Chapter Seventeen

2.4K 86 0
                                    

TAHIMIK na nakaluhod na upo si Resen sa tapat ni Snicker na naka-indian sit naman. Isang coffee table lang ang nakapagitan sa kanila ng binata kung saan nakapatong ang helmet.

Sa totoo lang, nabigla siya sa ipinagtapat ni Snicker kanina. Sa sobrang gulat nga niya ay hindi na siya nakakilos. Kung hindi pa siya marahang inakay ng binata papasok sa loob ng apartment nito, baka hanggang ngayon ay mistulan pa rin siyang estatwa.

Hindi rin naman niya masisi ang sarili sa pagka-shock niya. He just kissed her on the lips! Granted na may salaming nakaharang sa pagitan ng mga labi nila. Pero hindi pa rin niya maalis sa isip niya na binigyan siya nito ng halik na may malisya!

"I'm sorry kung na-shock ka sa pagtatapat ko," tila nahihiyang sabi ni Snicker, nakahawak sa batok nito at hindi makatingin sa kanya.

Hindi na nakatiis si Resen. Marami siyang tanong kaya dapat na siyang magsimula bago pa sila lubugan ng araw. "Kailan pa? Kailan ka pa... in love sa'kin?"

Naglakas loob na si Snicker na salubungin ang tingin niya. Napakaseryoso nito at nag-uumapaw ang sinseredad at pagmamahal nito sa kanya na hindi na nito pinagabalahang itago. "I've already liked you from the moment we've gotten stuck in the elevator five years ago, Resen. Every day after that only made my feelings for you harder, stronger, and deeper. I can't remember when exactly did I fall in love you with you. But maybe from the time that I've met you, I've always loved you."

Those words were so beautiful they made Resen's eyes watery. Pakiramdam niya ay nasa loob ng oven ang puso niya– mainit at tinutunaw ang kalooban niya. Gayunman, may maliit na bahagi niya ang nagduda sa mga sinabi ni Snicker. "Kung ganyan pala ang feelings mo for me, bakit mo ko tinanggihan no'ng nag-confess ako sa'yo two years ago?"

Namula ang mukha ni Snicker. "Because I was being stupid then. No'ng panahon na 'yon, alam kong seryoso na ang nararamdaman ko para sa'yo. Samantalang ikaw, masyado ka pang bata no'n. Saka malayong-malayo ako sa mga nagustuhan mong lalaki noon. Natakot ako na baka naku-curious ka lang sa'kin. Na baka phase lang ako sa'yo na kapag na-realize mong hindi pala ako ang tipo mo, iwan mo lang ako at masira pa ang pagkakaibigan natin. I can't afford to lose you because you've always been my anchor, Resen. Without you, I would have probably been lost a long time ago. Kaya naisip kong mas makakabuti kung magiging magkaibigan na lang tayo. Kahit sa totoo lang, nagalit ako sa sarili ko no'n dahil muntik ka nang mawala sa'kin."

Totoo iyon. Iniwasan kasi niya si Snicker pagkatapos siya nitong tanggihan. Naging okay lang uli sila ng binata matapos nitong iligtas ang mommy niya, at no'ng naging malapit sila ni Winston sa isa't isa.

Hindi naman niya inakala na pareho pa sila ng feelings ni Snicker. Siguro ay naging napakahirap sa binata ng nangyari.

Humugot ng malalim na hinga si Resen, pinaproseso pa rin ng utak at puso niya ang mga ipinagtapat ni Snicker sa kanya. Hindi niya alam kung alin sa dalawa ang unang mag-o-overload. "Why, Snicker? Bakit mo ko minahal? I mean, hindi ko maintindihan kung paano mo nagawang mahalin pa rin ako kahit nagmahal ako ng iba..."

Ngumiti si Snicker na para bang kinakalma siya. "You've tamed the demon inside me, Resen. Alam mo naman ang nangyari sa pamilya ko, 'di ba? Simula no'n, parati na kong galit. Wala akong pinapatawad. Kaya nga lagi akong napapaaway. Hindi ko makontrol ang sarili ko. Pero nang nakilala kita, sa unang pagkakataon matapos ng mahabang panahon, nakaramdam ako ng katahimikan. Ikaw 'yong unang tao na tumingin sa'kin at hindi anak ng isang convicted rapist ang nakikita. You looked at me like I was a human being then. Like I deserved to still be treated like a decent person despite of what my father had done. 'Yong ibang tao kasi no'n, halimaw o hindi kaya ay hayup ang tingin sa'kin na para bang ako ang ama ko."

Umungol sa reklamo si Resen. "Hindi naman nawala ang pagkatao mo dahil lang sa nagawa ng ama mo, Snicker."

Naging malungkot ang ngiti ni Snicker. "Nakakalungkot, pero hindi lahat ng tao ay gano'n ang tingin sa'kin, Resen. Maniwala ka. Bukod kay Mommy, ikaw ang unang taong nagpakita ng kabutihan sa'kin no'n. Maging ang ibang kapamilya namin no'n, itinakwil kami ng mommy ko. Kaya nang makilala kita, pakiramdam ko bumalik 'yong kaluluwa ko na inagaw sa'kin ng mga taong humusga sa pagkatao ko. Pinaramdam mo sa'kin na may halaga pa ko sa mundong 'to. Hindi mo ko iniwan kahit ipinagtabuyan kita. Hindi mo ko hinusgahan kahit hindi kita binigyan ng rason para magtiwala sa'kin. You generously smiled at me each time our eyes met even if I didn't deserve your kindness. I felt like a piece of shit then. That it would have been better if I just disappeared. Pero binigyan mo ko ng rason para magpatuloy sa buhay.

"For that, I'm grateful, Resen. Bago kita makilala, muntik na kong maniwala sa ibang tao na halimaw ako. I was even barely thinking of myself as a human then.I was so angry and so hurt I thought I would go crazy.But your kindness saved me. Ngayon sabihin mo sa'kin. Paano ko hindi mamahalin ang babaeng nagligtas sa'kin? Utang ko sa'yo ang lahat. Kaya kong tiisin ang lahat ng sakit makita lang kitang masaya dahil kahit iyon mismo, hindi maikukumpara sa kung anong ibinigay mo sa'kin."

Natahimik si Resen. Sobra-sobrang pagmamahal ang naramdaman niya sa mga ipinagtapat ni Snicker sa kanya. It still baffled her why she wasn't overwhelmed. O baka dahil siguro nararamdaman din niyang hindi naman siya pinipilit ng binata na tugunan ang damdamin nito. Na para bang sinasabi nito na wala itong ibang hinihiling kundi ang pakinggan niya ang mga ipinagtatapat nito.

That kind of love was selfless.

He was selfless.

Bumuntong-hininga si Snicker, biglang nanlumo. "Alam kong wala akong karapatang magtapat sa'yo ng ganito, Resen. I don't deserve you. Himala na nga na naging magkaibigan tayo. Pero ang gustuhin ka ng isang tulad ko ng higit pa ro'n..." Bumakas ang guilt sa guwapo nitong mukha. "I'm sorry, baby girl. Hindi ko na kasi makimkim ang nararamdaman ko."

Kumirot ang puso ni Resen sa mga sinabi ni Snicker. He was still barely thinking of himself as a human. Hanggang ngayon pala, maliit pa rin ang tingin nito sa sarili nito na malamang ay itinatago nito sa pagiging mainitin ang ulo para marahil itaboy ang ibang tao. Alam niya 'yon dahil naranasan niya iyon mismo. "You deserve better things in life, Snicker. Alam mo 'yan."

"I only want one good thing in my life, Resen. And that's you."

The love and sincerity in Snicker's eyes made Resen's heart beat loud and fast. Alam niyang maayos na sago tang nararapat sa ganitong klaseng pagtatapat, at hindi dapat minamadali. "Puwede mo ba kong bigyan ng oras para makapag-isip, Snicker?"

Tila nakahinga ng maluwag si Snicker. Tumango ito. "Oo naman, Resen. Maghihintay ako kahit gaano katagal."

Ngumiti si Resen, nakahinga rin ng maluwag na hindi nga siya pinipilit ni Snicker na tugunin agad ang damdamin nito para sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon. "Thank you, Snicker."

Namula ang mukha ni Snicker. "I should be the one thanking you, Resen." Pinisil nito ang kamay niya. His face turned hopeful. "Puwede ba kitang ihatid-sundo mula ngayon? Start calling you for no particular reason? And have alone time with you during class breaks?"

Pakiramdam ni Resen ay sinugod ng batalyong paru-paro ang sikmura niya habang nakatingin sa maaliwalas na mukha ni Snicker. Para itong bata. Hindi tuloy niya mapigilang mapabungisngis. "Sure, big guy. Let's take this slow."

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon