Chapter Eighteen

2.3K 93 1
                                    

ISANG buwan nang nagsosolo sina Resen at Snicker.

Hatid-sundo siya ng binata sa school. Nakakagulat, pero ibinenta nito ang big bike nito para makabili ng second-hand na kotse. Mas safe daw kasi kung kotse ang gagamitin nito kapag hinahatid-sundo siya. Ang nakakatuwa, parating nasa backseat ang regalo niyang helmet dito na para bang ginawa na iyong display ng sasakyan nito.

Tuwing sabay naman ang break time nila, himbis na kumain sa cafeteria kasama ang barkada nito, ay sa mga restaurant o mga coffee shop sila nagpupunta. Nakakatuwa nga dahil madalas, hinihintay siya ng ilang oras ni Snicker na matapos ang mga klase niya, para lang magkasama sila ng ilang minuto.

Mas madalas na rin silang magkausap sa telepono, kahit pa siya lang naman ang salita ng salita at nakikinig lang ito at nagkokomento kapag pinipilit niya.

Wala namang masyadong nagbago sa pagkakaibigan nila ni Snicker. Maliban na lang siguro sa madalas silang magkasama. Dahil din do'n ay napansin na niya ang mga pagbabago dito.

Hindi na nakikipag-away si Snicker at hindi na rin mainitin ang ulo nito. Hindi na rin ito nagpa-party o umiinom ng alak. Napansin din niyang himbis na sigarilyo, pocky stick na lang ang parating nakaipit sa mga labi nito kapag siguro na-mi-miss nito ang paninigarilyo pero pinipigilan nito ang sariling magsindi ng stick.

At dahil mahilig siyang mag-aral, nahahawaan na rin niya si Snicker. Madalas na rin itong mag-aral kapag magkasama sila.

This couldn't get any better, she thought.

"Hey, Resen."

Mula sa binabasang libro (na hindi naman talaga niya binabasa dahil nagmumuni-muni siya) ay umangat ang tingin niya kay Winston na umupo sa katapat niyang bench kahit hindi niya ito iniimbita. Nanatili siyang kalmado kahit naiinis siya sa binata.

"Bakit mag-isa ka dito sa park?" nakakunot ang noong tanong ni Winston.

Pilit na ngumiti si Resen, ayaw naman maging bastos sa dati niyang karelasyon. "Hinihintay ko si Snicker. Sabay kasi kaming magla-lunch."

Sumimangot si Winston. "So the rumors are true, huh?"

Kumunot ang noo ni Resen. "What rumor?"

"That you're now the bad boy's girl."

Bad boy's girl? Sa buong unibersidad nila, si Snicker lang ang nag-iisang tinatawag na "bad boy" ng lahat dahil ang binata lang ang may karapatan. Kung gano'n pala, natsitsismis na sila dahil siguro sa madalas silang magkasama ng silang dalawa lang.

Napangiti siya. Ewan ba niya pero nagustuhan niya ang balitang iyon.

Lalong napasimangot si Winston. "It's true? Ipinagpalit mo lang ako kay Snicker? Resen naman. Kung makikipag-date ka sa iba, sana naman 'yong ka-lebel ko."

Nainis si Resen dahil sa pangmamaliit sa tono ni Winston. Itinaas niya ang mga kamay niya para pigilan ito sa pagsasalita at para na rin kalmahin ang sarili. "Wait, Winston. First of all, even before our official break-up, we weren't talking properly to each other for months then anymore. Ikaw pa nga ang atat na atat gawing official ang paghihiwalay natin, 'di ba? So technically, matagal na tayong walang relasyon. Hindi kita ipinagpalit.

"Isa pa, huwag mong i-la-"lang" si Snicker. He's a good person and he's my best friend. And now, I'm going out with him. I hate to say this, but he treats me better than you did. I guess in that department,I can say that Snicker is way better than you were. Alam mo kung anong pinagkaiba niyo? You're a boy, Winston. Snicker is a man."

