Chapter 31: Giant Killer Octopus

791 32 0
                                    

Narito ako nakatanaw sa karagatan. Binabantayan ang bawat alon ng dagat. Maaga palang ay gising na ako. Iniisip ko kasi ang pwedeng maging kahulugan ng riddle. Ang mga salitang ginamit kasi ay napakalalim. Lalo na ang dalisdis, kung sa salitang Ingles ay cliff. San naman kaya matatagpuan ang lugar na ito?

Sila ay natutulog pa kaya naman nagmeditate muna ako. Napaupo ako sa buhangin at pinikit ang mga mata. Ramdam ko ang pagdaloy ng mga enerhiya sa aking katawan. Alam na alam ko kung saang direksyon sila pumupunta. Dalawang enerhiya ang aking nararamdaman na tila nagkakaisa. Sabay umiikot sa buo kong katawan habang dumadaan sa mga miridians.

Nakakapag-isip na ako ng mabuti dahil na rin siguro sa tagal na pagme-meditate. Nabigla ako nang may nagvisual sa aking utak. Wait. Isang babae. Babae na napakaamo ng mukha. Kulot ang buhok na hanggang likod. Kulay asul ang kanyang mga mata. Maputi siya. May matangos na ilong. Mahaba ang pilik mata. Makapal ang kilay. Nakasuot ng asul na damit, na may perlas na palamuti. Nakasuot ng korona na gawa sa mga kabibe, perlas at halamang dagat.

Sino siya? Ngayon ko lang siya nakita. Teka. Unti-unting nag-iba ang anyo ng babae. Kumulubot ang mga balat. Itim at puti ang makikita sa kaniyang mga buhok. Siya ay biglaang tumanda, parang kaedad lang siya ng lolo. Sino siya?

"Amuyin mo ang hangin. Hangin na nagmumula sa karagatan." nabigla ako nang siya ay nagsalita.

"Pakiramdaman mo ang alon ng dagat. Pakinggan mo ang tunog nito." dagdag niya pa. Ang mga sinasabi niya ay masyadong malalim ang kahulugan.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya.

"Ako ang karagatan, lahat ng anyo ng tubig ay ako." sabi niya. Lalo akong naguluhan sa kanyang sinabi.

"Pakiramdaman mo ang mga hayop sa karagatan. Gamitin mo sila para mahanap ang iyong pupuntahan." tila marami siyang nalalaman. Sino ang misteryosong babaeng ito?

Unti-unti siyang nawala sa aking isipan. Parang panaginip lang ang nangyari. Ginawa ko lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam pero, parang gusto ng katawan ko. Hindi kaya may gustong ipahiwatig ang matandang babae sa akin.

Nang matapos kong gawin ang lahat ng sinabi niya, ay biglang may nag-iba sa aking enerhiya. Nakaramdam muli ako ng kakaibang enerhiya. Mabilis itong dumadaloy sa aking katawan. Minulat ko ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya at naramdaman ko na nagliliwanag ang aking mga mata. Hindi ko na alam ang sumunod  na nangyari.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Few Minutes Later

"JJ gising." nakaramdam ako ng pagyugyog sa aking katawan.

"JJ, gising na!" narinig ko ang boses ni Rider.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nakita ko ang mukha ni Rider at Kiara. Anong nangyari? Bakit nakahiga ako?

"Anong nangyari sa akin?" tanong ko sa kanila.

"Nakita ka na lang naming walang malay." paliwanag ni Kiara.

"Ano ba ang nangyari sa'yo?" tanong ni Rider sa akin.

"Hindi ko alam. Nagme-meditate lang ako nun at bigla akong nakakita ng matandang babae. Nakaramdam din ako ng kakaibang enerhiya at hindi ko na makontrol ang aking kapangyarihan. Pagkatapos di ko na alam ang mga nangyari." paliwanag ko sa kanila.

"Matatandang babae?" tanong ni Kiara.

"Oo." sagot ko sa kanya.

"Nakikilala mo ba siya?" tanong naman ni Rider.

"Ah hindi. Ngayon ko lang siya nakita." paliwanag ko naman sa kanya.

"Teka!Asan sina Darwin?" tanong ko sa kanila.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon