Chapter Eight

2.7K 77 3
                                    

"JAKE, hindi ko gusto ang tingin at ngiti ng lalaking 'yon kay Resen. Get him out of here," mariing bilin ni Snicker sa kaibigan na kausap niya sa kabilang linya, saka niya nilipat ang contact niya sa isa pa niyang kasamahan. "Adrian, may papalapit na dalawang kumag kay Resen. Ilayo mo ang mga 'yon sa kanya ngayon din." Nagpalit uli siya ng contact, nakakunot ang noo sa eksenang nakikita niya. "Tan, that creepy asshole is sniffing Resen. Pasimple mo ngang sikmuraan, saka mo paalisin ng party. Siguraduhin mo lang na walang mapapansing kakaiba si Resen kapag ginawa mo 'yon..."

Nagpatuloy si Snicker sa pagtawag sa mga kaibigan niya na malapit kay Resen para maprotektahan ang dalaga mula sa mga lalaking gustong pumorma sa dalaga.

Hindi naman tataas ng ganito ang pagiging protective niya kay Resen kung hindi nalasing ang babaeng 'yon. Nang malingat kasi kanina si Rowelie na siyang nagsisilbing "bar tender" ng party ay tinungga ni Resen ang bote ng tequila. Ang katwiran ni Resen, wala naman daw lasa ang alak. Ngayon ay umeepekto na sigurado ang ininom nito dahil panay na ang bungisngis ng dalaga at iniindak na rin nito ang baywang habang sumasayaw.

Damn, she's so beautiful and so sexy.

Hindi tuloy niya masisi ang mga lalaking nagtatangkang lapitan si Resen. Pero dahil nakainom ang dalaga, hindi siya papayag na malapitan ito ng ibang mokong kaya mahigpit niya itong pinapabantayan sa mga kasamahan niya.

"Kung ganyan ka nag-aalala kay Resen, bakit hindi ka na lang dumikit sa kanya? Siguradong walang magtatangkang lumapit o tumingin man lang sa direksyon niya kapag kasama ka niya," iiling-iling na sabi ni Lawrence na kasama niya sa balkonahe ng mga sandaling iyon.

Mula sa puwesto nila ni Lawrence ay kitang-kita ang buong pool area kaya nababantayan ni Snicker si Resen. "Hindi ako puwedeng maging clingy kay Resen pagkatapos ko siyang sabihang huwag maging clingy sa'kin."

Natawa si Lawrence. "Nakainom na ang baby girl mo. Hindi na niya maaalalang sinabi mo 'yon sa kanya."

Pakiramdam ni Snicker ay bumigat ang paghinga niya habang pinapanood si Resen na sumayaw– umiindak ang baywang nito sa ere kasabay ng pagbagsak ng malakas na musika. May hawak itong baso ng "alak" (pero ang totoo, seasoned juice na lang 'yon na pinagawa niya kay Rowelie) habang nakataas pa ang isang kamay at nakikihiyaw sa mga tao sa paligid nito.

Napako ang tingin niya sa payat na baywang ni Resen. Shit, he didn't know that she could dance so sexily like that. She was giving him a hard-on!

Tinungga niya ang bote ng beer na hawak para kalmahin ang sarili.

Pumalataktak si Lawrence at tinapik-tapik ang balikat niya. "Sa lagkit ng tingin mo kay Resen, nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin niya napapansin na patay na patay ka sa kanya. Gano'n ba siya kamanhid?"

Snicker gave Lawrence a disbelieving look "Tingin mo ba titingnan ko ng ganito si Resen kapag magkasama kami, o kung may ibang tao sa paligid namin? Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit parati kong pinipilit na sumimangot at magmukhang walang emosyon?"

"Point taken," natatawang sabi ni Lawrence, itinaas pa ang mga kamay. Sa kaliwa nito at may hawak itong bote ng beer. Sa kanan naman ay may nakaipit na stick ng yosi sa mga daliri nito. "Pero sa dami ng ginawa mo para sa kanya, imposibleng hindi niya mapansin 'yon."

Bumuntong-hininga si Snicker at bumaba ang tingin sa bote ng beer na hawak niya. Siguro, umeepekto na rin ang iniinom niyang alak dahil natagpuan niya ang sarili na nagkukuwento kay Lawrence. "I turned her down two years ago."

Nagmura si Lawrence. "Seryoso, pare? Binasted mo si Resen noon? Si Resen na nilagay mo sa pedestal?"

Binigyan ni Snicker ng iritadong tingin si Lawrence. "Natakot ako, okay? Natakot ako na baka kapag naging kami ni Resen at hindi naman nag-work ang relasyon namin ay mawala siya sa'kin. Kaya mas pinili kong isipin niya na hindi ko siya gusto nang higit pa sa isang kaibigan. At least, if we're friends, I could keep her forever. I can't afford to lose her, you know."

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon