NATIGILAN si Resen nang makita si Snicker kinabukasan. Hindi niya inaasahang papasok agad ito gayong sa bugbog na natamo nito, ibinilin ng doktor na magpahinga muna ito ng tatlo hanggang apat na araw. Hindi pa sila dapat magkita ngayon pagkatapos ng ginawa niya.
Nang nagtama ang mga mata nila ni Snicker, ngumiti agad ang binata sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkapahiya sa sarili kaya nag-iwas siya ng tingin at mabilis na naglakad papunta sa ibang direksyon. Hindi niya kayang harapin ang binata ngayon.
"Hey, baby!" masiglang bati ni Snicker sa kanya nang umagapay ito ng lakad sa kanya. "Hindi mo ba ko nakita?"
Huminto sa paglalakad si Resen at hinarap si Snicker. Siguro nga mas okay na rin na sabihin na niya ng harapan dito ang kailangan niyang gawin kaysa malaman nito iyon habang nakatalikod ito.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Snicker nang mapansin siguro nitong tahimik siya at nakasimangot.
Tumingin sa paligid si Resen. Gaya ng inaasahan niya, nakatingin sa kanila ang mga kaeskuwela nila. Lakas-loob na sinalubong niya ang tingin ni Snicker. Labag man sa kalooban niya, pinuwera ang sarili na sabihin ang mga salitang alam niyang dudurog sa binata. "Don't talk to me. Pinapahiya mo ko."
Halatang nagulat si Snicker sa sinabi niya. Nawala ang lahat ng emosyon nito. "What?"
"You're embarrassing me," mas mariing sabi ni Resen, habang mas bumabaon din ang mga kuko sa mga palad niya. I'm so sorry, Snicker. "Ayokong makita ako ng schoolmates natin na nakikipag-usap sa tulad mo."
Dumaan ang matinding sakit sa mga mata ni Snicker. "Sa tulad ko?"
Humugot ng malalim na hininga si Resen. "Snicker, nangako ka sa'kin na hindi ka na uli makikipag-away. Pero nakakadismaya na hindi mo tinupad ang promise mo sa'kin. Na-relieve lang ako no'ng isang gabi kaya hindi ko nasabi ang mga ito. But I'm really diasspointed in you."
Napalunok si Snicker. Napalitan ng takot ang sakit sa mga mata nito. "Resen, I'm sorry. I reall am," punung-puno ng pagsisisi na sabi nito, saka hinawakan ang kamay niya pero mabilis siyang bumitiw. Umatras naman agad ang binata at itinaas ang mga kamay. Mas dumoble ang sakit sa mga mata nito. "I'm sorry."
Hinawakan ni Resen ang kamay niya na hinawakan ni Snicker kanina. Hindi naman niya sinasadyang bawiin sa marahas na paraan ang kamay niya. Natakot lang naman siya na baka biglang magbago ang isip niya sa ginagawa niya. Tiningnan niya ang binata sa mga mata. Kailangan na niya 'yong matapos bago pa siya bumigay. "Tinatakot mo na ko, Snicker. Kung hindi mo kayang kontrolin 'yang galit at init ng ulo mo, baka magaya ka rin sa daddy mo at sa susunod, hindi ka na makalabas ng kulungan."
Gumuhit ang pinaghalong galit at sakit sa mga mata ni Snicker. Nagtagis ang mga bagang nito na para bang kinakalma ang sarili. "Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa pagkatao ko, Resen? Nakakatawa. Hindi kasi ganito ang ipinakita mo sa'kin noon. I thought you knew that I was different from my father. Ikaw mismo ang nagsabi sa'kin no'n. Ano bang nangyayari sa'yo ngayon? Anong nagbago?"
Pilit na nagtaas-noo si Resen. "No'ng hindi ka pa nakukulong, naniwala akong puwede kang maging matino. Pero pagkatapos ng lahat ng ipinangako mo sa'king pagbabago, wala naman akong nakitang improvement sa'yo. Hangga't hindi mo pa naayos 'yang sarili mo, huwag muna tayong magkita."
Bumalik ang takot sa mga mata ni Snicker. "Resen..."
Nag-iwas ng tingin si Resen. "Kapag matino ka na uli, saka ka bumalik sa'kin."
After that, she walked out on him with a heavy heart and with tears in her eyes.I'm so sorry, Snicker.
BINABASA MO ANG
Stuck In The Friendzone (Published, 2015)
Romance"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kila...