Chapter Twenty-Three

2.3K 78 0
                                    

HINDI makapaniwala si Resen sa balitang bumungad sa kanya pagpasok niya sa unibersidad. Mabuti na lang at absent si Snicker na kasalukuyang nagpapagaling ng mga sugat nito. Hindi ito pinayagan ni Tita Sally na pumasok agad, at sa palagay niya, tamang desisyon 'yon.

Ayon sa mga nabalitaan niya, pino-propose ng student senators ng kanilang college department na ipa-expel si Snicker dahil sa pagkakakulong nito kagabi! Hindi puwedeng ma-expel ang binata dahil malapit na ang internship nila, pagkatapos ay huling taon na nila sa kolehiyo. Nakakahinayang naman kung mapapatalsik pa ito ng unibersidad nila. Sa gano'ng klase ng record, mahihirapan itong maghanap ng bagong eskuwelahag papasukan!

Kilala niya ang isa sa tatlong student senators sa college department nila– si Winston. Kahit labag sa kalooban niya, kailangan niyang kausapin ang lalaki at pakiusapang itigil ang pagpo-propose sa university chairman na ipa-expel si Snicker.

Knowing Winston, she knew he would ask for something in return. Pero sa sitwasyon na 'yon, kahit ano ay gagawin niya huwag lang ma-expel si Snicker.

"Resen!"

Nalingunan ni Resen sina Lawrence at Rowelie. Parehong hinihingal ang mga ito na parang kanina pa tumatakbo. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng mga ito.

"Lawrence. Rowelie," bati niya sa dalawa.

Namaywang si Lawrence habang hinahabol ang hininga. "Totoo ba? Pinapa-expel ng college department niyo si Snicker dahil sa nangyaring gulo kagabi?"

Kumunot ang noo ni Resen. Galing sa College of Home Economics ang dalawang ito. "Paano niyo nalaman ang tungkol sa kaguluhan ng college department namin ngayon?"

Ipinaikot ni Rowelie ang mga mata. "Snicker is the university's bad boy. Lahat ng tungkol sa kanya, malaking balita. Kalat na kalat na ngayon ang tungkol sa nalalapit niyang pagka-expel!"

Kinabahan naman si Resen. "Sinabi niyo ba kay Snicker ang nangyayari ngayon?"

Sabay na umiling sina Lawrence at Rowelie.

Nakahinga naman si Resen ng maluwag. "Good. Huwag niyo munang sasabihin sa kanya ang nangyayari. Isa si Winston sa student senators ng college department namin na nag-propose na ipa-expel si Snicker. Pakikiusapan ko siya na i-cancel ang request na 'yon. Hindi lang naman si Snicker ang estudyanteng nasangkot sa ganitong gulo pero hindi naman napa-expel ang mga 'yon. Hindi rin dapat mangyari 'yon kay Snicker."

Humalukipkip si Rowelie, nakasimangot pa rin. "Maimpluwensiya si Winston sa university dahil sa mga magulang niya. At obvious naman na nagpa-powertrip ang isang 'yon."

Lawrence scoffed. "Malamang, ginagawa niya 'to kay Snicker para pagtakpan ang ginawa niyang kagaguha– aray!"

Siniko ni Rowelie si Lawrence at pinanlakihan ng mga mata. "You're not supposed to say that in front of the bad boy's girl!"

Kumunot ang noo ni Resen at nagpalipat-lipat ng tingin kina Lawrence at Rowelie. "Anong nangyayari?"

Nagkatinginan sina Lawrence at Rowelie na parang nagsisisihan.

"Please," pakiusap naman ni Resen. "Kung tungkol ito sa nangyari kay Snicker, sabihin niyo sa'kin. Kailangan nating gumawa ng paraan para hindi siya ma-expel. Ngayon pa nga lang siya nagiging maayos uli, hahayaan ba nating masira uli siya dahil sa ibang tao?"

Tumango si Rowelie, saka binunggo ang balikat ni Lawrence. "May point si Resen, Law. Parati tayong nililigtas ni Snicker sa mga gulong ginagawa natin. Ngayon, tayo naman ang kailangan niya. We have to save him."

Dumaan ang pag-aalinlangan sa mukha ni Lawrence. "Pero nangako ako kay Snicker na huwag magsasalita kay Resen..." Mayamaya ay nagkibit-balikat ito. "What the hell! Mas mahalaga naman ang kaligtasan niya."

Tumango si Resen. "Now tell me. Ano ang itinatago niyo ni Snicker sa'kin?"

Naging seryoso si Lawrence nang tumingin kay Resen. "Kahapon, tinawagan ko si Snicker dahil magpapasama sana ako sa kanya na bumili ng piyesa ng kotse ko. Anyway, ang sabi niya, hindi siya puwede dahil makikipagkita siya kay Winston. Sinisingil na raw kasi ng gagong 'yon ang pabor na hiningi niya rito no'ng nakaraan."

"Anong pabor?" kunot-noong tanong ni Resen.

Tumikhim si Lawrence bago sumagot. "Uhm, bale no'ng may "something" ka pa kay Winston at ayaw mo pang makipaghiwalay sa lalaking 'yon, nakiusap si Snicker kay Winston na huwag ka munang hihiwalayan habang nasa convention ito. Pumayag si Winston dahil nangako si Snicker na ibabalik ang pabor."

Kulang ang sabihing nagulat si Resen. Sa isang banda, nainis siya kay Snicker dahil pinagmukha siya nitong desperada sa harap ni Winston. But then again, desperada naman talaga siya noon na huwag hiwalayan ni Winston kaya hindi rin niya masisisi si Snicker kung ginawa man iyon ng binata.

But to think that Snicker did that despite his feelings for her...

"Sa palagay ko, si Winston ang kasama ni Snicker kagabi," pagpapatuloy ni Lawrence. "Imposible kasing makipag-away na naman si Snicker. Simula nang naging kayo ni Snicker, hindi na siya nakikipag-away kahit maraming humahamon sa kanya. Ni hindi na nga rin nagyoyosi ang isang 'yon kahit anong pilit ko. Lalo na ang mag-party at uminom kung hindi mo papayagan. Kaya hindi ako naniniwalang siya ang nag-amok ng gulo sa bar gaya ng pinagkakalat ng student senators ng department niyo."

Hindi naman nagdududa si Resen kay Snicker, pero may ibang bagay siyang pinagtatakahan. "Sa bar nangyari ang gulo. Hindi naman nagba-bar si Winston. Isa pa, he's only twenty. Ang alam ko, twenty one above lang ang pinapayagan ng bar na 'yon na pumasok."

Ngumisi si Lawrence. "Oh, poor girl. Wala ka bang ideya kung gaano kagago ang ex-boyfriend mong 'yon?"

Lalong naguluhan si Resen. "What do you mean?"

"He's just like us," nakasimangot na sagot ni Lawrence. "Patago nga lang kung gumawa ng kalokohan si Winston kaya mukhang matino. Sigurado akong siya ang nag-amok ng away at na-frame up lang niya si Snicker. Ang problema, wala akong ebidensiya sa mga kongklusyon ko na 'to. Hangga't hindi natin napapatunayang inosente si Snicker, siguradong masisipa siya dito dahil sa impluwensiya ni Winston."

At hindi naman papayag si Resen na mangyari iyon.

Kung kayang gawin ni Snicker ang lahat para sa kanya, kaya rin niyang gumawa ng kahit ano para mailigtas ang binata.

After all, she was the bad boy's girl.

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon