Chapter 22: Training with Arwen

1K 38 4
                                    

Nagising ako na magkayakap parin kami ni Kiara. Tuluyan na akong tumayo at naghilamos. Gising na sina Rider at Jessa, siguro kanina pa sila gising. May biglang kumatok sa pintuan. Nang binuksan ko ito ay nakita ko ang isang elf.

"Magandang araw JJ. Sabi ni My Lady na pumunta na daw kayo sa respective training area ninyo." sabi niya, sabay abot ng anim na mapa.

"Oh sige. Salamat." sabi ko sa kanya, pagkatapos nun isinara ko na ang pintuan.

Jessa's POV

Naghiwa-hiwalay na kaming anim. Papunta ako ngayon sa training area ni Arwen. Sana lang at di siya strikto. Pero, di naman siguro dahil unang tingin ko palang sa kaniya parang di naman siya ganun.

Sinusunod ko ngayon ang mapa para marating ang training area ni Arwen. Parang paikot-ikot lang naman ako. Nakaramdam ako bigla ng lamig. Dahil sa sobrang lamig nanginginig na ako. Papunta ba talaga to kay Arwen?

Narating ko ang isang pintuan. Parang nandito nanggagaling ang lamig. Hinawakan ko ang pintuan at biglang nagyelo ang kamay ko. Shit. Shit. Agad ko itong binitawan. Pero pano ako makakapasok kung di ko mahawakan ang pintuan. Shit naman, wala pa ngang training ang hirap-hirap na. Tinatamad na ako tuloy na pumasok. Ano naman ang magagawa ko? Ice vs. Ice? Hay naku!

Nag-isip muna ako kung ano ang gagawin ko para mabuksan ang pintuan. Alam ko na. Bakit di ko naisip agad yun? Nagconcentrate na ako para gumawa ng mga ice spikes. Gamit ang pressure na malilikha ng ice spike, agad na mabubuksan ang pintuan pero depende parin yun sa enerhiyang ilalabas mo. Nang makaipon na ako ng enerhiya ay agad akong gumawa ng mga ice spikes. Maraming ice spikes ang nagawa ko kaya agad na bumukas ang pinto pero ang di ko inaakala ay nasa harap ng pintuan na yun si Arwen. Matataman siya ng ice spikes! Anong gagawin ko?

Nakita ito ni Arwen. Papalapit na sa kaniya ang aking mga ice spikes. Nang tatama na ito sa kaniyang dibdib ay iniharang niya ang kanyang mga kamay at agad na-dissolve ang aking ice spikes. Nagulat ako sa kanyang ginawa, di ko inaakalang may isang elf o wizard ang makakagawa ng ganitong bagay. Pano niya nagawa yun? Sino ang nagsanay sa kaniya? Sa ganitong level ng wizardry isang elite leader lang ang kayang makagawa nun, tulad ni Ms.Galadiel. Maaari kayang isang elite leader ang nagsanay sa kanya? Isang Ice Queen? Hindi kaya si Frostania?

"Being amazed of my power, ehh?" nagulat ulit ako ng bigla siyang magsalita.

"Ah, hindi naman, nagulat lang ako sa ginawa mo." sabi ko sa kanya.

Nasa labas parin ako at di nakapasok sa pintuan at hanggang ngayon ay nilalamig.

"Well, magaling ang ideyang ginawa mo para mabuksan ang pintuan." hehe, syempre naman. Pero pano niya nagawa yun?

"Pano mo nagawang-" di na niya ako pinatapos.

"Well bago yun, pumasok ka muna." pagkasabi niya yun, pumasok na nga ako.

Huh!? Nagulat ako sa aking nakita pagkapasok. Kaya pala ang lamig. Puno ng yelo ang silid na ito, kaya pala pagpasok ko mas lumamig lalo. Dito nga nanggagaling ang lamig na aking nararamdaman. Siguro mga 5° ang temperatura ng silid na ito, sa sobrang lamig ay umuusok na ang aking hininga at ginaw na ginaw na ako. Pero pano nangyari ito, para magawa ang ganitong bagay, it needs a vast of power and energy at isa pa parang wala lang sa kanya ang lamig na ito, parang wala siyang nararamdamang lamig.

"Pano nangyari ang lahat ng ito?" tanong ko sa kanya.

"It's easy. By mastering the ice element." confident niyang sabi.

"Mastering? " tanong ko.

"Yes mastering. Di naman kinakailangan na kung elite leader ka ay dun mo lang mama-master ang isang element. Turo sa akin ni Frostania, para maging malakas ay dapat na i-master ang sariling element. Through reading, meditating or concentrating, training, and the most important one is the connection between you and your element." paliwanag niya sa akin.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon