Chapter Fourteen

2.4K 81 1
                                    

NANG matanggap ni Resen ang red roses na may kasamang "sorry" card mula kay Winston, wala siyang naramdamang kilig. No'n niya napatunayan na "nalanta" na ng tuluyan ang feelings niya para sa binata. Siguro matagal na 'yong nawawala, pero desperada siyang mag-work ang relationship nila dahil nanghihinayan siya sa na-invest na niyang feelings.

Nagbago iyon nang natutunan niya na mas okay mag-let go ng isang taong walang ibang binigay sa'yo kundi sakit at lungkot. Iniisip niya noon na okay lang 'yon dahil napapasaya rin naman siya ni Winston. Pero ngayon, alam niyang mali siya para isipin 'yon.

Nakasalalay sa kanya ang choice na maging masaya at hindi 'yon dapat nakadepende sa isang lalaking wala namang pakialam sa kanya.

Kaya nang makita niya si Winston sa hallway ng building nila, wala na siyang naramdamang excitement sa pagbabalik nito. Kahit pa napansin niyang maluwang ang ngiti nito nang salubungin siya.

Tinangka si Resen na halikan ni Winston, pero iniwasan niya ito. "I don't think guys should kiss their ex-girlfriends, do you?"

Sumimangot si Winston. "What? Seryoso ka ba sa pakikipaghiwalay mo sa'kin, Resen?"

"Mukha ba kong nagbibiro?"

"What happened to my sweet, innocent girl? Epekto ba 'yan ng pagsama-sama mo sa mga barkada ni Snicker?"

Kumunot ang noo ni Resen. "Paano mo nalaman?"

"Sinabi sa'kin ng mga kaibigan natin na hindi ka na raw sumasama sa kanila simula nang umalis ako para sa convention. They said you always hang out with Snicker and his gang. Pati ang pag-pa-party mo, nabalita na nila sa'kin."

Napasimangot si Resen. "Matagal ko nang kaibigan si Snicker kaya wala akong nakikitang masama kung madalas man kaming magkasama nitong nakaraan. At base sa relationship status natin during those times, may karapatan ako to spend time with other people, or to meet new potential boyfriends."

Sa pagkagulat ni Resen, ngumiti si Winston at nangislap pa ang mga mata. "You've changed, Resen. I like it."

Kung noon siguro, baka natuwa pa si Resen dahil umepekto ang plano niyang mapansin uli ni Winston sa pamamagitan ng pagbabago niya. Siguro, na-excite ang binata dahil nakikita nitong hindi na siya ang dating boring girl na kilala nito.

Pero hindi na rin naman siya ang babaeng patay na patay dito noon. She has learned to loosen up a bit for herself and not for Winston anymore.

"Let's get back together, Resen," nakangiting sabi ni Winston.

Ngumiti rin si Resen, pagkatapos ay marahang tinapik-tapik ang pisngi ni Winston. "Oh, that's so sweet, babe."

Umaliwalas ang mukha ni Winston.

"But I'm not interested," nakangising sabi ni Resen, saka iniwanan si Winston bago pa makapag-react ang binata.

Habang naglalakad palabas ng gusali ay hindi niya mapigilang mapangiti. Noon, si Winston ang parating nagwo-walk out sa kanya kaya sa pagkakataong iyon, nakaramdam siya ng tuwa na nagawa niya sa binata ang bagay na kinakainisan niya rito noon. Sana natutunan na nito na mali ang ginawa nitong pagte-take for granted sa kanya no'ng sila pa.

Dumeretso siya sa cafeteria kung saan nakita agad niya si Snicker na mukhang nakatulala sa kawalan. Habang ang mga barkada naman nito, tahimik din. Sa katunayan nga, si Lawrence lang ang maingay samantalang pinapatahimik naman ni Rowelie ang lalaki.

"What's up, pips?" masiglang bati ni Resen sa lahat matapos niyang umupo sa tabi ni Snicker. "Bakit parang ang lungkot niyo?"

"Si Snicker lang ang malungkot," natatawang sagot ni Lawrence. "Nag-e-emote kasi bumalik na si Wi– aray!" reklamo nito kasabay ng pag-alog ng mesa.

Kumunot ang noo ni Resen, saka binalingan si Snicker na masama ang tingin kay Lawrence ng mga sandaling iyon. "Malungkot ka?"

Binigyan siya ni Snicker ng iritadong tingin na sinamahan pa nito ng matinding simangot. "Nakita mo na ba kong masayang-masaya sa buhay?"

Napangiwi si Resen. "Bakit triple yata ang sungit mo ngayon?"

"Bakit ka ba nandito?" iritado pa ring tanong ni Snicker. "Bumalik na 'yong boyfriend mo, 'di ba? Dapat, sa kanya ka bumubuntot gaya ng madalas mong gawin noon."

Nainis na rin si Resen. Wala naman siyang masamang ginagawa para ma-deserve ang ganitong pagtrato ni Snicker sa kanya. "If you don't want me here, fine. But for the record, Winston is no longer my boyfriend. Nakipag-break ako sa kanya a week ago via phone call."

Nag-walk out si Resen at dumeretso sa dessert section ng cafeteria. Matagal na niyang natutunan na huwag sasabayan si Snicker kapag mainit ang ulo nito dahil tiyak na mag-aaway lang sila. Isa pa, na-i-stress din naman siya. Kahit pa alam niyang tama ang desisyon niyang hiwalayan na si Winston, dumanas pa rin naman siya ng kalungkutan sa lumipas na linggo. Hindi lang ang best friend niya ang may karapatang uminit ang ulo.

Pagkatapos niyang bumili ng one litre of chocolate ice cream ay umupo siya sa mesa na malayo sa grupo nina Snicker. Kasalukuyan niyang "tinutusok" ng plastic spoon ang ibabaw ng ice cream nang umupo si Snicker sa katapat niyang silya. Amoy pa lang ng binata, alam na niyang ito ang sumalo sa mesa niya kahit hindi niya tingnan.

"Baby girl?"

"What? Gusto mo bang umalis rin ako ng cafeteria?" nakasimangot na tanong ni Resen nang hindi nag-aangat ng tingin.

"I'm sorry."

Nag-angat siya ng tingin kay Snicker. Kitang-kita ang pagsisisi sa mukha nito. Pero naiinis pa rin siya rito. "For what? For being a jerk? Kailan mo pa pinagsisihan 'yon?"

Mas lalong nagmukhang guilty si Snicker. "Yes, I'm a jerk and I've never felt so sorry for it until now... after I hurt your feelings. Kilala mo ko, Resen. Alam mo namang may mga araw talaga na mainit ang ulo ko kahit walang dahilan. Hindi 'yon excuse pero... shit." Inihilamos nito ang mga kamay sa mukha. "I don't know what I'm saying anymore. All I know is I'm sorry. I didn't mean to hurt you."

Nag-alala naman si Resen. She reached out and touched his arm. "Okay ka lang, Snicker?"

Inalis nito ang mga kamay sa mukha. "No. Not until you say you forgive me."

Napangiti si Resen habang iiling-iling. "Fine. I forgive you. Sorry din kung naging OA ako. Alam mo na, PMS."

Matagal bago muling nagsalita si Snicker. "So... wala na talaga kayo ni Winston?"

Tumango lang si Resen.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Snicker. "Bakit ka nakipaghiwalay sa kanya? May ginawa ba siyang masama sa'yo? Sabihin mo lang, igaganti kita."

Natatawang ipinaikot ni Resen ang mga mata. "Always my overprotective best friend." Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi ni Snicker. "Walang ginawang masama si Winston sa'kin. Na-realize ko lang na hindi niya deserve ang pagmamahal ko. And he doesn't make me happy anymore."

"Sigurado ka na ba d'yan?"

Tumango si Resen.

Snicker broke into a wide smile.

Binigyan niya ng nagdududang tingin ang binata. "Anong meaning ng smile na 'yan?"

"'Yan ang tinatawag na ngiting tagumpay," nakangising singit ni Lawrence na sumulpot mula sa likuran, saka umupo sa tabi ni Snicker at inakbayan ang binata bago hinarap si Resen. "So, talagang single ka na, huh?"

"Yes. Bakit?" nagtatakang tanong ni Resen.

Tumikhim si Lawrence, saka tinapik-tapik ang balikat ni Snicker. "May kakilala kasi ako na gusto kang i-date, Resen. Matagal na. 'Di ba, Snicker?"

Umalog ang mesa kasabay ng pagsigaw ni Lawrence ng "aray," samantalang bigla namang namula ang mukha ni Snicker na ngayon lang yata nangyari.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Resen sa pagitan nina Snicker at Lawrence na kasalukuyang nagpapalitan ng malulutong na mura. "Ano bang nangyayari sa inyo?"

Ngumiwi si Lawrence habang hinihimas-himas ang binti sa ilalim ng mesa. Pero pilit pa ring ngumiti ang binata nang humarap sa kanya. "Resen, may I have the honor of taking you out on a date?"

Now that sounded like a good idea. May kailangan din naman talaga siya kay Lawrence.

"Yes," sagot ni Resen na kasabay naman ng mariing "no" ni Snicker.

Stuck In The Friendzone (Published, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon