HINDI komportable si Resen sa ayos niya. Mukha siyang bruha dahil sa nakasabog niyang buhok na malaki ang pagkaalon sa dulo, na para bang hindi iyon sinuklay. Nilalamig din ang mga hita niya dahil sa suot niyang tight na, mini pa na black shorts. Mabuti na lang at balot ang itaas na bahagi ng katawan niya sa suot niyang itim na leather jacket sa ibabaw ng itim na tank top. Mataas din ang wedge boots niya na siguradong makaka-injure kung sakali mang mag-decide siyang gawin iyong sandata.
Pero bawing-bawi naman ang pag-aalala niya nang makita niya ang sarili niya sa salamin. Nagmukha siyang gothic girl dahil sa make-up na ginawa ni Rowelie sa mukha niya. Ngayon lang siya gumamit ng black lipstick, pero mukhang bumagay naman iyon sa kanya.
Mabuti na lang at hindi pa umuuwi ang mommy niya mula sa business conference nito dahil kundi, tiyak na hindi siya makakalabas ng bahay na gano'n ang histura.
"I'm not sure if I look okay..." nag-aalalang sabi ni Resen, saka binalingan si Rowelie. "But thank you, Rowelie."
Ngumisi lang si Rowelie. "Ihanda mo ang sarili mo, Resen. Siguradong maraming lalaki ang mambubulabog sa'yo sa party mamaya."
Nag-init ang mga pisngi ni Resen. "May boyfriend na ko."
Ipinaikot ni Rowelie ang mga mata habang inaayos ang make-up kit na dala nito. "Hindi pa kayo nagkakabalikan ni Winston. Kung hindi ako nagkakamali, cool-off ang status niyo. Walang masama kung makikipagkilala ka muna sa ibang lalaki."
Resen felt horrified by Rowelie's suggestion. "Hindi ko magagawa 'yon kay Winston."
Binigyan siya ng nayayamot na tingin ni Rowelie. "Of course you can't. You're such a goody-two shoes."
"You make it sound so bad."
"Because being so good to everyone around you makes you so dense," iiling-iling na sabi ni Rowelie. Pero bago pa siya makapagtanong kung ano ang ibig nitong sabihin, itinaas nito ang kamay para pigilan siya. "Nagtext sina Lawrence. Nasa baba na sila."
Hindi na muling natanong ni Resen si Rowelie na mabilis na lumabas ng kuwarto niya, na para bang iniiwasan siya. Sumunod siya sa babae. Nagtaka siya nang hindi maabutan sa sala sina Snicker at Lawrence gaya ng inaasahan niya. Sa halip ay nasa loob pa rin ng kotse ang dalawa. Nasa driver's seat si Lawrence samantalang nasa passenger's side naman si Snicker.
Ni hindi man lang sila pinagbuksan ng pinto ng dalawang lalaki. Sa halip, si Rowelie ang nagbukas ng pinto ng backseat at sumakay ng walang reklamo. Sumunod na rin si Resen.
Nakakunot ang noo na sinalubong ni Resen ang tingin ni Snicker sa rearview mirror. "Bakit hindi ka bumaba ng sasakyan para bumati man lang kita yaya? Baka magtampo ang mga 'yon."
Nanatiling walang emosyon si Snicker. "You're my date tonight, Resen. At ang mga babaeng dinadala ko sa mga party, hindi ko pinagpapaalam sa mga magulang o kasambahay nila. It's either I'd pick them up like this, or I'd just meet them at the party."
Napasinghap si Resen. "That's so cold... and so ungentleman of you."
Ngumisi si Snicker. "Ganito ko talaga itrato ang mga babaeng dine-date ko. Gusto mong itrato kita kung paano ko sila itrato 'di ba?"
Sumimangot lang si Resen at tumingin sa labas ng bintana. Puro sasakyan at nagtataasang gusali lang na makukulay na ng mga sandaling iyon ang nakita niya.
Habang nagmumuni-muni ay bumalik sa kanyang alaala ang panahong nagustuhan niya si Snicker nang higit pa sa isang kaibigan. She was seventeen then and she was in her freshman year in college. Napag-usapan nila ng mga friends niya ang tungkol sa mga boys at kung sinu-sino ang type nilang i-date.
That moment, she had realized that she liked Snicker more than a friend. Isa pa, nagdadalaga na siya no'n kaya natural lang siguro na napapansin na niya ang binata sa ibang paraan. He was nineteen then, and he already looked like a full-grown man. Idagdag pa na guwapo ito kaya naging sikat agad ito sa university kahit pareho lang silang freshman no'n.
Na-threaten siya kaya no'ng gabi ng acquaintance party nila, may nagawa siyang napakatangang desisyon na muntik nang sumira sa friendship nila ni Snicker...
She shuddered. The memories of that night were so bitter and painful that she refused to remember them anymore.
"We're here," anunsiyo ni Lawrence.
Napabuntong-hininga na lang si Resen nang gaya kanina, hindi man lang nag-abala si Snicker o Lawrence na alalayan sila ni Rowelie sa pagbaba ng sasakyan. Sa garahe pa lang ay dinig na dinig na ang napakalakas na tunog ng nakakaindak na musika.
Napasinghap siya nang pagdating nilang apat sa pool area ng malaking bahay ay makita ang sa tingin niya ay umabot ng isang daang mga kabataan na nagsasayawan sa gilid o sa mismong tubig man habang may hawak na iba't ibang klase ng alak. Mga inuming ni minsan ay hindi pa niya natitikman.
"Wait. Lahat ba ng bisita mo, legal na para uminom?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Resen kay Lawrence sa malakas na boses para marinig siya nito.
Tumawa naman si Lawrence. "I'm not sure. Heck, I don't even personally know half of my guests!"
Napasinghap si Resen. Marami pa siyang tanong pero tinapik lang siya ni Lawrence sa balikat saka ito naglakad palapit sa maganda at sexy na babae na sinalubong nito ng torrid kiss.
Eww.
Mahinang binunggo si Snicker ang balikat niya para kuhanin ang atensiyon niya. Nang lingunin niya ang binata, tinuro nito sa kanya ang mahabang mesa. "May buffet table do'n, kumuha ka na lang ng gusto mong kainin." Tinuro naman nito ang improvised bar counter sa tabi ng mesa. No'n lang niya napansin na nando'n na pala si Rowelie. "Magpatulong ka kay Rowe kung gusto mong uminom ng alak. Nabilin ko na sa kanya kung ano lang ang ipapainom sa'yo."
Sa pagkagulat ni Resen, bigla na lang nagsimulang maglakad palayos si Snicker. Hinawakan niya ito sa braso at nang lingunin siya ng binata, binigyan niya ito nang hindi makapaniwalang tingin. "Iiwan mo ko dito?"
Marahang inalis ni Snicker ang kamay niya sa braso nito. "Gusto mong maranasan ang mundo namin, 'di ba?" Ibinuka nito ang mga braso. "Go ahead. Have fun. Socialize with other bad kids. Don't be clingy to me."
Napasinghap si Resen. "You... you arrogant... BigA!"
Tumawa lang si Snicker, pagkatapos ay tinalikuran na siya at naglakad na ito palayo. Mabilis itong nag-blend sa dami ng mga kabataang tulad nila ay panay dark clothes ang suot.
Tumingin sa paligid si Resen, kinakalma ang sarili. At least ngayon, hindi na siya masyadong nag-stand out dahil all black na rin ang outfit niya. In fact, wala ngang pumapansin sa kanya dahil halos lahat ng bisita ro'n, kung hindi abala sa pagsasayaw o pag-inom ng alak, ay nakikipag-make out naman sa dilim.
Gusto na sana niyang umuwi sa bahay at magbasa ng mga libro niya...
I'm not a boring girl anymore, mabilis na paalala naman niya sa sarili, saka lumingon sa paligid nang mapansin niyang may mga curious eyes nang nakatingin sa kanya. Pilit na ngumiti siya para magmukha naman siyang friendly at hindi constipated. This can be fun... right?
BINABASA MO ANG
Stuck In The Friendzone (Published, 2015)
Romance"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kila...