Chapter Six

2.5K 92 1
                                    

WELL, hindi naman kailangang sundin ni Resen ang pagbabawal ni Snicker sa kanya na makisali sa mundo nito. Kahit paano naman, kaibigan din niya ang mga kaibigan nito. May karapatan siyang sumali sa grupo nito.

Kaya ng araw na 'yon, sinuot niya ang bagong bili niyang outfit –black figure-hugging sleeveless shirt, tight black jeans, black ankle boots. Kadalasan ay nakalugay lang ang mahaba niyang buhok na nilalagyan lang niya ng hairband, pero ng araw na 'yon, pinusod niya 'yon makita ang choker na suot niya. Naglagay din siya ng makapal na eyeliner sa ilalim ng mga mata niya. At pulang-pulang lipstick ang ginamit niya.

Nagulat si Yaya Berta nang makita siya kanina, pero sinabi naman nitong bumagay din sa kanya ang magmukhang "anak ng dilim." Natatawa pa rin siya sa salitang ginamit ng yaya niya.

Napangiti si Resen nang makita sa cafeteria ang grupo nina Snicker. Sakop ng mga ito ang mahabang mesa sa gilid ng salaming dingding.

"Hey, big guy," nakangiti at malakas na bati niya kay Snicker habang naglalakad siya palapit sa binata.

Huminto sa tahimik na pagkain si Snicker at lumingon sa kanya. Nang dumako ang tingin nito sa mukha niya pababa sa suot niya, bigla itong inihit ng ubo na tila nabilaukan kaya inabutan ni Lawrence ng baso ng tubig na mabilis nitong inisang-lagok lang nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

Nag-alala naman si Resen kaya umupo siya sa tabi ni Snicker at marahang tinapik-tapik ang likod nito. "Are you okay, Snicker?"

Lumunok si Snicker at yumuko para bumulong sa tapat ng tainga niya. Base sa boses nito, mukhang hindi ito masaya sa new look niya. "Ano 'yang porma mong 'yan, Resen?"

Napakurap-kurap naman si Resen, saka tumingin sa mga kasalo niya sa mesa. "Do I look weird, people?"

"You look gorgeous," mabilis na sagot naman ni Lawrence. "I didn't know you'd look good on black. Parati ka kasing mukhang naglalakad na rainbow sa mga suot mong damit. But now... wow. Ang ganda mo talaga, Resen."

Ngumiti si Resen. "Thank you."

"Ignore her," malamig na utos naman ni Snicker na mukhang nakabawi na, dahilan para matahimik ang lahat ng nasa mesa na 'yon.

"Ignore me?" hindi makapaniwalang tanong ni Resen kay Snicker na iniiwasan ang tingin niya. "Pagkatapos kong bilhin ang outfit na 'to para bumagay sa inyo, sasabihan mo lang ang friends mo na huwag akong pansinin?"

Nilingon siya ni Snicker ng masamang tingin. "Hindi bagay sa'yo."

Ngumiti ng mayabang si Resen. "Hindi 'yan ang sinabi ng best friend mo. At sa pagitan mo at ni Lawrence, sorry pero may mas tiwala ako sa fashion sense niya."

Halatang nagpipigil na lang tumawa ang mga kaibigan ni Snicker.

"Umalis ka na nga dito. You don't belong here," pagtataboy pa rin ni Snicker sa kanya.

Humalukipkip si Resen at nagtaas ng noo. "Sabihin mo munang, "you can't sit with us," like a mean girl."

Sa pagkakataong iyon ay nagtawanan na ang mga tao sa mesa na 'yon.

Nang magtagis lang ang mga bagang ni Snicker, umirap si Resen at hinarap ang mga kaibigan ng binata. Ngumiti siya ng matamis. "What are you up to, people?"

Natawa si Lawrence. "You can just say, "what's up, pips?"" Itinuro ng binata ang mga balikat niya. "And you don't have to sit straight when you say that. Dapat mukha ka lang relax. Chill lang din dapat ang boses mo. Masyado kasing pormal ang pagkakatanong mo kanina. Tandaan mo, walang manners ang mga kasama mo sa mesa ngayon."

"Law," saway ni Snicker dito na nginisihan lang ni Lawrence.

"Oh, okay ," mabilis na sabi ni Resen bago pa may masabi na naman si Snicker, pagkatapos ay sumandal siya sa upuan at humalukipkip gaya ng karamihan sa mesang 'yon. Nag-dekwatro rin siya gaya ng upo ni Lawrence. Sa pinaka-"relax" niyang boses, inulit niya ang cooler version ng tanong niya kanina. "What's up, pips?"

Everyone around the table cheered.

Nilingon ni Resen si Snicker. Hindi man nakangiti, nangingislap naman ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya at umiiling-iling.

"Can I sit with you now?" nakataas ang kilay na tanong ni Resen kay Snicker.

Bumuga lang ng hangin si Snicker, saka tinungga ang canned soda nito bago sumagot. "Bahala ka sa buhay mo."

Ngumiti lang si Resen.

"Hey, Resen," sabi ni Snicker mayamaya. "I'm having a party tonight at our house while my parents are away. Gusto mo bang sumama?"

Party! Hindi pa siya nakakapunta sa party. Sigurado siyang papayagan siya ng mommy niya dahil malapit naman na ang summer vacation. Mabilis siyang tumango. "Yes, Law. Gusto kong pumunta sa party mo."

Dumako ang tingin ni Lawrence kay Snicker.

Nakuha naman ni Resen ang ibig sabihin ni Lawrence, kaya marahan niyang tinapik sa braso si Snicker na hindi siya nilingon. "Snicker, dalhin mo ko sa party mo."

"I don't bring friends to the parties I go to, Resen."

"Then bring her as your date," nakangising suhesyon naman ni Lawrence.

Bago pa makakontra si Snicker ay inunahan na ito ni Resen. "Oo nga, Snicker. Dalhin mo ko bilang date mo."

Binigyan siya ng kakaibang tingin ni Snicker. Na para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. "No."

Nalaglag ang mga balikat ni Resen sa pagkadismaya.

"I'll bring her then," sabi naman ni Lawrence. "Party ko naman 'yon, eh. Saan kita susunduin, baby girl?"

"Fuck, no, you won't," mabilis na kontra naman ni Snicker bago pa makasagot si Resen sa tanong ni Lawrence. "And don't call her that. Ako ang magdadala kay Resen sa party."

Nilingon ni Resen si Snicker. "Really?"

Snicker just grunted.

Impit na napatili si Resen. She clapped her hands and looked at everyone around her. "So, may dress code ba?"

Muli, nagtawanan ang mga kaibigan ni Snicker.

"Don't wear your usual pastel-colored dresses or we'll kick you out of the party," pabirong banta naman ni Rowelie na no'n lang nagsalita. "Kung kailangan mo ng tip sa kung ano ang dapat mong ayos at suot sa party, sabihin mo lang sa'kin. Tutulungan kita."

Nanlaki ang mga mata ni Resen sa gulat. "Really?"

Dumako saglit ang tingin ni Rowelie kay Resen bago siya muling hinarap ng dalaga. "Yes. Gusto ko rin namag bumawi sa'yo dahil nasaktan ko ang feelings mo no'ng nakaraan."

Ngumiti si Resen at hinawakan ang kamay ni Rowelie. "Thank you, Rowelie. Kung may time ka mamaya, puwede mo ba kong samahang mag-shopping?"

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon