Chapter Twenty-Five

2.4K 71 0
                                    

HINIHINTAY ni Snicker si Resen sa tapat ng college building nila.

Aminado naman siyang may kasalanan siya kaya tinanggap niya ang galit ng dalaga. Pero hindi siya papayag na matapos ang araw na 'yon na hindi sila nagkakabati.

Aaminin niyang nasaktan siya sa mga sinabi ni Resen kanina. Kahit nabuhay siya noon mula sa pang-iinsulto ng ibang tao, hindi iyon maikukumpara sa sakit na naramdaman niya nang narinig niya ang masasakit na mga salitang iyon mula sa babaeng pinakamamahal niya.

Hindi niya inaasahang marinig ang mga iyon mula kay Resen. Naging mainit ang pagtanggap nito sa pagkatao niya noon.

Pero gaya ng sinabi ni Resen, ngayon lang siya nakulong sa buong buhay niya. Siguro ay natakot ang dalaga. Hindi naman niya ito masisisi kung gano'n nga ang nangyari. Hindi niya maaalis iyon dito dahil kahit pa sabihing tanggap nito ang pagkatao niya, hindi naman mabubura sa pagkatao niya ang tungkol sa kanyang ama.

Isa pa, naroon pa ang problema niya sa nagbabanta niyang pagkaka-expel. Sa ngayon ay pinagdedebatehan pa raw kung mapapatalsik siya sa unibersidad dahil sa gulong ginawa niya. Kahit daw hindi sa university nangyari ang gulo ay nasira pa rin daw ang pangalan ng eskuwelahan dahil sa nangyari.

Ang dami niyang dapat asikasuhin gaya ang patunayan na inosente siya. Pero mas pinili niyang hintayin si Resen at magmakaawa sa dalaga na patawarin na siya. Kahit nasasaktan ang ego niya dahil sa ginagawa niya ngayon, nilunok na lang niya ang pride niya. Mas madali 'yon kaysa ang mabuhay nang galit sa kanya si Resen.

Tumayo si Snicker mula sa kinauupuang bench nang makita ang paglabas ni Resen mula sa gusali. Pero gano'n na lamang ang gulat niya nang makitang kasama ng dalaga si Winston na nakaakbay pa rito.

Bumangon ang matinding galit sa dibdib niya. Kung hindi lang siya natatakot na mapahiya si Resen sa mga kaeskuwela nila, baka nagwala na siya at sinugod si Winston. Pero ang problema, kasabay ng galit ay nabuhay din ang matinding sakit sa kalooban niya. Hindi niya kayang komprontahin ng harapan ang dalawa dahil sa estado ng damdamin niya ngayon, natitiyak niyang hindi galit ang mangingibabaw.

Ipapahiya niya lang ang sarili niya kung iiyak siya sa harap nina Resen at Winston.

Kuyom-kuyom ang mga kamay, nagmartsa papuntang carspace kung saan nagkulong siya sa loob ng kotse niya bago pa siya magwala sa harap ng mga kaeskuwela niya at mapabilis pa ang pagpoproseso ng pagpapa-expel sa kanya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang steering wheel. His knuckles turned white while he was forcing himself to breathe in and to breathe out in an effort to calm his nerves. Or else, his anger would burst out.

Hindi nakatulong na mula sa puwesto niya ay nakikita niya sina Resen at Winston na naglalakad papunta sa kotse ng huli. The bastard opened the door of the passenger's side for her then walked a few meters away while making a phone call.

Nakakatawa na katabi lang ng kotse niya ang kotse ni Winston kaya magkatapat lang sila ni Resen. Hindi siguro alam ni Winston na kotse niya iyon. Samantalang si Resen, alam niyang kahit heavily tinted ang mga bintana ng sasakyan niya ay alam nitong kanya iyon. Hindi lang siguro nito alam na naroon siya sa loob.

Habang nasa labas pa ng kotse si Winston na may kinakausap sa cell phone, kinuha ni Snicker ang phone niya at tinawagan si Resen na mabilis namang sumagot. Mula sa bintana ang sasakyan ay nakikita niya ang dalaga na walang emosyon na sinagot ang tawag niya.

"Snicker."

Tumalim ang tingin ni Snicker kay Resen kahit hindi siya nakikita ng dalaga. Napalitan na ng galit ang sakit na nararamdaman niya. He felt betrayed and so disappointed in her. "Dahil lang ba sa isang pagkakamali ko, iiwan mo na ko at babalik ka kay Winston?"

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Resen. Hindi ito sumagot.

Nangilid ang mga luha ni Snicker sa labis na paghihinanakit. Her silence only confirmed his fear. "Am I just a phase to you, Resen?"

Hindi pa rin sumagot si Resen. Pero sapat na ang katahimikan nito para durugin ang natitirang pag-asa sa dibdib niya.

"Ngayong na-realize mo nang hindi ako 'yong inaakala mong lalaki na kilala mo," pagpapatuloy ni Snicker sa basag na boses. "Iiwan mo na ko gaya ng matagal ko nang kinatatakutan?"

Nanatiling walang imik si Resen. Hindi rin ito kumikilos mula sa kinauupuan nito.

"Sumugal ako sa'yo, Resen. Sumugal ako kahit alam kong mangyayari 'to dahil naniwala ako sa'yo nang sabihin mong sigurado ka na sa nararamdaman mo sa'kin ngayon," pag-aakusa ni Snicker. Hindi na niya mapigilan ang panginginig ng boses niya. "Ganito lang ba talaga kababaw ang nararamdaman mo para sa'kin? Talaga bang hanggang pagmamahal bilang kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa'kin?"

Muli, walang tugon mula sa kabilang linya.

"Sana pala hindi na lang ako umalis sa comfort ng pagkakaibigan natin nang hindi ganito kasakit." Snicker swallowed hard, his throat tightening painfully. "Kasi no'ng magkaibigan pa tayo, nakukuha ko ang respeto mo. Pero ngayong lumagpas tayo sa linya, gano'n kadali mo na lang bang itatapon ang lahat ng dahil lang sa isang pagkakamali? Would it have been better if I just got stuck in the friendzone?"

Bumukas ang pinto ng driver's side at pumasok sa kotse si Winston.

"Sinong kausap mo, babe?" Narinig ni Snicker na tanong ni Winston kay Resen mula sa background.

"Nothing of importance," mabilis na sagot naman ni Resen. "I'm hanging up."

The call ended.

Pumatak ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Snicker nang halikan ni Winston si Resen sa pisngi, saka ito nagmaneho. Wala na ang kotse sa paningin niya pero ang imahen ng dalawa, nakatatak pa rin sa isipan niya.

Tapos na talaga sila ni Resen.

Sumigaw si Snicker para ilabas ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib niya. Sinuntok niya ang steering wheel at nadiinan ng kamao niya ang busina dahilan para lumikha iyon ng malakas at mahabang ingay. Halatang nagulat ang mga estudyante sa paligid.

He didn't fucking care.

Dapat no'ng nakita pa lang niya ang tuyot na rosas sa libro ni Resen ay naghinala na siya na may damdamin pa rin ito para kay Winston. Dahil kung wala na, bakit pa nito itinatago ang mga bulaklak na bigay ng ex-boyfriend nito?

Sana pala kahit paano, pinagdudahan na niya ang damdamin ni Resen. Hindi siguro ganito kasakit kung napaghandaan niya 'yon.

He was just a phase to Resen and now, she was done with him.

The bad boy in him was totally ruined.

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon