AUTHOR'S NOTE: Hi. Stuck in the Friendzone is actually the third book in the series. Bale, meron pang two other books na nauna kesa sa kuwento nina Resen at Snicker. Lahat sila, inspired ng favorite 5sos' songs ko. Yep, I'm a fan of 5 Seconds of Summer. Pero wala dito sa Wattpad ang book 1 and book 2. :)
Lunatics Cafe Series Book 1: Trapped Under Her Spell
Lunatics Cafe Series Book 2: The (Bad) Girl Next Door
Lunatics Cafe Series Book 3: Stuck in the Friendzone
Lahat ng title na nabanggit ko, merong book version. Kung may makikita pa kayo, it would be appreciated kung makakabili kayo ng mga libro ko. Thank you. :)
PS: And kung nagustuhan niyo ang stories ko dito sa Watty, please share it with your friends para maging happy din sila. Haha. Maraming salamat. Hanggang sa susunod na story. :)
***
SA ISANG coffee shop inaya ni Resen si Snicker. Lunatics Café. Doon siya tumatambay noon kapag nag-aaway sila ni Winston. Pero ngayon, sinama niya ro'n si Snicker para magkaro'n naman siya ng happy memory sa coffee shop na 'yon.
Isa pa, iyon ang pinakamalapit na café. Kailangan niya ng caffeine sa katawan niya para kumalma siya.
"Are you okay now, Resen?" nag-aalala pa ring tanong ni Snicker.
Tumango si Resen. Ngayong kalmado na siya, saka niya naalala ang mga gusto niyang itanong kay Snicker. "Anong nangyari? Bakit kasama ka nina Lawrence? Ang alam ko, sila lang ni Rowelie ang nag-aabang sa'kin sa labas ng apartment ni Winston."
Oo, kasabwat ni Resen sina Lawrence at Rowelie sa plano niya. Pagdating nila ni Winston sa apartment kanina, lumabas siya saglit para sunduin sina Lawrence at Rowelie. Pagkatapos, iniwan niyang bukas ang pinto para makapasok ang dalawa kung sakali mang mahalata ni Winston ang ginagawa niya at magalit ito.
Pero hindi niya akalaing si Snicker ang "magliligtas" sa kanya.
"Well, tinawagan at inaya kong uminom si Lawrence pero ayaw magsabi ng loko kung nasaan siya," paliwanag ni Snicker. "Kaya pinagbantaan ko siyang magwawala ako kapag hindi siya nagpakita sa'kin kaya napilitan siyang sabihin sa'kin ang tungkol sa plano niyo. Nang malaman ko 'yon, sumugod agad ako sa apartment ni Winston.
"Kung hindi lang ako pinigilan ni Lawrence, kanina ko pa kayo pinasok. Pero ayoko namang masira ang pinaghirapan mo kaya nagtiis ako. Pinapakinggan namin ang usapan niyo ni Winston habang ni-re-record ni Lawrence ang tawag mo sa kanya.
"Nang sinigaw mo ang pangalan ko, do'n na ko hindi nakatiis. Pasalamat 'yang si Winston at nangako ako sa'yong hindi na makikipag-away uli kundi, higit pa sa isang suntok ang binigay ko sa kanya dahil sa pagtatangka niya sa'yo."
Hinawakan ni Resen ang kamay ni Snicker para kalmahin ito. Kitang-kita ang galit sa mga mata. "I'm sorry kung pinag-alala kita. I'm sorry din kung nasaktan kita. Gusto kong malaman mo na hindi totoo ang lahat ng masasakit na salitang nasabi ko sa'yo. Ginawa ko lang 'yon para makuha ko ang tiwala na Winston, na ipakita sa kanya na wala kang halaga sa'kin para magkuwento siya. Pero alam kong hindi ko na mabubura 'yon sakit na naramdaman mo. Kaya sana patawarin mo ko. Babawi ako sa'yo, promise."
Lumamlam ang mga mata ni Snicker. Dinala nito ang kamay niya malapit sa bibig nito at hinalikan ang palad niya. "I forgive you, Resen. At patawarin mo sana ako kung nagduda ako sa damdamin mo para sa'kin. Kung kelan naman kasi nagkaro'n na ko ng tiwala sa sarili ko na puwede mo kong mahalin, saka ko naman makikitang magkasama uli kayo ni Winston.
"Isa pa, naalala ko na iniipit mo pa rin sa libro mo ang roses na bigay sa'yo ni Winston. Akala ko, mahal mo pa siya kaya nang nakita ko kayong magkasama, ang sakit-sakit. Bakit kasi tinatago mo pa ang roses na bigay ni Winston? Nagseselos na ko niyan, eh."
Kumunot ang noo ni Resen, saka siya biglang napangiti. "Tinatago ko ang roses dahil alam ko nang ikaw ang personal na pumipili niyon para sa'kin, at hindi dahil sa bigay iyon ni Winston."
Napakurap si Snicker, halatang nagulat. "Alam mo na?"
"Na ikaw ang nagpapadala ng roses gamit ang pangalan ni Winston?" Tumango si Resen, lumuwang ang ngiti nang mamula ang mga pisngi ni Snicker. "Yes, big guy. Nasabi na sa'kin ni Ate Smile ang lahat. Kaya iningatan ko ang roses na 'yon."
Nang makabawi ay natawa ng mahina si Snicker habang iiling-iling. "Wala naman palang dahilan para magselos ako."
"Wala talaga. Ikaw ang mahal ko, Snicker. You deserve to be loved. Huwag na huwag mo na uling pagdududahan ang sarili mo, okay?"
Tumango si Snicker. "Thank you for loving me, Resen. Pero please lang, huwag mo na uli ilalagay sa alanganin ang kaligtasan mo para lang sa'kin. Kapag may masamang nangyari sa'yo nang dahil sa'kin, hindi ko kakayanin."
"Gusto lang naman kitang protektahan."
"I know, baby, I know." Muli, hinalikan ni Snicker ang palad niya. "Tinawagan ako ni Lawrence kanina. Pinarinig na nila sa student government at sa university chairman ang recorded conversation niyo ni Winston. Hindi na ko ma-e-expel at si Winston naman ang naparusahan dahil sa gulong ginawa niya at sa pagfe-frame up niya sa'kin. Makaka-graduate siya, pero hindi siya magmamartsa at aakyat ng stage."
Kulang pa sana 'yong kabayaran sa ginawa ni Winston, pero pinabayaan na lang ni Resen dahil ang mahalaga naman ay hindi na mapapaalis ng school si Snicker.
"Thank you, Resen," sinserong sabi ni Snicker mayamaya. "Thank you for sticking with me, and for believing that I could be a good person despite my past. Dahil sa'yo, naniwala rin ako sa sarili ko na kaya kong maging mabuting tao. I love you, baby."
Tumango si Resen, nangingilid ang mga luha sa saya. "I love you, too, big guy. And for the record, I don't want you to be stuck in the friendzone again. Remember, ikaw ang 3-in-1 coffee ko, 'di ba? You're my best friend, my overprotective bodyguard... and my loving boyfriend."
"You're my universe, Resen," he said, then leaned down to kiss her.
Nahiya naman ang 3-in-1 coffee ni Resen sa pa-universe-universe ni Snicker. Ah, whatever. Ang mahalaga, nagkabalikan na sila.
-WAKAS-
BINABASA MO ANG
Stuck In The Friendzone (Published, 2015)
Romance"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kila...