BINIGYAN ni Snicker ng kakaibang tingin si Resen na nilagay lahat ng sibuyas na tinanggal nito sa pizza nito sa ibabaw ng pizza niya. "Gusto mo bang i-order kita ng Hawaiian pizza mo nang hindi ka na nahihirapan d'yan?"
Umiling si Resen. "Hindi na. Okay na sa'kin 'to. But thank you sa offer."
Hindi aaminin ni Snicker kahit kanino, pero masaya siya ngayong katabi niya si Resen sa pizza house na 'yon kasama ang mga kaibigan niya. Sa totoo lang, simula ng mag-college sila ay bihira nang sumama sa kanya ang dalaga dahil may iba na rin itong mga kaibigan. Idagdag pa na nagkaro'n ng kaunting lamat ang pagkakaibigan nila ilang taon na ang nakararaan.
Kahit na may ibang dahilan si Resen sa pagsama-sama sa kanya, hindi na 'yon mahalaga sa kanya. Ang importante ay nagkakaroon siya ng maraming oras kasama ang dalaga. Higit sa lahat, ngayong sinusubukan nitong pasukin ang mundo niya, napapaniwala niya ang sarili niya na kahit paano, bagay sila ni Resen sa isa't isa. Kahit pa sandaling oras lang ang itatagal niyon.
"Hey, Resen," nakangising tawag dito ni Lawrence mayamaya. "May regalo ako sa'yo."
Tumaas ang kilay ni Snicker pero hindi na nagkomento nang makita niya ang pagkislap ng mga mata ni Resen.
"Really? What is it?" tila batang nasasabik na tanong naman ni Resen.
Lumuwang ang pagkakangisi ni Lawrence, saka nito nilabas mula sa wallet nito ang isang ID. "Tenen! Ginawan kita ng fake ID para makapasok ka sa mga bar at sa mga nightclub!"
Minura ni Snicker si Lawrence kasabay ng pagpalakpak ni Resen. Pagkatapos ay nagkatinginan sila ng dalaga.
"No. Hindi mo gagamitin 'yon," mariing sabi ni Snicker kay Resen. "Hindi pa nga ako nakaka-recover na makita kang lasing at may hang-over kinabukasan, gusto mo na namang ulitin 'yon ngayon?"
Ipinaikot ni Resen ang mga mata. "Snicker, I swear, sinasaniban ka ni Daddy madalas. You talk just like him."
Tinapunan niya ng masamang tingin si Resen na nagpaawa naman ng mukha. "Huwag mo kong daanin sa pagpapaawa mo. Hindi na 'yan uubra ngayon."
Nagbago nga ng taktika si Resen. From pouting, she then smiled sweetly at him while batting her eyelashes cutely at him. At nang magsalita ito, napakalambing ng boses nito. "Snicker, payagan mo na kong sumama sa inyo na mag-bar. Pretty please?"
Napalunok si Snicker. Shit, Resen looked so adorable. Ikinuyom niya ang mga kamay niya at sinadyang ibaon ang mga kuko sa mga palad niya para pigilan ang sariling yumuko at pupugin ng halik ang mukha ng dalaga. This little cute creature would be his end, no doubt about that.
"Oh, Lagdameo. Your new girl is so fucking hot!"
Nagtagis ang mga bagang ni Snicker sa narinig saka marahas na nilingon ang nagsalita. Muntik nang magdilim ang paningin niya nang makita si Brian. Maga pa ang mukha nito, pero nakangisi pa rin. Gaya noon, marami na naman itong kasama. Limang lalaki ang kasama nito.
Shit.
Kung wala lang sa tabi ni Snicker si Resen, kanina pa bulagta at duguan sa sahig ang lalaking ito. Pero naalala niya na nang minsang makita siya ng dalaga na nakipag-away noong nasa high school sila, namutla ito at parang na-shock. Simula no'n ay hindi na siya nagpapahuli dito na nakikipagbasag-ulo.
Tinapunan ni Snicker ng masamang tingin ang lalaki na ngumisi lang at pasimple siyang sinenyasan na sumunod dito bago ito lumabas kasama ang grupo nito.
Sa totoo lang, puwede naman niyang palagpasin ang paghahamon ng gagong 'yon. Pero hindi niya mapapalagpas ang malaswang tinging ibinigay nito kay Resen kanina na para bang sinasabing may balak itong masama sa dalaga. At dahil do'n, pagbabayarin niya ang kumag.
"Let's go," utos ni Snicker sa mga kasamahan, saka tumayo at lumabas agad ng pizza house.
Umagapay naman agad si Resen sa kanya. Kumapit ito sa braso niya. "Snicker, huwag mo na patulan ang mga 'yon."
Snicker turned to her and he gave her one of his rare smiles – a smile that was only intended for her. "I'll be fine, baby girl." Nilingon niya si Lawrence na nasa likuran ni Resen. "Law, ihatid mo na sa bahay si Resen."
Bago pa makapagreklamo si Snicker ay mabilis na niyang iniwan si Resen. Dumeretso siya sa big bike niya, kasunod ang limang kabarkada niya na mga motor din ang gamit. Habang nagsusuot ng helmet ay nilingon niya si Resen. Inaakay na ito ni Lawrence pasakay ng kotse.
"Watch out!" sigaw ng kung sino.
Pakiramdam ni Snicker ay biglang huminto sa pagtibok ang puso niya nang makita niyang umulan ng malalaking bato sa direksyon nina Resen at Lawrence mula sa convertible na mabilis ang takbo kung saan may mga lalaking nakatayo at nagtatawanan habang hinahagis ang mga hawak na bato. Si Brian ang nagmamaneho ng sasakyan.
Mabilis namang hinarang ni Lawrence ang katawan para protektahan ang dalaga, pero may nakalusot pa rin. One rock hit Resen on the head.
Kasabay nang pagdugo ng noo ni Resen ay ang pagkakita niya rin ng pula.
Nagmura ng malakas si Snicker at hinagis ang helmet niya sa convertible na tinamaan sa hood, pero mabilis din ang andar niyon kaya nakalayo agad. Inutusan niya ang mga kasamahan niyang sundan ang mga gagong 'yon bago siya tumakbo papunta kay Resen. Sinalo niya ang dalaga nang muntikan na itong matumba sa kalsada. Nanginginig ang katawan nito habang nakatingin sa mga kamay na may dugo. Alam niyang nagpipigil na lang itong umiyak.
Shit, takot nga pala siya sa dugo!
Mabilis na binuhat ni Snicker si Resen. He pressed his lips against her temple. "You'll be fine, baby. You'll be fine."
BINABASA MO ANG
Stuck In The Friendzone (Published, 2015)
Romance"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kila...