Chapter 49: The Triumph

798 36 0
                                    

*BOOM*

Malakas na pagsabog ang aming narinig dahil sa pag tama ng dancing fire kay Belthazor. Umusok ng umusok.

Biglang nawala ang usok dahil sa pag-ihip ng hangin.

Hindi na ngayon makagalaw si Belthazor dahil sa elemental grasp pero panandalian lamang ito. Kaya kailangan na naming tapusin ang labang ito.

Madalian kong inutusan ang white crystal dragon na siya na ang bahala sa shadow eagle. Habang inutusan ko naman ang ibang espiritu ng mga elemento na atakehin si Belthazor habang hindi pa siya makawala.

Sinunod naman nila bigla ang aking utos. Gusto sanang tulungan ng shadow eagle si Belthazor pero di niya magawa dahil sa lakas ng white crystal dragon.

Mabilis ding inatake ng walong natitirang espiritu si Belthazor kaya mas binuhos ko lahat ng aking enerhiya para humaba pa ang oras ni Belthazor sa aking elemental grasp.

Napatigil ang walong espiritu at humanda para sa pag-take ng kanilang iba't ibang kapangyarihan.

Nagliyab ang mga apoy na balahibo ng flaming phoenix at mas lalo pang uminit. Humanda ang flaming phoenix sa pagbuga ng flamingthrower.

Yumanig ang kalupaan dahil sa paghahanda ng iron bison. Ramdam ko ang pag-angat ng malalaking bato.

Bigla namang lumamig sa paligid. Naghahanda na ang snowy owl sa paggamit ng death frost. Naglalaban ang init at lamig sa paligid.

Nakaramdam naman ako ng panganib at saka ko napansin na humahanda ang smug scorpion sa paglabas ng nakakalasong likido.

Nagdagundong naman ang kalangitan dahil sa ginawa ng thunder bird. Tumama ang malakas na kidlat sa thunder bird at mas lalo siyang pinalakas dahil sa nangyari.

Bigla namang tinusok ng tree snake ang kanyang buntot sa lupa at nagkaroon ng kaunting pagyanig. Ano kaya ang binabalak niya?

Nagbadya naman ang malakas na hangin dahil sa hurricane dragon. Nagpaikot-ikot ito hanggang lumakas ang hangin sa buong paligid.

Nagragasa naman ang tubig ng biglang ginamit ng blue whale ang kanyang kapangyarihan. May namumuong tubig sa kanyang paligid at humanda na rin ito sa pag-atake.

Mabilis nilang pinakawalan ang kanilang kapangyarihan. Mabilis na naglakbay ang flamethrower ng flaming phoenix, kasabay nito ang pagguhit ng malakas na kidlat ng thunder bird. Napakawalan na rin ang nakakalasong likido at ang sunod-sunod na pagtama ng malalaking bato kay Belthazor dahil sa smug scorpion at iron bison. Sumalubong naman sa kanya ang kanyang kamatayan ng kumawala ang  death frost sa snowy owl. Napatigil naman kaming lahat nang makitang duguan si Belthazor dahil sa sunod-sunod na pagtusok ng mga ugat sa kanyang katawan na mukhang kagagawan ng tree snake. Hinigop naman siya ng hangin sa iisang lugar ng atakehin siya ng hurricane dragon at nilulunod naman siya ng tubig na nanggaling sa blue whale.

"Nooooooo! Whaaaaaaa!!" sigaw ni Belthazor.

Bigla akong nagkaroon ng awa sa taong ito. Hindi naman kasi ako katulad niya. Mamatay tao. Pero sobra na ang kanyang mga ginawa para kaawaan siya. Kapag binuhay pa siya, marami pa ang mamatay at patuloy ang paglaganap ng kadiliman sa mundo.

Hindi ko din naman magagawa ang lahat ng ito kung di dahil sa tulong ng Haring Araw at Reyna ng Buwan. Hindi ko magawang utusan lahat ng mga espiritu ng mga elemento kung di dahil sa kanila. Hindi ako magiging malakas kung hindi dahil sa kanila. Kung di dahil sa kanilang tulong.

Flashback

"Kung gayon. Ibibigay ko sayo ang kalahati ng aming kapangyarihan." nabigla ako sa sinabi ng lalaki ng matapos niyang malamang hindi ko kayang utusan ang mga espiritu ng mga elemento.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon