Chapter 24: Training with Tauriel

799 34 0
                                    

Darwin's POV

Dahan-dahan akong naglalakad sa daan na yari sa mga bato. Habang ako'y papalayo ay lalo pa itong kumikitid, hanggang sa marating ko ang isang pintuan na yari rin sa bato. Binuksan ko ito pero hindi ito bumukas. Napakatigas mandin ng pintuang ito kaya di ko mawasak. Ginamit ko ang buo kong lakas at pilit na buksan ang pintuan pero ayaw talaga niya. Huminga muna ako ng malalim. Hinawakan ko ang pintuan gamit ang kaliwa kong kamay dahil sa pagod and suddenly lumiwanag ang kamay ko na parang kinukuha ng pintuan lahat ng aking enerhiya. Hinila ko ang aking kamay at nang mahila ko na ito hindi na ito dumikit sa pintuan. Nagulat ako sa sumunod na nangyari, biglang nagbukas ang pintuan na yari sa bato.

Paano nagyari yun? Pumasok ako sa loob at nakita ko si Tauriel na nakatayo habang nakangiti at tinitingnan ako.

"Magaling! Pano mo nalaman yun?" tanong niya sa akin.

Nalaman? Anong nalaman ko? Anong pinagsasabi niya? Siguro ibig niyang sabihin, pano ako nakarating dito. Huh! Natural meron akong mapa. Darwin the genius. Siguro ako lang ang nakarating dito kahit na may mapa. Yehey!

"Syempre naman ako pa." sabi ko sa kanya.

"Galing mo! Ikaw lang ang nakapasok rito." sabi niya ulit sa akin habang kinukumpas ang kanyang mga kamay.

"Teka! Ilan na ba ang sumubok na pumunta rito, na di nakapunta kahit may mapa?" pagkasabi ko nun, biglang nag-iba ang ekspresyon niya. May mali ba sa sinabi ko?

"Hahahahahahahha." nabulabog ang silid sa lakas ng kanyang pagtawa. May mali nga sa sinabi ko.

"Haha, ano ka ba! Ang ibig kong sabihin kanina kung pano mo nalaman para makapasok sa pintuan na yun, hindi yung mga sinabi mo noh! Hahahahaha." paliwanag niya sa akin.

Hala! Mali ako! Bobo ko talaga. Napahiya tuloy ako sa napakagandang babaeng to dahil lang sa kabubuhan ko! Darwin the Genius, Ex! Shit, yun pala yung tinutukoy niya.

"Ganito kasi yun." pagkakalma ko sa aking sarili, baka kasi magkamali na naman ako. "Nang hinawakan ko ang pintuan gamit ang isa kong kamay, nagliwanag ito at parang kinukuha ang enerhiya ko tapos biglang bumukas." paliwanag ko sa kanya.

"Mabuti nga at nahawakan mo ang pintuan, yun lang kasi ang susi at pati narin ang iyong element." naputol ang kanyang pagtawa dahil bigla siyang nagsalita habang ngumingiti.

"Ibig mong sabihin-" di na niya ako pintapos.

"Tama ka! Tanging ang may Earth Element lang ang pwedeng makapasok rito, bukod kay Ms. Galadiel at kay Thranduil dahil nga malakas sila. Kaya ka nakaramdam na parang kinukuha ang enerhiya mo dahil chenicheck ng mahika sa pintuan kong tunay ngang earth element ang hawak mo. Diba astig?!" paliwanag niya sa akin.

Oo nga astig. Gusto kong malaman kung anong spell ang inilagay niya dun. Tapos gagawin ko yan sa silid ko para walang makapasok, hehe.

"Lets start." sabi niya sa akin, tapos tumalikod sa akin na parang may kukunin.

"First, lets train your defense. Earth Element is known to its defense. It's very powerful." napatingin ako sa mga mata niya ng diretso nang hinarap na niya ako. Naging seryoso na siya at mukhang kailangan ko na ring magseryoso.

"Okay." tipid kong sagot sa kanya na may halong pag-aalinlangan.

She flicks her hand, then created a boulder. Nagulat ako kasi sobrang bilis nito na di ko na halos maaninag ang paggalaw ng kanyang kamay. Gumalaw ng napakabilis ang boulder papalapit sa akin. Nag-stomp ako and I created an earth shield. Tumama ang boulder ni Tauriel sa earth shield ko at sabay nawasak ang mga ito. Dahil sa impact, tumilapon ako sa gilid. Sumakit ang aking likod at di na ako halos makatayo.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon