Chapter 14: Announcement

1.5K 60 0
                                    

JJ'S POV

"Lolooooo!"

Bigla akong nagising. Hooo. Buti nalang at panaginip lang. Sana'y walang ipinahihiwatig itong panaginip ko.

"Oh tol anong nangyare?"

Lumingon ako sa aking kaliwa at nakita ko si Darwin. Gising na pala siya, himala ah. Pero nasan si Rider?

"Ah wala. Nasan nga pala si Rider?"

"Andun na sa training field, sabi niya mauna na lang siya tapos hintayin kitang magising." paliwanag niya.

"Ah ganun ba? Sige maligo muna ako."

Tumayo na ako at pumunta sa banyo, nagsipilyo muna bago maligo. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako at paglabas ko sa banyo...

"Calling all students please proceed to the main hall" *speaker

"Bakit ba tayo tinatawag?" tanong ni Darwin.

"Aba malay ko."

Nagdali-dali kaming lumabas ng aming dorm upang pumunta sa main hall. Habang pababa sa stairs ay nakasabay namin sina Kiara, Jessa, at Darcy.

"Oh! JJ long time no see." sabi ni Kiara.

"Hello Kiara at tigil-tigilan mo si JJ ha." sabi naman ni Darwin. "Hi Darcy, ganda mo ngayon ah." dagdag ni Darwin sabay kindat. Dami talagang nalalaman tong si Darwin.

"At bakit may ginagawa ba akong masama? Ha!" sumbat naman ni Kiara.

"Hello Darwin. Haha di naman." sagot ni Darcy ng mahinhin.

Ayon habang naglalakad kami papuntang main hall nagbabangayan sina Kiara at Darwin. Para silang aso't pusa. Habang kami namang tatlo ay nagsisitawanan. Hanggang malapit na kami sa main hall hindi parin sila tumitigil. Sila lang ata ang pinakamaingay at isa pa ako na ang nahihiya sa kanila dahil pinagtitinginan na sila ng ibang mga estudyante.

Pumasok na kami sa main hall at ang daming tao. Ang ingay ingay nila isama mo pa tong dalawa. Nakita namin agad si Rider doon at sumama na siya sa amin. Tinanong ko kung anong gagawin namin dito pero di rin niya daw alam. Bigla kung nilibot ang aking mga tingin dahil biglang tumahimik ang lahat.

Teka. Kaya naman pala. Nasa harap na si Ms. Alesya. Tinititigan niya ang mga estudyanteng maiingay. Kaya naman pala sila tumahimik, para kang matutunaw sa mga titig niya at nakakatakot ang mga nanlilisik niyang mga mata.

Bigla siyang ngumiti at nang mapatingin siya sa akin bakas sa kanyang mga mata ang awa. Ano kaya ang nangyayare? Ano kaya ang sasabihin niya?

"Good morning all students. Wizards and Sorceress.  And to our Mid-Masters." bati niya sa aming lahat.

"I have an announcement."

Nabulabog ng ingay ang main hall. Announcement lang naman, anong pinag-aalala nila.

"Shhhh. Tahimik! (Tumahik na ang mga estudyante sa pagsigaw ni Ms. Alesya) Very good. My announcement is... On monday may competition na magaganap. This competition will be called 'Hunt the Book'. Lahat ay sasali sa competition na ito."

May nakita akong isang estudyante na nagtaas ng kamay at tinuro ito ni Ms. Alesya.

"Ano pong gagawin namin?" tanong ng estudyante.

"Good. Kayo ay magpapabilisan sa pagkuha ng libro sa bundok ng Calixto." Sagot ni Ms. Alesya.

Nagtatanungan at nacurious ang iba pati na rin ako. Ang ingay ingay nila at bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka kung bakit ito isasagawa.

"Alam naman nating delikado ang bundok Calixto, kaya kayo ay bumuo ng isang pangkat na may anim na miyembro. Sa bundok Calixto, doon sa pinakatuktok nyo matatagpuan ang libro na kung tawagin ay 'Codex Maru'. Sa bawat lugar sa bundok na iyon ay may mga challenge ang unang challenge ay stamina, susundan ng speed, strength, power, defense, endurance and intelligence. Kapag kayo ang nakakuha ng libro ay maaari kayong bumalik rito gamit ang teleportation panel doon. Kung sino naman ang gustong sumuko ay maaaring bumalik din dito sa pamamagitan ng teleportation panel. Lahat ng level ay may teleportation panel. Kung sino ang pangkat na makakakuha ng libro ay makakasali sa 'The Nine' o 'Call of Nine'. May isang araw lamang kayong paghahanda. Naiintindihan nyo ba? Walang sumasagot? Maharil naiintindihan nyo na. Maraming salamat."

Umalis na si Ms. Alesya. Pero ano raw? Call of Nine? Alam niya rin ito? Hindi kaya siya yun? Para malaman ko kung ano ito kailangan kong makapasok sa call of nine, kaya dapat manalo kami.

Naisip ko lang na anim na kaming lahat sa JWA kaya sakto. Si Rider, si Darwin, si Darcy, si Jessa, si Kiara at ako.

Nagsialisan na ang ibang estudyante para maghanda. Kaming anim naman raw ay may meeting ngayon. Naisip din nilang dun nalang sa library. Para bukas, magsasanay nalang kami. Pero pano ako, hindi ko pa kayang kontrolin ang aking kapangyarihan.

Habang kami'y papunta na sa Library pinoproblema ko naman ang aking kapangyarihan. Habang sila ay nag-uusap sa nangyare kanina.

Kami ay nakarating na sa Library at nagbigay ng instruction si Rider na kunin ang mga libro na kinakailangan, basahin raw at intindihin ng mabuti. Nang matapos na ang pagkuha ng mga libro ay nagmeeting kami kung ano ang gagawin bukas. Ako naman ay nagsuggest na dapat pag-aralan ngayon ang mga spells at moves na applicable sa aming elements. Sinunod naman nila.

Habang ako ay nagbabasa ng librong may pamagat na 'Lightning spells and incantation'
nahagip ng aking mata na may tumitingin sa akin. Pagtingin ko kung sino ito, si Kiara pala. Hindi ko inaasahan na kami ay magtitinginang dalawa. Agad siyang sumuko sa pamamagitan ng pagyuko. WHATTT THE, is she blushing? Bumilis ang tibok ng aking puso, ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam na ito. Hindi kaya. Kung ano ano na ang naiisip ko.

Inalis ko na sa isipan ko ang mga nangyare at nagconcentrate sa binabasa ko. May nabasa ako na upang mas makontrol ang lightning element kailangang magmeditate at hanapin ang peace. Ha? Ano raw? Teka may sa likod pa pala. Hanapin raw ang inner peace na nagmumula sa sarili.

Marami pa akong binasa at marami din naman akong natutunan. Nilibot ko ang library at marami din naman akong nakitang ibang estudyante na naghahanda rin. May mga sariling mundo naman ang aking mga kasamahan.

Nung mga 10:00 p.m. na, kami nalang ang natitirang estudyante dito sa library at napagplanuhan namin na umuwi na dahil maaga pa kaming magsasanay bukas. Nasa dorm na kami at sa sobrang pagod natulog na sina Darwin at Rider. Habang ako ay nagmeditate muna, ayon nga kasi sa libro para makontrol ang lightning element hanapin ang inner peace sa sarili.

Mga ilang oras narin siguro akong ganito, nakaupo, nakapikit at nagcoconcentrate upang malaman ang inner peace. Habang ako ay nakaganito nakaramdam ako ng mga enerhiya na dumadaloy sa aking katawan. Pakiramdam ko hindi  lang isa kundi marami pa. Hanggang nasobrahan at parang nahihilo na ako. Lumabas ang mga enerhiya sa aking katawan at unti-unti na akong nawawalan ng malay.

Vote
Comment
Share

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon