NAPANSIN ni Resen na matamlay si Snicker ng araw na 'yon. Hindi niya masyadong naasikaso ang binata dahil nag-apply siya sa TV station para sa internship niya.
Sinundo naman siya ni Snicker matapos ang interview niya, pero kapansin-pansin na tahimik ito na tila may malalim na iniisip. Hindi naman niya na pinilit na magkuwento ang binata dahil alam niya na kung handa na ito, ito mismo ang lalapit sa kanya.
Hinatid siya ni Snicker sa bahay. Inaya niya itong magkape muna sa loob pero tumanggi ito at sinabing may gagawin daw itong mahalagang bagay.
"Okay lang ba ang lahat, Snicker?" nag-aalalang tanong ni Resen. Hinawakan niya ang braso ni Snicker para lumingon ito sa kanya dahil kanina pa ito hindi tumitingin sa kanya. "May problema ba?"
Ngumiti si Snicker pero wala iyong buhay. Umiling ito. "Everything is fine, baby. May kailangan lang talaga akong gawin. Pasensiya na kung hindi ko na makakamusta ng personal si Tita Rea."
Tumango si Resen. May sasabihin pa sana siya, pero nag-ingay na ang cell phone ni Snicker. Napansin niyang nagtagis ang bagang ng binata habang masama ang tingin sa caller ID. Numero lang ang naka-register na nagfa-flash sa screen kaya hindi niya sigurado kung sino ang tumatawag dito.
Kinuha ni Snicker ang phone at sinagot iyon. Mabilis at mahina ang pagsasalita ng binata, pero naintindihan pa rin niya iyon. "I'll be there. Matuto kang maghintay."
Habang "nakikipag-usap" si Snicker, kinuha na ni Resen ang mga gamit niya sa dashboard ng kotse. Nalaglag ang isang libro niya. Bago pa siya yumuko at pulutin iyon ay naunahan na siya ng binata na pinutol na pala ang tawag.
"Here," sabi ni Snicker, sabay abot ng libro. Pero natigilan din ito at kumunot ang noo habang nakatingin sa nakaipit sa libro na 'yon. "Is that a rose?"
Nakangiting tumango lang si Resen saka kinuha ang libro mula kay Snicker. Tuyo na ang rosas na 'yon. Galing iyon sa mga pinadala ni Snicker sa kanya bilang Winston. Nang nalaman niyang kay Snicker talaga nagmula ang mga rosas na ito mismo ang pumili, iningatan na niya ang mga iyon.
Ewan ba niya pero parang dumaan ang lungkot sa mukha ni Snicker bago ito naging seryoso. "I have to go. I'll make it up to you soon, baby." Pinagbuksan siya nito ng pinto at inalalayan sa pagbaba ng kotse. Then, he leaned down and kissed her on the lips. "I love you, Resen."
Tumango si Resen. "Love you, too, big guy."
"Sige na. Pumasok ka na sa loob. Tatawagan kita mamaya kapag nakauwi na ko."
Tumalima naman siya at pumasok na sa loob ng bahay. Nang lumingon siya, nando'n pa rin ang binata at sinenyasan siyang tumuloy na. No'ng nasa loob na siya at nakasilip mula sa balkonahe, no'n lang umalis si Snicker.
Ng mga sandaling iyon, kinabahan na si Resen. Alam niyang may mali sa nangyayari pero binale-wala niya 'yon. Na ngayon ay pinagsisisihan na niya. Sana pala, nakinig siya sa kutob niya ng araw na 'yon nang napigilan niya ang kapahamakan na nangyari kay Snicker.
Because that night, she received a call from Lawrence telling her that Snicker was in jail.
BINABASA MO ANG
Stuck In The Friendzone (Published, 2015)
Romance"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kila...