Halatang nagalit at nainsulto sa mga sinabi ni Resen si Winston pero bago pa ito makapagsalita ay tumayo na siya at pumihit patalikod sa binata. Nagulat pa siya nang sumalubong sa kanya si Snicker na mukhang kanina pa nasa likuran niya.

For some reason, Snicker looked both baffled and amused at the same time.

"Hi, Snicker," nakangiting bati ni Resen dito.

Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi ni Snicker, pero mabilis ding lumagpas ang tingin nito sa kanya at nagdilim ang anyo.

Kahit hindi tumitingin sa likuran, alam ni Resen na si Winston ang binibigyan ni Snicker ng nagbabantang tingin. Bago pa magkainitan ang dalawang lalaki, lumapit na siya kay Snicker at kumapit sa braso nito saka ito marahang inakay palayo.

"Ginugulo ka pa rin ba ni Winston?" nakakunot ang noong tanong ni Snicker habang naglalakad sila sa covered walk, papuntang carspace.

Umiling si Resen. "N-nangangamusta lang siya."

"You're a terrible liar, Resen. Kung hindi mo na matagalan ang pangungulit ni Winston sa'yo, sabihin mo lang sa'kin. Don't worry, I won't hurt him. Kakausapin ko lang siya. Nangako ako sa'yong hindi na ko makikipag-away at wala akong balak sirain 'yon para lang sa ugok mong ex."

Napangiti naman si Resen. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit maraming babae ang nangangarap na makapagpatino ng isang "bad boy." Masarap pala talaga sa pakiramdam kapag ikaw ang dahilan ng pagbabago ng lalaking walang ibang ginawa noon kundi ang makipagbasag-ulo at gumawa ng kung anu-anong kalokohan. Pakiramdam niya ngayon, nakataas siya sa pedestal dahil sa pagtrato sa kanya ni Snicker.

Pero ang dapat maunawaan ng mga kagaya niyang babae ay hindi reward ang pagiging good boy ng isang former bad boy. Pinaghihirapan 'yon at ginagawa nang may genuine na dahilan. Hindi rin naman naging madaling makapasok sa mundo ni Snicker. Ilang beses silang nagkasakitan ng damdamin.

Ang masasabi lang niya, sulit ang mapamahal sa isang bad boy.

Napansin ni Resen na nakakapit pa rin siya sa braso ni Snicker. Nag-init ang mga pisngi niya. Noon, wala naman siyang nararamdamang kakaiba kapag magkadikit sila ng binata. Pero ngayon, tumitili na ang buong pagkatao niya sa pinaghalong kaba at kilig. Pakiramdam niya, bumalik siya sa dating siya na malaki ang pagkakagusto sa binata.

Ah, 'yon na siguro 'yon.

Bumalik na ang feelings niya kay Snicker at mukhang mas malakas at mas malalim na iyon ngayon kumpara noong mas bata siya. Dahil ngayon, sigurado na siya sa nararamdaman niya. Hindi na lang 'yon simpleng crush o curiosity.

The realization stunned her.

Unti-unti siyang bumitiw sa braso ni Snicker.

"Don't let go of my arm, Resen," tila nahihiyang pigil ni Snicker sa kanya. Namumula ang mukha nito at hindi makatingin ng deretso sa kanya. "Gusto ko na... na ganito tayo kalapit habang naglalakad."

Napabungisngis si Resen. He looked adorable, blushing like a bashful boy. Nang bitawan niya ang braso ni Snicker, bumakas ang dismaya sa mukha nito. Pero hindi rin 'yon nagtagal sa sunod niyang ginawa.

She slipped her hand into his.

"Better?" nakangising tanong ni Resen nang pati mga tainga ni Snicker ay namula.

Tila nahihiyang tumango si Snicker, may munting ngiti sa mga labi. He then entwined their fingers together. "One of the best things that happened to my life."

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon