Chapter Sixteen

2.4K 91 2
                                    

MABABALIW na yata si Snicker.

Kanina pa niya tinatawagan si Lawrence para pakiusapan ang lalaking 'yon na i-cancel na ang date nito kasama si Resen, pero naka-off ang phone ng gagong 'yon.

Kaibigan niya si Lawrence at gaya ni Resen, tinanggap din siya ng lalaki sa kabila ng nakaraan niya ng walang panghuhusga. Kung may isang taong pagkakatiwalaan niya ng buhay niya, si Lawrence iyon. Alam din ng kaibigan niyang 'yon ang nararamdaman niya para kay Resen, kaya sigurado siyang hindi siya nito sasadyaing saktan.

Alam din naman niya na inaya lang ni Lawrence si Resen na makipag-date dahil natorpe siya. Gumawa ng paraan ang kaibigan niya para magkaro'n siya ng pagkakataong maaya si Resen na makipag-date sa kanya no'ng nasa cafeteria sila, pero sinayang niya 'yon dahil lang natorpe siya.

He couldn't help it. Everytime he looked at Resen and he thought about his feelings for her, his mind would just go blank.

Heto tuloy siya ngayon, hindi mapakali habang nakatingala sa kisame ng kuwarto niya. Sigurado naman siyang walang masamang gagawin si Lawrence kay Resen. It was just that, the thought of his friend, or any other guy for that matter, going out with the girl he was in love with almost made him nuts.

Ngayon tuloy ay nagtataka si Snicker kung paanong sa lumipas na isang taon ay nagawa niyang tiising makita sina Resen at Winston na magkasama. O kung paanong buhay pa siya matapos niyang ilang beses na masaksihang magkahawak ng kamay, magkayakap, o kung minsan pa nga ay naghahalikan ang dalawa.

Wow. Puwede na pala niyang palitan ang monumento ni Rizal sa pagiging martyr niya.

Mas tama yatang sabihing "duwag" kaysa martyr. Tuwing nagkakaro'n siya ng pagkakataong magtapat kay Resen, nakakahanap siya ng dahilan para pigilan ang sarili, o kaya naman ay may hadlang na dumarating.

No'ng nagtapat si Resen sa kanya na gusto siya nitong maging boyfriend, natakot siya na baka maging phase lang siya sa buhay ng dalaga kaya tinanggihan niya ito. Kung kailan naman handa na siyang magtapat ng feelings para dito, saka naman nabaling ang damdamin nito kay Winston at nakita niyang masaya naman ang dalawa.

Pero ang pinakamalaking problema talaga niya ay ang insecurity niya dahil sa ama niya.

Gusto lang naman niyang protektahan si Resen. No'ng nasa high school pa lang sila ng dalaga, sa tuwing magkasama sila, parati na lang iniisip ng mga tao na inaabuso niya ito. Gaya ng ginawa ng daddy niya sa kabit nitong estudyante noon.

Ayaw lang naman niyang madamay si Resen sa dumi ng pagkatao niya...

"Alam mong hindi simpleng anak ng kriminal ang tingin sa'yo ni Resen, Snicker. Tinanggap ka niya bilang ikaw. Hindi ba sapat 'yon para sa'yo? Para umasa kang puwede ka niyang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan. Cousin, you deserve her more than Winston does."

Naalala ni Snicker ang mga sinabing iyon ni Smile sa kanya no'ng nakaraan. At aaminin niya, hindi na 'yon nawala sa isip niya. Kinapitan niya 'yon na parang lifeline. Bakit nga ba hindi niya subukan kaysa nandito lang siya, nakatulala habang iniisip kung ano ang gagawin nina Lawrence at Resen sa "date" ng mga ito?

Isang buong taon siyang nagtiis panuorin si Resen na masaya sa ibang lalaki. Ikamamatay na niya kung hahayaan pa niyang mangyari uli 'yon.

With a new resolve in his mind, he stood up, grabbed his keys, then stormed out of his room.

Pero hindi pa man din siya nakakalabas ng apartment ay may nag-doorbell na. Napaungol na lang siya sa isipan. Tutol ba ang kalangitan sa plano niyang pagtatapat kay Resen?

Seriously? Not even a chance to confess?

Nakasimangot na binuksan ni Snicker ang pinto at handa na sanang palayasin kung sino man ang istorbong iyon, para lang matigilan siya nang ang sumalubong sa kanya ay si Resen na nakasuot ng helmet. Nakataas ang salamin niyon kaya kitang-kita niya ang nakangiting mukha ng dalaga.

"Hi, big guy!" masiglang bati ni Resen sa kanya.

Umarko ang kilay ni Snicker. "Bakit naka-helmet ka?"

"Gusto lang kitang i-surprise," nakangising sagot ni Resen, pagkatapos ay pinisil nito ang mga pisngi niya. "Nakita mo sana ang hitsura mo nang makita mo ko. Your reaction was priceless!"

Hinawakan niya ang mga kamay ni Resen at marahan iyong inalis sa mukha niya. "Hindi mo sinagot ang tanong ko. Bakit ka naka-helmet at saan mo nakuha 'yan?"

Bumungisngis si Resen. "Thank you gift ko ang helmet na 'to sa'yo kasi lagi mo na lang akong inaalagaan. Naalala ko kasi na nabasag 'yong salamin ng helmet mo no'ng ihagis mo 'yon sa mga lalaking nambato sa'tin. Kaya nagpasama ako kay Lawrence para bumili nito. Wala naman kasi akong alam sa mga ganitong bagay. Sinamahan ako ni Law sa suking store mo raw pagdating sa biking gears."

Napakurap-kurap si Snicker. Isa lang ang naproseso ng utak niya sa "sorpresa" ni Resen sa kanya. "Wait. You mean to say, pumayag ka lang makipag-"date" kay Law dahil magpapasama ka sa kanyang bumili ng helmet para sa'kin?"

Natawa ng mahina si Resen, saka ito tumango. "Hindi naman 'yon date at pareho naming alam ni Lawrence 'yon. Bumili lang talaga kami ng gift para sa best friend namin."

Nalunod na naman si Snicker sa pagmamahal niya kay Resen. Higit sa regalong ibinigay ng dalaga sa kanya, pinakanagpasaya sa kanya ang malaman na kahit ibang lalaki ang kasama nito, siya pa rin pala ang nasa isip nito. Parang siya lang. Kahit ilang babae na dumaan sa buhay niya, ni minsan ay hindi nawala sa puso niya si Resen.

Hindi na niya kayang pigilan ang damdamin niya.

Anak man ng kriminal o hindi, magtatapat na siya.

Dinikit ni Snicker ang noo niya sa helmet ni Resen at mariing pumikit. "I love you, Resen. I'm so fucking in love with you, baby."

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Resen. Ibinaba niya ang salamin ng suot nitong helmet para matakpan ang mukha nito mula sa gagawin niya.

Then, he leaned down and kissed her on her lips despite the barrier between them.

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon