"HEY, BABY girl."
Napangiti si Resen nang pag-angat niya ng tingin mula sa vase na naglalaman ng red roses ay sumalubong sa kanya si Snicker. "Hey, big guy."
Hindi lang basta pet name ang "big guy" para kay Snicker. Para sa isang tulad niyang may height na five feet four inches lang, higante ang tingin niya sa binata sa taas nitong anim na talampakan. Also, at only age twenty 21, his body was already big and well-built. Pero bagay naman sa tangkad nito ang mga muscles nito sa mga tamang parte ng katawan. Isa pa, madaling uminit ang ulo nito gaya ng TheHulk ng Avengers kaya iyon ang tawag niya dito.
Samantalang ang "baby girl" naman ay pet name sa kanya ng binata para lang asarin siya dahil alam nitong naiirita siya kapag tinatawag siya nito ng gano'n. Pero ngayon ay nakasanayan na niya 'yon kaya naging endearment na 'yon himbis na pang-aasar lang.
Yumuko si Snicker para pisilin ang mga pisngi ni Resen. "Siguro dapat simula ngayon, siopao na ang itawag ko sa'yo himbis na baby girl. Ang laki na kasi ng mga pisngi mo, o."
Naiinis na inalis ni Resen ang mga kamay ni Snicker sa mga pisngi niya. "Hindi nakakatawa, Snicker. Tandaan mo, sensitive topic ang weight para sa mga babae. Lalo na kung pag-gain ng weight ang pinag-uusapan."
Ngumisi lang si Snicker saka hinalikan ang tuktok ng ulo niya bago ito umupo sa tabi niya. Napasimangot siya nang may naamoy na kung anong humalo sa cologne ng binata.
Umiling-iling si Resen habang binibigyan ng nananaway na tingin si Snicker. "You're smoking again."
Nagkibit-balikat lang si Snicker, saka pinatong ang mga binti sa coffee table. Pagkatapos ay inagaw nito ang remote control sa kanya para ilipat ang TV sa channel na nagpapalabas ng mga anime. "Ngayon lang uli ako nag-yosi, promise."
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Bakit ka nag-yosi ngayon? Hindi ba ang sabi mo, nag-stop ka na?"
No'ng nakilala ni Resen si Snicker noong nasa high school sila, heavy smoker na ang binata. Fourteen lang siya no'n at sixteen naman ito. Gayunman, hindi siya tumigil sa pagkumbinsi dito na masama sa kalusugan nito ang paninigarilyo. Mukhang nakinig naman ito sa kanya nang sabihin niyang namatay ang kanyang ama dahil sa lung cancer.
"Hindi ko sinabing huminto na ko," kaila naman ni Snicker. "Ang sabi ko lang, binabawasan ko na ang paninigarilyo."
Fine. Akala niya makakalusot. Pero no'ng nag-college na sila ni Snicker, nag-improve naman ito. Noong nasa high school sila ay araw-araw itong nakakaubos ng isang pakete ng sigarilyo. Pero no'ng nag-college sila, pa-stick-stick na lang ito. Nitong nakaraan naman, halos hindi na ito naninigarilyo. Sigurado siya dahil parati niya itong pasimpleng inaamoy-amoy.
Binigyan ni Resen ng nagdududang tingin si Snicker. Pagkatapos ay bigla siyang nag-alala. "May nangyari ba? Naninigarilyo ka lang nitong nakaraan kapag may problema ka."
"I'm fine," paiwas na sagot ni Snicker. "Let's not talk about me. Ikaw itong drama queen kaya sigurado akong may ikukuwento ka na naman sa'kin."
Bumalik ang excitement ni Resen. Kinuha niya ang vase sa ibabaw ng mesa at inangat 'yon sa harap ni Snicker. "Winston sent me these red roses with a letter. Ang sabi niya, he needs space for the meantime. Pero pagbalik daw niya, pag-uusapan na namin ng maayos ang relasyon namin." She sighed and smelled the roses. "Mabuti na lang at ginawa niya 'to kundi, baka hindi na ko nakatulog kakaisip kung bakit naging gano'n ang ending namin. At least, kahit nasa convention siya, alam kong iniisip pa rin niya ko dahil nangako siyang aayusin ang lahat pagbalik niya."
"Paano kung pagbalik niya, sabihin niyang ayaw na talaga niya?"
Napag-isipan na 'yon ni Resen. "Sa tingin ko mas matatanggap ko 'yon. Ang ayoko lang naman ay ang umalis siya nang hindi ako binibigyan ng enough reason para tapusin ang relationship namin. Hangga't hindi niya sinasabing hindi na niya ko mahal, hindi ako makukumbinsi na ayaw na talaga niya. I need a proper closure if he really wants to end our relationship.Pero hangga't hindi pa 'yon nangyayari..." She smiled evilly. "I'll continue playing the role of a good girlfriend. Baka sakaling mag-ignite uli ang sparks namin."
Umungol sa reklamo si Snicker. "Hindi ka talaga marunong sumuko 'no?"
Maingat na pinatong ni Resen ang vase sa mesa. "Hindi kung involved ang mga taong pinapahalagahan ko." Nang may maalala ay binalingan uli niya si Snicker. "Kaya ikaw, hindi rin kita susukuan hangga't hindi ka pa tumitigil sa paninigarilyo mo."
He just huffed. Nanatiling naka-glue ang mga mata nito sa TV. "Huwag kang mag-alala. Hindi ako mamatay hangga't hindi ko pa nasisigurong nasa mabuting kamay ka na."
Natawa naman si Resen. Hindi na niya napigilang yumakap sa braso ni Snicker at ihilig ang ulo niya sa balikat nito. "You talk like my dad when he was still alive. Siguro pinakilala ka ni God sa'kin para magkaro'n pa rin ako ng father figure sa buhay ko." When she turned to him, she laughed even harder when she realized he looked aghast by her statement. "Joke lang 'yon, Snicker. Masyado ka namang seryoso."
Binigyan pa rin siya ni Snicker ng hindi makapaniwalang tingin. "Good, because I'm too young to have a daughter, you know."
Tumingala siya kay Snicker. Pinatong niya ang baba niya sa balikat nito. "Thank you, big guy. Alam kong gumawa ka ng way para baguhin ang isip ni Winston tungkol sa pakikipaghiwalay sa'kin."
"Maliit na bagay."
Masuyong hinawi niya ang mga buhok na tumatabing sa mga mata ni Snicker. The usual evil glint in his eyes softened. "I know how much you hate asking favor from Winston. Hindi 'yon maliit na bagay."
"Kumpara sa pride ko at sa ngiti na 'to..." Marahang pinisil ni Snicker ang mga pisngi ni Resen, pagkatapos ay marahang inangat ang gilid ng mga labi niya para mapuwersa siyang ngumiti. "Lulunukin ko ang pride ko ng paulit-ulit para lang makita ang ngiti na 'to."
Na-touch naman si Resen. Kaya kahit binitawan na ni Snicker ang mga pisngi niya, nanatili siyang nakangiti. "Bakit ganyan mo ko kamahal?"
"Bakit hindi? Ikaw lang yata ang alam kong siopao na ngumingiti."
Natatawang hinampas niya ang binata sa braso. "Ang sama mo!"
"At ang bigat naman ng kamay mo," nakangiwing sabi ni Snicker habang hinihimas-himas ang "nasaktang" braso. Pero sa tigas ng muscles nito, halatang umaarte lang ito. Sa totoo nga niyan, ang kamay pa niya ang nasaktan dahil sa ginawa niya.
Ngumiti na lang si Resen at tumayo. Pagkatapos ay hinila niya si Snicker. "What do you say if we make some baked mac for merienda?"
Ngumiti si Snicker. "Magpapaalipin ako sa'yo habambuhay para lang matikman ang baked mac mo. Dang, Resen. You make the best baked mac in the world."
Napabungisngis si Resen. Despite his tough exterior, Snicker was actually a sweet guy. Life had been tough for him yet he managed to get back on his feet, stronger. He wasn't social, but he wasn't bitter. He just chose solitude and isolated himself from everyone for so long.
Sa totoo lang, nahirapan siyang pasukin ang mundo ng binata no'ng una. Ilang beses siya nitong tinulak palayo. Pinagbantaan pa nga siya nitong masasaktan siya kapag hindi niya ito nilubayan. Pero hindi siya natakot dahil ni minsan, hindi naman nito pinaramdam sa kanya na sasaktan siya nito ng pisikal. Matalas lang talaga ang dila nito madalas.
Pero nagbunga naman ang hindi niya pagsuko kay Snicker. When he finally warmed up to her, he became the best best friend ever to her.
Bumaba ang tingin ni Resen sa mga kamay niyang nakahawak sa mga kamay ni Snicker. His hands were bigger now, but they were still warm and gentle.
"Anong problema?" tanong ni Snicker.
Tumingala siya kay Snicker. Ngayon lang niya napansin na hindi na pala siya umabot sa balikat nito gayong noong nasa high school sila, kahit paano ay umabot pa siya sa dibdib ng binata. Napasimangot siya. "Kailan ka pa tumangkad ng ganyan?"
Natawa naman si Snicker. Kapag ganitong nakatawa ito, nababawasan ang forever na yatang kunot sa noo nito at nagmumukha itong mas bata. Binitawan nito ang mga kamay niya at nagpatiuna na sa paglalakad sa kusina. "Matagal na 'no. Ngayon mo lang napansin?"
Lalong napasimangot si Resen nang mapansin kung gaano na kalapad ang mga balikat ni Snciker. Kahit ang likod nito, mukhang matibay. Namumutok na rin ang mga muscle sa mga bicep nito. And God, he had nice, firm butt.
Nakagat ni Resen ang ibabang labi saka siya mabilis na nag-iwas ng tingin. Umayos ka nga, Resen Rose Paez. Kung anu-ano ang napapansin mo sa best friend mo!
BINABASA MO ANG
Stuck In The Friendzone (Published, 2015)
Romance"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kila...