Chapter 2: Wizard?

3.8K 163 1
                                    


Unting-unti kong minulat ang aking mga mata. Napakasakit ng aking katawan. Parang di ako makabangon sa aking kinahihigaan. Teka?! Ramdam ko na nasa kama ako. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang itaas, walang kisame. Lot of spider webs and I think luma na ito.

Napatingin ako sa aking gilid at nakita ko ang isang matandang lalaki na parang bang nagsusulat. Parang pamilyar siya sa akin.Natigilan ako ng magsalita siya.

"Gising kana pala." sabi niya na nang nakatalikod. Ang ikinagukat ko ay alam talaga niya na gising ako kahit di siya nakatingin sa akin.

"Kamusta ka na apo?" natigilan ako sa sa sinabi nya. Apo? Hindi kaya siya ang-

"Lo... Lolo. Kamusta kana?" sabi ko ng bigla kong nasilayan ang kanyang mukha, mahaba parin talaga ang puting bigote at balbas niya, pati ang buhok nito. Kaya ko siya nakilala.

"Ok lang apo, how about you?" bigla akong natigilan sa sinabi ni lolo. Naalala ko si mommy at daddy. Nararamdaman ko na ang pagtulo ng aking mga luha sa mata.

"Lo, si mom and dad..." I said sadly.

"I know my boy, I couldn't even protect my own daughter." he said in sorrow.

"No, it's not even your fault kundi yung mga taong yun. Uhm, lo so sino ang mga taong nakamaskara at si mommy a-ano siya?" my voice is trembling and parang gusto kong umiyak but I can't do it.

"Apo siguro nga'y dapat mo ng malaman ang katotohanan." natigilan ako. Naisip ko anong katotohanan? Marami ba akong dapat malaman?

"Ano lo ang dapat kong malaman?" yun ang biglang lumabas sa aking bibig. Kinakabahan ako kong ano kaya ang sasabihin ni lolo, tungkol sa pagkatao ni mommy.

"Nung unang panahon ay masaya kaming naninirahan sa Rivendell, habang ang mommy mo ay nag-aaral sa Wizards Academy." ano raw, Wizards Academy? School of wizards? Alam kong may tinatawag na wizards pero di ko akalaing totoo ito at ang pamilya ko ay kasapi nito.

"Lo. Ano pong Wizards Academy?" hindi ko na napigilan ang aking sarili, because I'm really curious and confused.

"Ang Wizards Academy ay isang paaralan ng mga junior wizards. Dito hinahasa o sinasanay ang power o kapangyarihan ng isang wizard. Kapag nakapag-aral ka dito ay saka ka lamang maituturing na isang wizard. Madami ang mga ipapagawa ng mga mid masters niyo dito kapag nakapag-aral ka na rito. " he briefly explained

Ano daw? Mid master? Ano yun?

"Lo. Ano ang mid master?" Ano kaya ito, parang teacher? What the! Kung ano ano na ang naiisip ko.

"Ah. Ang mid master ay isang guro sa normal world. Sila ang magtuturo sa mga junior wizards. Maiba ako apo. Ilang taon ka na ba?" 

So, I'm still correct.

"16 years old na po lo." Mahinahon kong sagot kay lolo. Oo 16 na ako parang matanda na nga ako eh.

Nabigla ako sa pagtaas ng boses ng lolo. "16 years old!!!!???"

"Opo". Tipid kong sagot sa kanya.

"Edi dapat ay nung last year ka pa dapat nakapasok sa Wizards Academy..."

"Bakit naman po?" I asked.

Big deal ba yun.

"Eh kasi apo, kung 15 years old kana eh pwede kanang makapasok sa Wizards Academy at dun ay mas matuturuan ka ng mabuti. Kung di lang sana inayawan ng mommy mo yung suggestion ko dati na wag na kayo humilay sa akin. Buhay pa sana siya ngayon." sabi ni lolo hanggang sa magbago ulit ang emosyon niya.

"Bakit po nagdecide si mommy na bumukod lo?" I asked.

"Your  mother is cautious and at the same time, hindi niya gusto na lumaki ka sa mundong kinalakihan niya because she knows the dangers in our world." he answered.

Mukhang naliliwanagan na ko sa mga nagaganap but still... I can't accept the death of my parents.

"Apo bukas na bukas ay ipapasok kita sa Wizards Academy." Napanganga ako sa sinabi ng lolo. Ano? Ako papasok doon? Papayag ba ko? Am I ready? To know the truth of my existence?

"May magagawa po ba ko lo pag- aayaw ako?" I asked sarcastically to change the mood.

"HAHAHA of course wala dahil doon mo mahahasa ang iyong kapangyarihan at mas lalong palakasin ito at dapat ay sumunod ka sa yapak ng iyong mga ninuno. Although there are a lot of dangers, pero mas delikado kung makita ka ulit ng mga wizards na yun at hindi mo kayang protektahan ang sarili mo. Then, the death of your parents will be in vain." he explained and that truly enlightened me.

My grandfather is right, I will not let the death of my parents be in vain. I want to be powerful, protect those who are weak and punish those evils.

Couple of Hours later...

Kanina pa ako tapos kumain ng hapunan at heto ako sa kama na nakahiga. Kanina ko pa iniisip ang mga sinabi ni lolo. Walang pang isang araw ay marami na akong natuklasan at nalaman na katotohanan sa aking pagkatao. Siguro'y hindi pa ito ang simula ng lahat. Malayo pa ko sa pagdiskubre ng tunay na ako, malawak pa ang bagong mundong aking tatahakin at marami pa ang aking matutuklasan sa misteryo ng aking buhay. Makakakaya ko kayang harapin ang tunay na ako? Matatanggap ko kaya ang aking pagkatao? At mararamdaman ko kaya sa mundong ito ang saya at pagmamahal na hinahanap ko?

Vote
Comment
Share

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon