Author's Note: Hi. I will inactive for a week. Medyo busy lang. See you after a few days. :)
***
NAISIP ni Resen na i-surprise ang mommy niya kaya dumaan muna siya sa flower shop. Padadalhan niya ng paborito nitong bulaklak ang ina niya sa opisina para ipaalala rito na huwag papagurin ang sarili dahil kagagaling lang nito ng ospital.
May-ari ng isang flower shop ang pinsan ni Snicker na si Ate Smile. Hindi na siya dapat magtaka kung nakita man niya ang binata ro'n, pero hindi rin siya sigurado. Pagbaba kasi niya ng kotse niya, humarurot na ang big bike na kamukha ng big bike ni Snicker.
"Hi, Ate Joy," masiglang bati ni Resen sa babae pagpasok niya ng shop. Ito ang katuwang ni Ate Smile. Sa pagkakatanda niya ay si Ate Joy ang nagde-deliver ng mga bulaklak. "Si Snicker ba 'yong nakita kong kaaalis lang?"
"Snicker?" tila nagtatakang tanong ni Joy. Pagkatapos ay natawa ito nang bigyan niya ng kakaibang tingin. "Sorry. Ngayon ko lang kasi uli narinig na may tumawag sa batang 'yon sa pangalan niya dito sa shop."
Kumunot ang noo ni Resen. "What do you mean by that, Ate Joy?"
"Kapag um-o-order kasi ng mga bulaklak 'yang si Snicker, 'Winston' ang nilalagay niya sa card. Akala tuloy ng ibang tauhan dito sa shop ay Winston ang pangalan niya. Kaya 'yon ang tawag sa kanya ng iba kapag nandito siya. Alam mo naman ang isang 'yon, may pagkamahiyain kaya hindi na tinama ang maling hinala ng mga tao dito."
Lalong nagtaka si Resen. May hinala na siya sa nangyayari, pero gusto niyang kumpirmahin iyon. "Kanino naman niya ipinapadala ang mga bulaklak na 'yon bilang Winston?"
"Kay Resen Paez..." Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Ate Joy habang nakatingin sa kanya, sabay tampal sa bibig nito. "Patay ako kay Snicker!"
"Talagang patay ka sa pinsan ko sa kadaldalan mo," iiling-iling na sabi ni Ate Smile na kalalabas lang ng opisina nito. Inutusan nito si Ate Joy na mag-deliver bago siya nakangiting hinarap. Humalik ito sa pisngi niya. "Hello, Resen."
Pilit na ngumiti si Resen sa kabila ng buhol sa sikmura niya. "Hi, Ate Smile." Hindi na siya nakatiis magtanong. "Uhm, totoo ba 'yong sinabi ni Ate Joy? Na 'yong mga red roses na natatanggap ko na akala ko galing kay Winston, si Snicker pala ang nagbibigay?"
Ngumiti si Ate Smile at inayos ang mga bulaklak na nakapatong sa counter. "Ginagawa ni Snicker 'yon sa tuwing may tampuhan kayo ni Winston. Kinakausap niya ang lalaking 'yon, pagkatapos sasabihin niya dito na siya na ang gagawa ng paraan para magkabati kayo."
Pakiramdam ni Resen ay lalabas na ang puso niya sa dibdib niya sa sobrang lakas ng tibok niyon. "Kaya nagpapadala si Snicker sa'kin ng bulaklak at card na nakapangalan kay Winston?"
Tumango si Ate Smile. "Si Snicker ang personal na namimili ng bawat red rose na ipinapadala niya sa'yo. Ilang gabi rin niyang pinagpuyatan ang panggagaya ng penmanship ni Winston. Lahat 'yon ginawa niya para lang makita kang masaya."
Pakiramdam ni Resen, natunaw ang puso niya sa narinig. Alam niyang dapat ay nagagalit siya kay Snicker ngayon. Lumalabas kasi na pinaasa siya ng binata sa wala. Puwede ring pinag-trip-an lang siya nito.
Pero kilala niya ang best friend niya. Hindi ito gagawa ng bagay na alam nitong masasaktan siya. Isa pa, parati siyang kay Snicker umiiyak noon sa tuwing nag-aaway sila ni Winston, kaya hindi kataka-taka kung gagawa ang una ng paraan para mapatahan siya. Para mapasaya uli siya.
"Pero bakit?" halos pabulong na tanong ni Resen. "Bakit naman gagawin 'yon ni Snicker para sa'kin?"
Nagkibit-balikat si Ate Smile, pero bakas sa mukha nito na marami itong alam at nagpipigil lang magsalita. "I don't know. Maybe because my cousin is in love with you?"
BINABASA MO ANG
Stuck In The Friendzone (Published, 2015)
Romance"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kila...