"ALAM mo naman kasing madaling masunog ang balat mo, hindi ka pa rin nag-ingat. Sana kasi hinintay mo kong malagyan ka muna ng sunblock bago ka nakipagharutan kina Lawrence kanina. Hayan tuloy, na-sunburn ka," sunud-sunod na sermon ni Resen kay Snicker na nakahiga sa lounging chair na may malaking umbrella habang nakaupo siya sa tabi nito at nilalagyan ng aloe gel ang mukha nito na nasunog ng araw.
"Mmm," non-commital na sagot ni Snicker. Kahit naka-sunglasses ito, ramdam niyang nakatingin ito sa mukha niya at paminsan-minsan, bumababa sa dibdib niya.
She wore a white see-through shirt over her black two-piece bikini. Hindi pa niya nahuhubad ang top niya dahil may pakiramdam siyang hindi na hihiwalay sa kanya si Snicker kapag naglakad siya sa beach ng naka-bikini lang sa sobrang pagka-overprotective nito.
Kanina pa nga lang ay muntik nang lumuwa ang mga mata ni Snicker nang makitang gano'n ang suot niya. Kahit pa sabihing nasa beach naman sila, sa pagiging konserbatibo ng binata ay naeskandalo na agad ito sa suot niya.
Nang puruhin siya ni Lawrence kanina at sabihan ng "sexy," napikon si Snicker dahilan para habulin ng lalaki si Lawrence. Naghabulan sa ilalim ng sikat ng araw ang magkaibigan dahil para masunog agad ang sensitibong balak ni Snicker. Kaya nga kapag nagmomotor ang binata ay balot na balot ito ng leather jacket. At dahil ngayong wala itong proteksyon sa araw, nasunog ang balat nito.
Bahagyang naligaw ang diwa ni Resen nang maalala ang mga nangyari kanina habang nakikipagharutan si Snicker sa mga kabarkada nito. Tumawag sa kanya si Winston. Nakakapagtaka, pero lasing ang boses ng binata gayong tanghaling tapat pa lang. Isa pa, maingay din ang background. Parang may malakas na musika. Mukhang nasa bar ito.
"Hindi lang ikaw ang kayang magbago, Resen," sabi ni Winston sa tila lasing na boses. Tunog-ngisi rin ang pagbibitiw nito ng mga salitang iyon. "You'll see, babe. We'll be back together in no time. Snicker doesn't deserve you and I'll show you why."
Pinutol ni Resen ang tawag, Hindi siya masayang makitang nagkakagano'n si Winston. He might be a self-absorbed jerk like Snicker said, but she wanted to believe that her ex-boyfriend was still a decent guy.
"Langoy tayo," aya ni Snicker na pumutol sa pagmumuni-muni ni Resen.
Tututol sana si Resen pero nang tumayo si Snicker at maghubad ng teacher, nilunok niya lahat ng sasabihin niya at napako ang tingin niya sa abs ng binata. Wow. His washboard stomach was worth drooling over.
Tinanggal ni Snicker ang suot na sunglasses at nilahad ang kamay sa kanya. "Let's go?"
Naumid yata ang dila ni Resen kaya tumango na lang siya at kinuha ang kamay ni Snicker. Magka-holding hands silang habang naglalakad sa buhanginan, nagkukuwentuhan tungkol sa kung anu-ano lang.
Hanggang sa makarating sila sa parte ng beach kung saan may malaking bato. Parang sirena na umupo siya sa ibabaw niyon, habang nasa tabi naman niya si Snicker. Nakababad ang mga paa nila sa tubig.
Tumingin si Resen sa paligid. Napansin niya na medyo malayo na sila sa mga kaibigan ni Snicker. "Snicker, hindi ba nila tayo hahanapin? Nakakahiya naman, baka sabihin pinagtataguan nila tayo." Nang hindi sumagot ang binata ay nilingon niya ito. "Hey– mmm."
Natigilan si Resen nang pagharap niya kay Snicker ay kinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito at binigyan siya ng magaang na halik sa mga labi.
The kiss was chaste at first. Then, his lips started to move, urging her to follow his lead. She closed her eyes and kissed him back, tenderly. But as soon as their tongues met, the kiss became anything but gentle. It was... mind-blowing.
Ng mga pagkakataong iyon, na-realize niya kung bakit hindi nag-work ang relasyon nila ni Winston kahit ilang beses niyang sinubukang isalba iyon.
She was simply meant for Snicker.
Naging bulag nga siguro si Resen tungkol sa tunay na damdamin ni Snicker para sa kanya. Nang tanggihan siya ng binata, inisip niyang kaibigan lang talaga ang tingin nito sa kanya. Masyado siyang nasaktan sa ginawa nito kaya kahit nararamdaman niya ang pagmamahal nito para sa kanya, mas pinaniwalaan niya ang pagmamatigas na pinakita ng binata himbis na pakinggan ang sinasabi ng puso niya sa bawat pinaparamdam nito sa kanya.
"Your kisses tasted so good, Snicker," she said when she broke the kiss for air. Iminulat niya ang mga mata at sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ni Snicker.Nag-init ang mga pisngi niya. "Sorry."
Nakangiting umiling si Snicker. "Don't be." Hinaplos nito ang pisngi niya at pinaraan sa mga labi niya ang daliri nito. "Ako dapat ang nag-sorry dahil hinalikan agad kita. Sorry. It's just that something that I've always wanted to do."
Nag-init ang mga pisngi ni Resen. "I didn't know a kiss could make someone realize a lot of things. Sana pala noon mo pa ko hinalikan para na-realize ko agad na kahit kailan, hindi naman pala nawala ang feelings ko sa'yo. Natakot lang ako mapahiya uli kaya pilit kong binaling sa ibang tao ang atensiyon ko."
"I say this is the perfect time for us," marahang sabi naman ni Snicker. "Nagkaro'n na ko ng sapat na lakas ng loob at tiwala sa sarili na nababagay din ako sa'yo. At ngayon naman, na-realize mo na may damdamin ka pa rin sa'kin. At least ngayon, pareho na tayong sigurado sa isa't isa. Wala nang pag-aalinlangan."
Tumango si Resen, napuno ng pagmamahal niya para kay Snicker ang puso niya. "I love you, Snicker."
"I love you, too, baby," masuyong sagot naman ni Snicker, saka dinikit ang noo sa noo niya. "Will you be my girlfriend, Resen?"
Nakangiting tumango si Resen. "Yes, Snicker. I'd love to be your girl."
BINABASA MO ANG
Stuck In The Friendzone (Published, 2015)
Romance"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kila...