Chapter Two

3.3K 103 4
                                    

"WHAT do you need from me, Snicker?" walang emosyon na tanong kay Snicker ni Winston. "At kung puwede lang, huwag mong sandalan ang kotse ko."

Ipinaikot ni Snicker ang mga mata bago tumayo ng deretso, palayo sa guwapong-guwapong sportscar ni Winston. Kung hindi lang siguro siya mas nahilig sa big bike, baka nainggit na siya sa kotse nito. "Alam ko namang sobrang busy mo kaya bibilisan ko lang 'to."

"Sinabi ko bang may oras akong makipag-usap sa'yo?"

"Nasabi ko na ba sa'yong kayang-kaya kong basagin ang mukha mo kahit nasa school premise tayo ngayon?" nakangising balik-tanong ni Snicker dito.

Dumaan ang takot sa mga mata ni Winston. Pero dahil ma-pride ito, mabilis din nito iyong tinago. "Anong kailangan mo? May favor na naman bang hihingin ang nanay mo sa pamilya namin?"

Nagtagis ang mga bagang ni Snicker sa iritasyon. Masakit man aminin, pero malaki ang utang-na-loob nilang mag-ina sa pamilya ni Winston. At mukhang may balak ang lalaking ito na paulit-ulit iyong ipamukha sa kanya.

Noong nakulong ang ama niya dahil sa kasong rape, bumagsak din ang kabuhayan nila. Isang professor ang mommy niya noon na nagtuturo ng Press Law of Ethics para sa mga Comm Arts students, pero dahil sa eskandalo, napilitan itong umalis sa unibersidad na pinagtuturuan dati kung saan dating dean naman ang kanyang ama. Nahirapang maghanap ng trabaho ang kanyang ina dahil nasira ang reputasyon nito dahil sa kasalanan ng daddy niya.

Hanggang sa lumapit ang mommy niya sa ina ni Winston. Magkaklase ang mga ina nila noong kolehiyo. Ang ina ni Winston ang dahilan kung bakit nakapasok sa TV network ang mommy niya bilang isang segment producre. Kaya nakabangon uli sila.

"Tungkol kay Resen ang favor na hihingin ko ngayon," seryosong sabi ni Snicker, kinakalma ang sarili. Kumpara sa galit niya, mas mahalaga naman si Resen at ang kaligayahan nito. Even if her happiness meant asking favor from this self-absorbed jerk standing all high and mighty before him. Someday, I'm going to break this bastard's face.

Binigyan siya ng iritadong tingin ni Winston. "Wala na kami ni Resen."

"Alam ko."

Tumaas ang kilay ni Winston. "Wait. Don't tell me you're here to ask me to get back together with her? Hindi ko gagawin 'yan, Snicker."

"Hindi 'yon ang gusto kong gawin mo. Kung puwede lang sana, magpanggap kang aayusin ang relasyon niyo. Na kailangan mo lang ng space. Kahit habang nasa convention ka lang, magpanggap kang may pakialam pa sa kanya. Pagbalik mo, ako na ang bahalang magpaintindi kay Resen na wala na talaga kayo."

"Bakit mo 'to ginagawa?"

"Nakokonsensiya lang ako dahil ako ang may kasalanan kung bakit nagkakilala kayo ni Resen. She shouldn't have ended up with a prick like you."

Dahil nga malaki ang utang-na-loob ng mommy ni Snicker sa mga magulang ni Winston, simula no'ng nasa high school siya ay naging parang utusan siya ng lalaki. He also did errands for his family.

Nang naging magkaibigan sila ni Resen, natural lang na nakilala ng dalaga si Winston. Dahil parehong nagmula sa magandang pamilya at pareho rin ng mga pangarap, nagkasundo agad ang mga ito. Oo, naging magkakaibigan silang tatlo.

Pero naging mas malapit sa isa't isa ang dalawa nang bitbitin niya sa debut party ni Resen si Winston. Nalingat lang siya sandali, pagbalik niya ay nagsasayaw na ang mga ito at mukhang nagkakamabutihan.Naging magkasintahan sina Resen at Winston pagkatapos ng gabing iyon.

Winston crossed his arms over his chest and gave Snicker a hard look. "Well, magkakaibigan naman tayong tatlo bago nangyari ang lahat ng ito kaya pagbibigyan kita..."

What an arrogant bastard. "Anong kapalit?"

Ngumiti ng matagumpay si Winston. "I think I miss you running errands for me."

Oh, God. This self-centered asshole wanted him to be his slave? Again?

Nagprotesta ang kalooban ni Snicker. Nang minsang ang mommy naman niya ang tumulong sa ina ni Winston sa problema sa trabaho, huminto na ang pamilya nito sa paghingi ng "pabor" sa kanya at tumigil na rin si Winston sa pagutos-utos sa kanya. Pero mukhang gusto uli mag-power trip ng mokong na 'to.

His pride said no. But his heart said he could do it all over again for Resen.

Tumango si Snicker, nagtatagis ang bagang. "Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka."

Nilamon ni Snicker ang pride niya habang pinapakinggan ang pagtawa ni Winston nang lagpasan niya 'to. Naisahan na naman siya ng gagong 'yon. Noon pa man ay alam na niyang may itinatagong madilim na pagkatao ang "Mr. Nice Guy" na 'yon sa kabila ng pagiging "matinong estudyante" nito.

Kahit noon pa man, ramdam niya ang pagnanais ni Winston na gawin siyang alipin para lang siguro maramdaman nitong makapangyarihan ito. Yeah, despite his excellent grades and best in conduct award, Winston was actually a bully. Sadly, most people were blinded by his façade.

Isa na sa mga biktima ng pagpapanggap ni Winston ay si Resen.

Pero wala namang magagawa si Snicker. Bukod sa wala naman siyang ebidensiya na gago si Winston maliban sa pang-aapi nito sa kanya noon, ayaw niya ring sirain ang pantasya ni Resen. She was in love with the self-absorbed jerk after all.

For Resen, Winston was a dream come true and Snicker had no right to take that away from her.

Sapat na para sa kanya na makitang masaya si Resen kay Winston kahit pa madalas ay nagtatalo ang dalawa bilang magkasintahan. Hangga't hindi pisikal na sinasaktan, niloloko, at iniinsulto ng lalaking 'yon ang dalaga, hindi siya mangingialam.

Better break myself than break her.

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon