HABANG nakaupo sa sulok ng seldang iyon na nakahaba ang isang binti samantalang nakatiklop naman ang isa kung saan nakapatong ang braso niya, ilang daang paraan na para saktan si Winston ang pumasok sa isipan ni Snicker.
That bastared framed him up for a crime he didn't do.
Nang tawagan siya ni Winston para singilin ang "pabor" na hiningi niya rito noong pakiusapan niya itong huwag munang tuluyan ang pakikipaghiwalay kay Resen, may kutob na siya na delikado ang hihinging kabayaran ng lalaking 'yon.
"Pumunta ka na dito. Pagkatapos nito, bayad ka na," sabi ni Winston sa tawag na ibang numero ang ginamit. Base pa lang sa boses nito na halatang lasing, hindi na talaga mapagkakatiwalaan ang kumag.
Hindi nga siya nagkamali dahil pagdating niya sa bar kung saan siya pinapunta ni Winston, naabutan niya ang isang magulong ramble kung saan nangunguna ang grupo ng lalaki sa walang rason na pambubugbog ng ibang mga customer do'n.
Sa pagkagulat niya, nang makita siya ni Winston ay bigla na lang siyang pinagkaisahan at pinagtulungan siya ng grupo nito para bugbugin. Akala niya ay iyon ang "kabayaran" na hihingin ni Winston para makaganti sa kanya kaya nagpabugbog naman siya.
Isa pa, nangako siya kay Resen na hindi na makikipag-away uli.
Ang problema, mali pala ang hinala niya. Pagkatapos siyang bugbugin nina Winston, nakarinig siya ng sirena ng sasakyan ng mga pulis. Nakatakas ang grupo nina Winston at iniwan siya kasama ng isa pang grupo na mukhang binugbog nina Winston.
Sino bang mag-aakalang may pagka-gago nga talaga ang Winston na 'yon?
Hindi na siya nagkaro'n ng pagkakataong makapag-isip nang damputin na lang siya at ang iba pang mga naiwan sa bar ng mga pulis at ikinulong para sa salang panggugulo.
Nananakit ang bawat kalamnan niya dahil sa natamo niyang pambubugbog. Pumutok ang kilay niya, basag ang ibabang labi, at pakiramdam niya, nabali rin ang tadyang niya. Pero ng mga sandaling iyon, mas ramdam niya ang galit kaysa pisikal na sakit.
Kapag nakalabas siya, yari sa kanya ang Winston na 'yon. Hindi niya ito sasaktan ng pisikal dahil nangako siya kay Resen na hindi na muling makikipag-away. Pero sisiguraduhin niyang makakahanap siya ng ebidensiya para ilabas ang tunay na kulay ni Winston. Na ito ang pasimuno ng gulo sa bar at hindi siya. Sa ngayon ay mahirap pang magsalita at idawit si Winston dahil bukod sa maimpluwensiya ang mga magulang nito, wala pa siyang hawak na patunay.
Kung alam lang niya, sana ni-record niya ang tawag ni Winston nang may patunay siya na na-frame up lang siyang pumunta sa bar na 'yon. Kaso, mautak ang gagong 'yon. Ibang numero ang ginamit sa pagtawag sa kanya.
Kung noon siguro, tatanggapin na lang niya ang nangyari sa kanya. Wala siyang pakialam kung may maniwala man o wala na inosente siya. Pero ngayon, hindi na siya papayag na may tumapak na naman sa pagkatao niya dahil lang sa "anak siya ng isang kriminal."
"Lilinisin" niya ang pangalan niya alangalang kay Resen. Ayaw niyang madamay ito sa pagkasira ng pagkatao niya.
"Lagdameo," tawag ng pulis na bantay sa kanya, saka binuksan ang selda. "Laya ka na."
Tumayo si Snicker at lumabas ng maliit na bilangguan na 'yon sa presinto. Paglabas niya ay sumalubong sa kanya ang kanyang ina na halata sa mukha ang matinding pag-aalala. Nanikip ang dibdib niya nang makitang namumugto ang mga mata ng mommy niya mula marahil sa pag-iyak. Tuwing napapaaway siya noon, laging nagiging emosyonal ang ina niya.
Nakakainis na kahit matanda na siya, nasasaktan at pinag-aalala pa rin niya ang kanyang ina himbis na inaalagaan ito at sinisigurong magkakaro'n ng maayos na buhay.
Kinulong ng ina niya ang mukha niya sa mga kamay nito. Hindi pa rin nababawasan ang pag-aalala sa mukha ng mommy niya. "Anak, pumunta tayong ospital. Ipagamot natin 'tong mga sugat mo."
Umiling si Snicker. "I've had worse, Mom. I'll be fine."
Her mom looked aghast by his statement. Na para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya na nakatamo pa siya ng mas malalang injury kaysa sa mga bugbog na natamo niya ngayon.
Ah, oo nga pala. No'ng mga panahong nabali ang mga buto niya sa katawan dahul sa mga away, hindi siya umuwi ng bahay para hindi makita ng mommy niya ang mga injury niya. Kaya walang alam ang ina niya sa mga pinagdaanan niya noon. Maliban na lang sa mga pagkakataong nahuhuli siya ng school na nakikipag-away at ipinapatawag ang kanyang ina.
"I'm sorry, Mom," punung-puno ng pagsisisi na sabi ni Snicker sa ina. Alam niyang gumastos ito ng malaki para sa piyansa niya ngayon. "Babayaran ko ang pinambayad niyo sa pampiyansa sa'kin."
Marahang hinampas siya ng ina sa braso na ikina-"aray" niya. "Ano bang sinasabi mo d'yang bata ka? Bakit mo babayaran ang pinampiyansa ko sa'yo? Ibang tao ka ba sa'kin? Anak kita kaya dapat lang na ilabas kita ng kulungan dahil alam kong hindi ka makikipag-away ng walang dahilan, hindi ba?"
Ngumiwi si Snicker habang hinihimas ang nasaktang braso. "Mommy, ayoko lang naman na masayang ang iniipon niyo para lang sa pampiyansa sa'kin. Mas gusto kong gastusin niyo na lang para sa sarili niyo ang ipon niyo. Saka pag naka-graduate na ko at nagkatrabaho, ibibigay ko sa inyo lahat ng kikitain ko para makabawi naman ako sa lahat ng sakit ng ulo na binigay ko sa inyo noon."
His mom's face softened. "Magtira ka naman ng pang-date niyo ni Resen," biro nito.
Tumabingi ang ngiti ni Snicker nang maalala si Resen. Kapag nalaman ng dalaga ang nangyaring iyon...
"Snicker?"
Napaderetso ng tayo si Snicker. Lumunok muna siya bago hinarap si Resen. Kadarating lang nito ng presinto kasama si Lawrence. But he only focused on her. "Baby..."
Lumapit si Resen sa kanya. Sa pagkagulat niya, niyakap siya nito at tumingala sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Okay ka lang ba... wait. That's a stupid question. Hindi ka okay. Dapat pumunta tayong ospital para magamot ang mga sugat mo."
"Sinabi ko na rin 'yan sa batang 'yan pero ayaw makinig," iiling-iling na sabi naman ng kanyang mommy. "Ikaw na nga ang pumilit d'yan sa anak ko at sa'yo lang nakikinig 'yan."
Pinaningkitan siya ni Resen ng mga mata. "Pupunta tayong ospital, okay?"
Bumuntong-hininga si Snicker. Kapag si Resen na ang nagsabi, mahirap nang sumuway. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Sorry, baby. Nangako ako sa'yo na hindi na ko makikipag-away. Pero heto, nakulong pa ko ngayon. But trust me. I kept my promise. May nangyari lang talaga na hindi inaasahan..."
Hinawakan ni Resen ang kamay niya sa pisngi nito. "Saka ka na magpaliwanag. Sa ngayon, mas mahalagang madala ka sa ospital."
Tumango lang si Snicker, saka lumagpas ang tingin kay Lawrence. They exchanged knowing looks. "Law? Keep your promise?"
Nagkibit-balikat si Lawrence, nakasimangot. "Whatever you say, dude."
BINABASA MO ANG
Stuck In The Friendzone (Published, 2015)
Romance"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kila...