TINULAK ni Snicker si Lawrence palayo kay Resen dahilan para matumba sa lupa ang kaibigan niya. Binigyan niya ng masamang tingin si Rowelie nang tinangka nitong magpaliwanag.
Bigla namang tumayo si Resen, nakayuko na parang iniiwasan ang tingin niya. Pero hindi siya puwedeng magkamali. Base pa lang sa galaw ng mga balikat nito, umiiyak ito.
Bumangon ang galit sa dibdib niya. Ngayon lang uli niyang nakitang umiyak si Resen at hindi niya mapapatawad kung ang mga kaibigan niya ang may kagagawan niyon. Isa-isa niyang pinasadahan ng malamig na tingin ang mga tao sa paligid niya na halatang natakot sa kanya.
"Anong ginawa niyo–"
"Hindi nila kasalanan 'to!" sansala ni Resen sa balak niyang pagsigaw. Nang tumingala ito sa kanya, nangingislap sa luha ang mga mata nito. "Stop treating me like a child!"
Sa pagkagulat ni Snicker, tinulak siya ni Resen saka ito nagmartsa palayo. Ngayon lang niya nakitang gano'n kagalit ang dalaga. Wow, kahit pala maliit ang babaeng 'yon, may kakayahan pa rin itong takutin siya.
Dumako ang tingin niya sa lupa kung saan nalaglag ang stick ng yosi na binitawan ni Resen kanina. Base sa naabutan niyang eksena, malamang ay tinangka ng dalaga na humithit niyon kaya ito inihit ng ubo.
"Sinong nagbigay ng yosi kay Resen?" galit na tanong ni Snicker sa mga kasamahan.
Tumayo si Rowelie, bakas sa mukha ang takot. "Sni–"
"It was me," sabi ni Lawrence habang tumatayo at pinapagpag ng mga kamay ang likuran ng pantalon nito. "Sorry. Hindi ko dapat hinamon si Resen na subukang mag-yosi."
Hinablot ni Snicker ang kuwelyo ni Lawrence at binigyan ito ng masamang tingin. "Huwag na huwag mo na uling gagawin 'yon, Lawrence. Kapag may ginawa ka uli kay Resen na masama, kakalimutan ko nang magkaibigan tayo," banta niya, saka malakas na tinulak ang kaibigan bago siya tumakbo para sundan si Resen.
Kabisado ni Snicker ang schedule ni Resen kaya alam niyang wala na sa unibersidad nila ang dalaga. Dumeretso siya sa parking space kung saan nakaparada ang big bike niya. Pagkasakay pa lang niya ro'n ay pinaharurot na agad niya 'yon papunta sa bahay ng dalaga na alam niyang tanging lugar na pupuntahan nito kapag gano'ng masama ang loob nito.
Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang kotse ni Resen sa garahe. Mabuti naman at sa bahay nga ito dumeretso at hindi sa kung saan. Pinatuloy siya ni Yaya Berta na kilalang-kilala na siya. Sinabi nitong nasa kuwarto na si Resen at hindi raw normal ang ikinikilos kaya pinaakyat na siya ng butihing matanda, kahit pa mahigpit siyang pinagbabawalan noon na umakyat sa ikalawang palapag. Naroon kasi ang kuwarto ni Resen.
Sa limang taon na pagkakaibigan nila ni Resen, sa kabila ng pagiging mabuti sa kanya ng mga kasambahay at ng mismong ina ng dalaga, ngayon lang siya nakaakyat ng ikalawang palapag ng malaking bahay na 'yon. Iyon ang unang pagkakataon na nakatuntong siya sa kuwarto ni Resen.
Isa ngang prinsesa si Resen. Napakalaki ng kuwarto nito. Pink ang dominanteng kulay at napakarami nitong mga unan at stuffed toy. Kinilabutan siya.
"Baby girl?" nag-aalangan na tawag ni Snicker habang nakatayo sa tabi ng pinto ng kuwarto ni Resen. Hindi siya papasok pa kung hindi papayag ang dalaga.
Lumabas si Resen mula sa pinto ng sa tingin niya ay walk-in closet nito na may dalang mga damit. Tiningnan lang siya nito bago ito umupo sa kama at sinimulang guputin ang mga pantalon nito gamit ang gunting.
Kumunot ang noo ni Snicker habang pinapanood ang ginagawa ni Resen. "Baby girl, anong ginagawa mo?"
Hindi nagsalita si Resen hanggang matapos na ito sa ginugupit nito. Hinawakan nito ang ngayon ay maong shorts na at inangat iyon na parang pinapakita sa kanya. "Simula ngayon, ganito na ang isusuot ko sa school. What do you think, big guy?"
Muntik nang atakihin sa puso si Snicker. Ni minsan ay hindi pa niya nakitang magsuot ng gano'n kaiksing shorts si Resen. Baka minu-minuto siyang mapaaway kung magsisimula na itong magsuot ng mga sexy na damit.
Even without wearing those kind of clothes, she was already an eye candy. What more if she started to dress like that?
"Puwede ba kong tumuloy sa kuwarto mo?"
Tumango lang si Resen.
Pumasok si Snicker at umupo sa tabi ni Resen. Kinuha niya mula rito ang maong shorts at hinagis iyon sa sahig. "Ano bang nangyari kanina? May masama bang sinabi ang mga kaibigan ko sa'yo?"
Umiling si Resen. "Someone called me boring."
Ah, he wanted to strangle Rowelie now. "Hindi ka boring. Huwag kang maniwala kay Rowelie. She really sprouts nonsense most of the time."
Hinawakan ni Resen ang kamay niya na para bang kinakalma siya. "Hindi ko naman minasama ang sinabi niya. I mean, nasaktan at nainsulto ako. Pero that's because what she said was true. Na-realize ko na gaya ng sinabi niya, boring nga ako. At 'yon nga siguro ang dahilan kung bakit iniwan ako ni Winston."
Napaderetso ng upo si Snicker, nakakuyom ang mga kamay. "Sinabi ni Rowelie na kaya ka iniwan ni Winston ay dahil boring ka?"
Shit, that statement must have hurt Resen big time.
Gaya ng inaasahan niya, gumuhit nga ang sakit sa mga mata ng dalaga. Pero pinilit pa rin nitong ngumiti. "Huwag ka nang magalit sa kaibigan mo, Snicker. Totoo naman ang sinabi niya. Baka nga ang pagiging boring ko ang inayawan sa'kin ni Winston."
"Hindi ka boring, Resen," giit naman ni Snicker, saka kinulong ang mukha ni Resen sa mga kamay niya. "You're perfect to me."
Tinawanan lang 'yon ni Resen. "Sinasabi mo lang 'yan kasi best friend kita." Hinawakan nito ang mga kamay niya sa mga pisngi nito. Habang nakatingin sa kanya, napalitan ng determinasyon ang sakit sa mga mata nito kanina. "I don't party, I don't drink, I don't smoke. Gusto ko nang subukan ang mga 'yon, Snicker."
Nabigla si Snicker. Gustong gawin ni Resen ang mga bagay na sumisira sa buhay niya? "Hell no, baby girl!"
"Snicker..."
Binawi ni Snicker ang mga kamay mula kay Resen, saka siya tumayo palayo dito. Her touch always weakened his resolve so he better stay away from her while they fight. "Bakit mo naman gustong gawin ang mga 'yon, Resen?"
"Kasi ayoko nang maging boring girl," nakalabing katwiran naman ni Resen. "Siguro kung magiging fun and exciting ako, ma-a-attract na uli sa'kin si Winston at magiging masaya na uli ang relationship namin. Kaya ang gusto ko, pagbalik niya, ibang Resen na ang sasalubong sa kanya. 'Yong version ko na mas masayang kasama."
"Masaya naman ako parati kapag kasama kita. And you know nothing else can make me happy like you do. Kaya ako na ang nagsasabi sa'yong wala kang dapat baguhin sa sarili mo."
Bumuntong-hininga si Resen. "Iba ka naman, Snicker. Kaibigan kita at matagal na tayong magkakilala kaya natural lang na kahit hindi tayo magsalita ay comfortable na tayo sa isa't isa. But it's different with Winston. We need some... spice."
And by spice you mean, you wearing sinfully short shorts? No way in hell, baby!
Tumingala si Resen sa kanya, nagpapaawa ng mukha. "I want to do the things you do, Snicker. Gusto kong maging part ng mundo mo."
You can't just be a part of my world because you're already my whole universe, baby.
"Please?" paglalambing ni Resen, nagpapaawa pa rin ng mukha.
Snicker swallowed hard. For the first time in his life, he had to turn down her request. "No, baby girl. And that's final."
BINABASA MO ANG
Stuck In The Friendzone (Published, 2015)
Romance"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kila...