAMAT si Resen na kasama niya si Snicker nang nagpunta siya sa ospital matapos sabihin sa kanya ng tita niya na naaksidente ang kanyang mommy. Kung wala ang binata, baka wala pa man din siya sa ospital ay nag-break down na siya. But he was with her, and he held her tight.

Nang makarating sila sa ospital, nakahinga siya ng maluwag nang makitang minor injuries lang ang natamo ng mommy niya mula sa pagkakabangga ng dina-drive nitong sasakyan sa poste nang nasira ang brake.

Bukod sa tinahing sugat sa gilid ng ulo nito at ilang pasa sa braso, wala nang ibang natamong injury ang kanyang ina. Gayunman, pumalahaw pa rin siya ng iyak. Nagka-trauma na yata siya dahil noong nasa elementarya siya, nang tinawagan ng mommy niya ang teacher niya at sinabing nasa ospital ang daddy niya, nang dumating siya ay pumanaw na ang ama niya.

Natakot siya na baka gano'n din ang abutan niya sa ospital.

Tumahan lang siya nang yakapin siya ni Snicker at bulungan ng kung anu-anong nakakahiyang ginawa nila no'ng nasa high school sila para tumahan siya.

Pagkatapos niyang "sermunan" ang mommy niya tungkol sa pagmamaneho nito at hindi pag-check sa sasakyan bago gamitin, ang ina naman niya ang sumita sa tahi sa noo niya. Bago pa akuin ni Snicker ang kasalanan ay inunahan na niya ang binata.

"This is just a small accident, Mom," paiwas na sagot ni Resen. "Okay lang ako. Ikaw ang pasiyente dito kaya let me take care of you, okay?"

Her mom rolled her eyes at her. "I'm fine. You're just overreacting."

Gusto sanang sabihin ni Resen na naalala niya ang nangyari sa ama niya, pero ayaw naman niyang sirain ang magandang mood ng mommy niya. Nilingon niya si Snicker na tahimik lang na nakaupo sa couch. "Hey, big guy. Kanina ka pa dito. Baka hinahanap ka na ni Tita Sally. Pagalitan ka pa ng mommy mo," anito na ang tinutukoy ay ang ama ng binata. "Kaya ko nang bantayan si Mommy. Pabalik naman na ang tita ko mayamaya."

"Nagtext na ko kay Mommy at nagpaalam na mag-i-stay muna ko dito para samahan kayo ni Tita Rea," sabi ni Snicker."Mas magagalit si Mommy kung iiwan ko kayo rito. Isa pa, hindi naman ako makaalis ng ganito ang sitwasyon. I care for your mom, too, baby girl."

"That's so sweet, hijo," nakangiting sabi ng kanyang mommy. "Thank you."

Ngumiti si Snicker. "No problem, Tita."

Napangiti si Resen. Sino ba naman ang mag-aakala na magiging close sina Snicker at ang mommy niya na parang mag-ina na gayong noong nasa high school sila ng binata, tutol ang kanyang ina sa pagkakaibigan nila?

Naalala niya no'ng unang araw na dalhin niya si Snicker sa bahay nila. Pinapatawag kasi sa principal's office ang mommy niya dahil nakasagutan niya ang teacher niya dahil sa pang-aapi kay Snicker. Gusto sanang personal humingi ng tawad ng binata sa kanyang ina dahil nadamay siya sa mga issue nito.

Naging civil naman ang pagharap ng kanyang mommy kay Snicker no'n. Naaalala pa niya ang sinabi ng kanyang ina ng araw na 'yon...

"Anak, kilala mo ba kung sino ang ama ng kaibigan mo?" tila takot na takot na tanong ng kanyang ina. Pagkatapos ay hinawakan nito ang mukha niya, ang balikat niya, ang mga kamay niya na parang iniinspeksyon siya. "Wala ba siyang ginagawang masama sa'yo? Huwag na huwag kang pupunta sa lugar ng batang 'yon at baka kung anong gawin sa'yo ng pamilya niya. Hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa mga tulad niya!"

Nagtampo si Resen sa kanyang ina no'n. Mas lalong sumama ang loob niya nang pagbalik niya sa sala, wala na si Snicker. Malamang ay narinig nito ang mga sinabi ng kanyang ina kaya umalis ng walang paalam ang binata.

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon