HANGGANG ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Snicker na pinapayagan siya ni Resen na hawakan ang kamay nito. Compared to his calloused one, her hand was dainty. It was soft, smooth, and it felt good in his hand.
Hindi na niya napigilang dalhin ang kamay ni Resen malapit sa bibig niya at gawin ang matagal na niyang gustong gawin. He placed gentle kisses on her knuckles.
Tiningnan niya si Resen. Nakakunot ang noo nito habang titig na titig sa laptop na kaharap nito. Simula nang dumating sila sa coffee shop na iyon, iyon na ang ginagawa nito. Nakakagulat at nakakamangha nga na nakakapag-type ito gamit lang ang isang kamay. Nagiging makasarili siya, pero ayaw pa talaga niyang bitawan ang kamay ng dalaga...
Nilingon siya ni Resen. "What are you doing, Snicker?"
Nag-init ang mga pisngi ni Snicker. "Uhm, sorry. Hindi ko lang napigilan. Kung naiilang ka, puwede ko namang bitawan ang kamay mo..."
Tumingin si Resen sa mga kamay nilang magkahawak, saka ngumiti habang iiling-iling. Pabirong pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Don't you dare let go of my hand, Snicker John Lagdameo." Sa pagkakataong iyon ay ang dalaga naman ang nag-angat ng kamay niya malapit sa bibig nito, pagkatapos ay hinalikan ang likod ng kamay niya. "Anyway, hindi naman ito ang ibig kong sabihin sa tanong ko kanina. Tinatanong ko lang kung bakit hindi mo inaasikaso ang pag-se-send mo ng resume sa mga company para sa internship natin this summer. Are you procrastinating, big guy?"
Wala pa rin sa sarili si Snicker dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na hinalikan ni Resen ang kamay niya. It felt so fucking good. Pero binibigyan na siya ng nagdududang tingin ng dalaga kaya umayos siya ng upo at pinilit ibalik ang huwisyo sa pinag-uusapan nila. "Matagal pa naman ang internship."
Ipinaikot ni Resen ang mga mata. "Anong matagal? Isang buwan na lang, internship na. Dapat ngayon pa lang nag-a-apply ka na. May company ka na ba na gustong pasukan?"
Sinilip ni Snicker ang laptop ni Resen at tumango-tango nang makita ang TV station na pinag-apply-an nito. "Oh, may newspaper company na malapit d'yan sa TV station na 'yan. Do'n na lang ako mag-a-apply para mahatid-sundo pa rin kita sa summer."
Natatawang ipinaikot ni Resen ang mga mata. "Ang clingy mo."
Ngumisi lang si Snicker. Alam naman niyang natuwa si Resen sa sinabi niya dahil nangislap ang mga mata nito. "Seryoso ako, Resen. Ngayon lang tayo nagkasama sa ganitong paraan. Hindi ako papayag na agawin sa'kin ng summer at internship ang pagkakataong makasama ka ng mas matagal."
Pinisil ni Resen ang kamay niya. "Basta siguraduhin mo lang na magandang newspaper company pa rin 'yang papasukan mo, ha? Baka mamaya, explosive tabloid 'yan."
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Snicker. "It's a broadsheet company, baby."
Ah, finally. Ngayon ay natatawag na ni Snicker ng "baby" lang si Resen himbis na "baby girl" na pang-asar niya rito noong nasa high school sila. Minsan nakakalusot siya ng pagtawag kay Resen ng "baby." Pero iba pa rin sa pakiramdam na ngayon ay endearment na iyon ng mas intimate nilang relasyon.
Ganitong klaseng euphoria siguro ang naramdaman ng mga nanalo sa lotto. Dahil ngayon, pakiramdam ni Snicker ay napanalunan niya ang pinakamagandang diyamante sa buong mundo.
"O, bakit ganyan ka makatingin?" nakangiting tanong ni Resen mayamaya.
Bumuntong-hininga si Snicker at ipinatong ang kamay ni Resen sa pisngi niya. "I just can't believe that this is happening now. Na puwede kong hawakan ng ganito ang kamay mo. Na puwede akong maging ganito kalapit sa'yo. Noon kasi, kahit magkasama tayo, hindi ko puwedeng gawin ang mga 'to sa'yo." Hinalikan niya ang palad ng dalaga. "Thank you, baby. Thank you for giving me the chance to be with you this way."
Sa kasalukuyan ay "exclusively dating" ang status ng relasyon nina Snicker at Resen. That was the closest thing to a romantic relationship that he could get from her for now. Pero kuntento na siya ro'n sa ngayon. He would wait patiently for her until she said "yes" to him when he asked her to be his official girlfriend.
Lumuwang naman ang pagkakangiti ni Resen. "This feels surreal. Hindi ko akalain na all this time that I was looking for the right guy who could make me feel loved and cherished, kasama ko na pala siya. Hindi ko naisip na makikita ko ang guy na 'yon sa katauhan ng best friend ko na binasted ako noon." He cringed at the last statement that made her giggle."Snicker, para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ko, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard. I feel like the luckiest girl on earth."
"Ako ang mas suwerte sa'ting dalawa, Resen. Maniwala ka."
Tinawanan lang 'yon ni Resen. "Pareho na tayong suwerte para fair."
May sasabihin pa sana si Snicker, pero nag-vibrate ang phone niya sa bulsa ng pantalon niya. Umungol siya sa reklamo. Dapat pala in-off niya iyon kanina nang hindi na-iistorbo ang date nila ni Resen. Gano'n na lang ang simangot niya nang makitang si Lawrence ang nagtext, pinapaalala sa kanya ang lakad ng barkada sa weekend na hindi pa niya sinasang-ayunan.
"O, sino 'yong nagtext at nakasimangot ka d'yan?" nagtatakang tanong ni Resen.
"Si Lawrence, nag-aayang gumimik," sagot ni Snicker, saka pinakita kay Resen ang text ng kaibigan niya. Gusto niyang ngayon pa lang ay maging ganito na siya ka-open sa dalaga.
Sa pagkatuwa ni Snicker, ipinatong ni Resen ang baba nito sa balikat niya habang binabasa ang text. Gah, he could breathe her in. She smelled so fucking good and she felt so fucking soft against him. Gano'n na lamang ang pagpipigil niyang lingunin ang dalaga at halikan ang mga labi nito. Sa posisyon nila ngayon, madali lang niya 'yong magagawa...
Shit. Control yourself, dude. You don't want to scare her, do you?
Bumungisngis si Resen. He felt her chest vibrate against his back and the sensation felt so fucking great. "Puro crying face na ang text sa'yo ni Lawrence kasi hindi mo siya ni-re-reply-an. Wala ka namang pasok sa weekend, ha? Kaya bakit hindi mo pagbigyan ang boyfriend mo? Baka makipag-break 'yon sa'yo kapag hindi ka sumagot."
Ipinaikot ni Snicker ang mga mata sa biro ni Resen. "He's not my boyfriend. And about this weekend... I'm hoping I'd spend it with you. Wala ka ring pasok this weekend, 'di ba?"
Tumango si Resen. "Pero ayoko namang agawin ka sa mga friends mo. Ilang weeks na kitang sinosolo, eh. Baka magtampo na sa'tin sina Lawrence."
"Naiintindihan naman nila ko."
"Still, you don't have to spend all your time with me. Hindi sa ayaw kitang makasama, ha? Ang akin lang, ayokong i-monopolize ang oras mo dahil alam ko namang may iba ka ring buhay sa labas ng relationship natin, the same way that I do," marahang paliwanag ni Resen na masuyo habang hinihimas ang braso niya. "Kaya pinapayagan kitang pumunta sa outing niyo ng barkada mo. Have fun, okay?"
Naglakas-loob siyang lingunin si Resen. Dahil sa posisyon nila, gahibla na lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa. Tumitig siya sa mga mata ng dalaga para hindi bumaba ang tingin niya sa mga labi nito na parang inaakit siya. "You know, Lawrence also invited you. Ang sabi niya sa isa sa mga text niya, isama kita. Punta tayo?"
Bumakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni Resen. "Hindi ba ko makakaistorbo?"
Mabilis na umiling si Snicker. "Mas gusto kong nando'n ka."
"Alright. Magpaalam tayo kay Mommy mamaya, okay?"
if"'>"Bett~A˫
BINABASA MO ANG
Stuck In The Friendzone (Published, 2015)
Romance"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard." Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kila...