Chapter Four

2.7K 96 6
                                    

AYAW naman maging pakialamera ni Resen at alam niyang matanda na si Snicker at kaya na nitong alagaan ang sarili nito. Pero hindi niya mapigilang mag-alala dahil nanigarilyo uli ito. Alam niyang may problema ito na ayaw lang sabihin sa kanya. Gusto niyang malaman kung ano 'yon dahil natatakot siya na baka ilayo na naman nito ang sarili sa ibang tao.

Kaya naisip niyang bisitahin ang mga kaibigan ni Snicker at kumustahin ang mga ito. Baka sakaling may ma-i-share ang mga ito sa kanya tungkol sa best friend niya na mukhang itinatago ng magaling na lalaking iyon mula sa kanya.

Pagkatapos ng mga klase niya, dumeretso siya sa likod ng student government building kung saan madalas tumambay ang grupo ni Snicker. The "bad kids" of their university made that space their own smoking area on purpose to mock the student council members. Sadly, walang magawa kahit mismo ang university chairman dahil karamihan sa mga "bad kids" na 'yon ay nagmula sa mayayamang pamilya na mga biggest financier din ng unibersidad. So everyone practically turned a blind eye to this particular group.

And to think that Snicker was the de facto leader of the bad kids...

"Hi, baby girl!"

Nalingunan ni Resen si Lawrence, ang makulit na guy best friend ni Snicker. "Hello, Law."

"Snicker will kill you if he hears you call his girl with that endearment," iiling-iling na banta naman ni Rowelie kay Lawrence, isa ring malapit na kaibigan ni Snicker, habang naninigarilyo ang dalaga.

Tumawa lang si Lawrence, saka ibinuga ang usok mula sa hawak nitong stick.

Biglang hindi naging komportable si Resen. Napansin kasi niyang pinagtitinginan siya ng mga schoolmate niya sa paligid na halos ngayon niya lang nakita ang iba. Ang mga lalaki, halatang tinitingnan ang katawan niya. Ang mga babae naman, binibigyan siya ng masamang tingin o di kaya ay iniirapan.

Everyone wore dark clothes. Lutang na lutang tuloy siya sa suot niyang sunny yellow dress. Isa pa, siya lang din yata ang walang hawak na stick ng sigarilyo.

Minsan naman ay tumatambay siya ro'n. Pero parati niyang kasama si Snicker sa mga pagkakataong iyon. But now that he wasn't beside her, she felt a little scared. Na para bang kahit ang mga kaibigan ng binata ay gagawan siya ng masama.

"Hey, princess," pagtawag sa kanya ni Rowelie. Bumuga ito ng usok bago muling nagsalita. "Wala dito ang boss namin. Pero kung may maipaglilingkod kami sa'yo, sabihin mo lang."

Napangiwi si Resen sa sarkasmo ni Rowelie. Hindi naman sa magkaaway sila ng babaeng ito pero napapansin niya na madalas nitong gawing biro o kakatwa ang pagiging iba niya sa grupo nito. "Princess" ang tawag sa kanya ng dalaga dahil daw nabibilang siya sa grupo ng mga good girls. Kaya hanggang ngayon, parang hindi ito makapaniwala na best friend niya ang pinaka-bad boy ng university nila.

Sa kabila ng kabang nararamdaman niya, ngumiti pa rin siya. "Hindi naman si Snicker ang sadya ko rito. I just want to hang out with you, people."

Para patunayan ang intensiyon ni Resen, umupo pa siya sa tabi ni Rowelie sa kinauupuan nitong natumbang katawan ng puno. Dati kasing conservatory garden ang bahaging iyon ng kanilang unibersidad.

Napatingin sa kanya ang lahat ng bad kids, saka sabay-sabay na tumawa.

Tumabingi naman ang ngiti ni Resen. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

Umiling-iling naman si Lawrence. "Nah, we're not laughing at you, baby girl– I mean, Snicker's baby girl."

"Kung gano'n, bakit kayo tumatawa?" kumukurap-kurap na tanong ni Resen.

"You're just too good to be true, Resen," nakangiti habang iiling-iling na sagot ni Lawrence. "Ikaw lang yata ang nag-iisang babae sa buong university na himbis na umiwas sa grupo namin ay pupunta pa rito to hang out with us, even without Snicker. That's both brave and foolish, you know. Because you're supposed to fear us."

Kumunot ang noo ni Resen. "Bakit? Sasaktan niyo ba ko?"

"She's so naïve, too!" natatawang sigaw naman ng lalaki sa may bandang likuran.

"Naïve?" nakataas ang kilay na sabi naman ni Rowelie. "More like boring."

"Rowelie," saway ni Lawrence dito. "Kapag inaway mo si Resen, lagot ka kay Snicker."

"Bakit? Ano bang masama sa sinabi ko?" depensa naman ni Rowelie, saka binalingan si Resen. Tiningnan pa siya ng babae mula ulo hanggang paa bago napako ang nayayamot nitong tingin sa mukha niya. "Look at you, sweetheart. You look so... sweet. Pupusta ako na hindi ka pa nag-cut ng class mo kahit kailan."

Nag-init ang mga pisngi ni Resen sa pagkapahiya. Hindi pa nga niya 'yon nagagawa.

"You don't smoke, you don't party, you don't drink," pagpapatuloy naman ni Rowelie na para bang masamang bagay ang pagiging disente niya. "You get excellent grades, you're a good public speaker, you're a homebody. Sa lahat ng Broadcasting students na kilala ko, ikaw lang ang hindi ko nakikita sa mga nightclub o bar."

"I'm only nineteen. Hindi pa ko puwede sa mga gano'ng klaseng lugar," depensa naman ni Resen sa sarili.

"See? That's why you're boring. I bet 'yon ang reason kung bakit hiniwalayan ka ng equally goody-two shoes mong boyfriend."

Napasinghap si Resen. That was so below the belt! Alam niyang hindi siya dapat magpaapekto kay Rowelie na halatang ginagalit lang siya, pero nasaktan pa rin siya. Para bang sinampal siya nito ng realidad na hindi niya inasahan.

Posible nga kayang na-boring-an sa kanya si Winston kaya ito nakipaghiwalay sa kanya?

Wala na bang spice ang relasyon nila?

Marami ba siyang naging pagkukulang bilang girlfriend?

Kung tutuusin, never pa silang nag-bar hopping o nagpunta sa nightclub ni Winston. Ang pinaka-party pa lang na natatandaan niyang dinaluhan nila bilang magkasintahan ay ang Night ng college department nila– kung saan sinundo pa siya ng mommy niya no'ng eksaktong alas-dose ng madaling araw kaya kinailangan niyang iwan ang binata.

Oh, God. I really am a boring girl!

Nanlaki ang mga mata ni Rowelie habang nakatitig kay Resen na tila nataranta. "Oh, no! Huwag mong sasabihing iiyak ka dahil lang do'n?"

"Shit, Rowelie! Papatayin tayo ni Snicker niyan!" natatarantang bulalas naman ni Lawrence na mabilis lumuhod sa harap ni Resen at inalo siya. Pinatong ng binata ang kamay nito sa kamay niya habang nakatingala sa kanya, may pag-aalala sa mukha. "Hey, hey. Don't cry, Resen. Huwag mo na lang pansinin si Rowelie." He glared at Rowelie. "Apologize to Resen! Now!"

"S-sorry na," tila natatakot na sabi naman ni Rowelie. "Binibiro lang naman kita, naging emotional ka agad."

Naiinis na pinunasan ni Rowelie ang mga luha niya gamit ang mga kamay niya. Pagkatapos ay binigyan niya ng masamang tingin si Rowelie. "I'm not a boring girl!"

Itinaas ni Rowelie ang mga kamay. "Fine. You're not. Binabawi ko na ang sinabi ko kaya tumahan ka na, okay?"

Alam ni Resen na sinasabi lang 'yon ni Rowelie dahil sa takot nito kay Snicker. Pero gusto pa rin niyang patunayan na nagkamali ito sa paghuhusga sa kanya, kaya inagaw niya mula sa babae ang sigarilyo nito at inithit niya iyon.

Pakiramdam niya ay humigop siya ng sandamakmak na usok, na parang dinaanan ng nag-iinit na baga ang lalamunan niya, kaya inihit naman siya ng ubo.

Naramdaman niya ang marahang paghagod ni Lawrence sa likod niya na para bang pinapakalma siya nito. Pero wala siyang maintindihan dahil sa lakas at sunod-sunod na pag-ubo niya na dahilan para manakit ang lalamunan niya. Hanggang sa marinig niya ang malalim at baritonong boses na 'yon na tila nakapagpanigas sa lahat ng tao sa paligid niya.

"Resen!"

It was Snicker, and he was not happy to see her holding a stick of cigarette.

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon