Chapter Eleven

2.3K 75 0
                                    

"MARAMI lang dugo pero hindi naman masakit. Para ngang kagat lang ng langgam, eh. Promise," sabi ni Resen, saka tinaas pa ang kanang kamay. "Hindi nga ako umiyak habang tinatahi 'yong sugat ko, 'di ba?"

Lalong nanlumo ang hitsura ni Snicker habang nakaupo ito sa stool sa gilid ng kama na hinihigaan niya. Ah, hindi na pala dapat niya binanggit ang tungkol sa pagtahi sa sugat sa noo niya dahil lalong na-guilty ang binata.

Naalala niya kanina na habang tinatahi ang sugat niya, mas maputla pa sa kanya si Snicker. Hindi nga nito kinayang maghintay sa loob at sa halip ay lumabas ito. Hanggang ngayon, parang mas maputla pa rin ito sa kanya na para bang ito ang sumailalim sa minor surgery.

"I'm so sorry, baby girl," punung-puno ng pagsisisi na sabi ni Snicker.

Tumabingi ang ngiti ni Resen. Nang huling beses niyang nakita na ganito si Snicker ay no'ng na-"shock" siya matapos niya itong makitang duguan habang binubugbog ang mga kaklase nilang tumawag dito na "anak ng rapist." Hindi siya fan ng violence kaya gano'n na lamang ang pagkagulat niya nang makakita ng gano'n karaming dugo, lalo na galing pa 'yon sa best friend niya. Kung hindi siguro siya nawalan ng malay, hindi pa matatauhan si Snicker no'n.

Nang magising siya sa clinic ng school nila, si Snicker ang kasama niya. Kitang-kita ang takot sa mukha ng binata. Simula no'n ay hindi na ito nagpapakita sa kanya kapag may gulong kinakasangkutan. Hindi na rin nito pinatulan ang mga kaklase nilang nambu-bully dito para hindi ito mapaaway sa harap niya.

Lumingon sa paligid si Resen para pagaangin ang tensiyon sa pagitan nila ni Snicker. "Doktor pala ang tito ni Lawrence. Buti na lang, may clinic sila kaya hindi na natin kinailangan magpunta sa ospital. Sigurado kasing tatanungin nila tayo kung saan ko nakuha ang sugat ko."

Tumango si Snicker, pero hindi nabawasan ang panlulumo sa mukha nito. "Oo. Kapag napapaaway kami, dito rin kami dumederetso sa tito ni Law."

Bumuntong-hininga si Resen at hinawakan ang kamay ni Snicker na tiningnan siya na may takot pa rin sa mga mata. "Hey, big guy. Alam ko ang iniisip mo. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Hindi naman ikaw ang naghagis ng bato na tumama sa noo ko, ha."

Bumakas ang frustration sa mukha ni Snicker. "Kung hindi dahil sa mga kaaway ko, hindi ka masasaktan. Hindi talaga tama na pumapasok ka sa mundo ko, eh. Napapahamak ka lang."

Si Resen naman ang nakaramdam ng takot. Nang huling beses na sinabi 'yon sa kanya ni Snicker matapos marinig ng binata ang masasakit na salitang sinabi dito ng kanyang ina noon, hindi ito nagpakita sa kanya ng ilang buwan. Kung hindi pa napahamak ang kanyang mommy kung saan si Snicker din ang nagligtas sa ina niya, hindi siguro sila magkakaayos.

Pinisil niya ang mga kamay ni Snicker. "Huwag mo na uli akong iiwasan, Snicker. Promise, hindi kita sinisisi sa nangyari kaya please lang, kalimutan na lang natin 'to."

"You're too kind, baby girl," iiling-iling na sabi ni Snicker. Mula sa stool ay lumipat ito sa tabi niya. Pinatong nito ang mga kamay niya sa mga pisngi nito nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Huwag mo nang subukang pasukin ang mundo ko, Resen. Baka sa susunod, mas malala pa rito ang mangyari sa'yo nang dahil sa'kin o sa mga kaaway ko."

Nanlaki ang mga mata ni Resen. "Snicker–"

"Ako na lang ang papasok sa mundo," seryosong sabi ni Snicker. "Magpapakatino na talaga ako ngayon, Resen. I will stop fighting, I won't party hard nor drink too much anymore, and... and I will quit smoking. For real, this time. I swear."

Nabigla si Resen sa mga narinig. Ngayon lang nangako si Snicker ng mga gano'ng bagay sa kanya. "Hindi ko naman hinihingi sa'yo na magbago ka para sa'kin..."

"Hindi ko naman gagawin 'to para lang sa'yo, Resen. Gagawin ko rin 'to para sa sarili ko. Nakakasawa rin naman na wala na kong ibang ginawa kundi ang makipag-away o mag-party. Saka kung maninigarilyo ako kapag kasama kita, makakasama din 'yon sa kalusugan mo," paliwanag ni Snicker. Pagkatapos ay nilagay naman nito ang kamay niya sa tapat ng dibdib nito. "I will be a good boy from now on, baby girl."

Nang makabawi mula sa pagkakagulat ay napangiti si Resen. Kung nagkukusa nang magbago si Snicker, susuportahan niya ito. "Okay. Will you also start wearing pastel-colored shirts now?" biro niya.

He scoffed. "Hell, no." Dinikit nito ang noo sa noo niya. "Pero ikaw, bumalik ka na sa dati mong mga sinusuot. I cringe whenever I see you wearing very tight, dark clothes. That's so not you, Resen. I know how much you love bright colors."

Napabungisngis si Resen. "Great. Na-mi-miss ko na rin naman ang mga pastel-colored dress ko, eh."

Nang tumigil sa pagtawa si Resen, no'n lang niya napansin na titig na titig pa rin sa kanya si Snicker. Biglang kumabog ng mabilis at malakas ang puso niya. Tinangka niyang umiwas, pero napansin niyang hawak pa rin ng binata ang mga kamay niya. Nang mga sandaling iyon, hindi na rin naman niya gustong lumayo.

Snicker was looking at her right now the way she had looked at him two years ago.

"Resen?" malambing na pagbanggit ni Snicker sa pangalan niya.

Napalunok si Resen bago sumagot. "Y-yeah?"

Nanatiling nakatitig si Snicker sa kanya na parang may gustong sabihin sa kanya, pero naantala iyon nang mag-ingay ang cell phone niya. Parang biglang nawala ang magical moment na iyon nang lumayo ang binata sa kanya at sabihan siyang sagutin ang tawag.

Tumikhim naman si Resen bago sagutin ang tawag. Tiyahin niya 'yon. Nagtaka siya dahil bihira lang itong tumawag sa kanya. "Yes, Tita?"

Habang nakikinig sa kanyang tiyahin, naramdaman na lang ni Resen ang panginginig ng katawan niya hanggang sa nabitawan niya ang phone niya sa labis na shock.

"Hey, baby. What happened?" nag-aalalang tanong ni Snicker.

Nangilid ang mga luha ni Resen. "Si Mommy, nasa hospital daw."

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon