Chapter 25: Training with Thranduil

759 32 1
                                    

Darcy's POV

Naglalakad ako ngayon sa main hall ng Shire. Nakapasok na ako sa pintuan na maraming vines. Akala ko yun na ang training area ni Thranduil, pero di pa pala. Nang makapasok ako sa pintuan may panibagong daan na napakaganda. Yari ito sa mga halaman at bulaklak at maging ang mga vines. Astig ang pagkagawa ng mga ito dahil naka-organized. Nasa gilid ang mga sunflowes at ibang mga halaman gaya ng rosas at daisy na may iba't ibang kulay papunta sa pinakadulo. Nasa taas nito ang mga vines na parang kurtina na sa bawat dulo nito ay may mga maliliit na bulaklak, ang mga kulay nito ay orange, yellow and red. May maliliit din na mga pond na may iba't ibang water lilies. Napakamakulay ng daanang ito. Si Thranduil kaya ang may gawa nito?

Basi sa mga pananaliksik na aking ginawa. Si Thranduil ay isinilang sa 2nd Generation ng mga elf. Siya ang kaunaunahang elf na sinanay ng isang elite leader. Ang elite leader na sumanay sa kanya ay walang iba kundi si Leavanny, Queen of Nature. Sabi rin ng ibang elf na nakausap ko rito, mabilis na natuto si Thranduil at gusto niya raw na maging kasapi ng call of nine noon, ngunit di siya napili dahil sa paglusob ng mga orcs. Noon kasi para maging isang kasapi ng call of nine, ang pipili ay ang mga dating call of nine, kung sino ang gusto nilang pumalit sa kanilang posisyon. Pagkatapos kasi ng labanan ay nawala ang ibang elite leaders at ang iba ay nagpasiya na umalis, isa doon si Leavanny nagpasiya siyang umalis na walang piniling papalit sa posisyon niya kaya nagalit si Thranduil dahil di niya naabot ang kanyang pangarap, yan ang dahilan kung bakit strikto raw siya ngayon. Para sa akin, napakababaw na dahilan yun para palitan mo ang ugali na meron ka noon, dahil lang sa hindi mo naabot ang pinapangarap mo. Kung buhay lang siguro ako noon, sasabihin ko kay Thranduil na hindi lang siya ang nangangarap na maging isang kasapi ng call of nine. Madami naman talaga ang nangangarap, ang iba nga namatay na, na di naabot ang kanilang pangarap.

Napag-alaman ko rin, na dahil sa kanila, sa mga Guardians of Seasons. Nag-iba ang pamantayan o mga regulations para maging isang kasapi ng call of nine. Ang bagong pamantayan ay, ang Queen of Light ang siyang pipili sa susunod na maging kasapi ng call of nine. Kami nga ang unang anim na taong pinili niya at kulang nalang ng tatlo. I wonder kung sino ang tatlong iyon.

Malapit na ako sa pinakadulo ng daanang ito dahil natatanaw ko na ang pintuan. Pintuang yari sa mga ugat at dahon. Kung titingnan natin ang mga halaman na naririto at ang pintuang iyon, hindi isang ordinaryong elf lang ang gumawa nito. Nakakasiguro talaga ako na si Thranduil ang gumawa nito, pero may parte ng katawan ko na di kumbinsido na siya nga dahil kung titingnan natin ang katawan at ugaling ipinapakita niya hindi niya gagawin itong mga bagay na ito.

Andito na nga ako sa pintuan. Hinawakan ko ito at nagulat ako nang sumakit at dumudugo na ang kanang kamay ko. Hindi ko napansin iyon, saan ko ito nakuha? Teka!? Sa pintuan ko to nakuha! Galing niya! Ba't ngayon ko lang narealize na doon ko ito nakuha? Gamit ang kanang kamay kanina, balak kong buksan ang pintuan pero di ko ito nagawa dahil nakaramdam ako ng sakit. Naglabas ng mga matutulis na tinik ang pintuan, kaya naman pala dumugo ito. Ang mga tinik na yun ay may spell na kayang limutin ang mga nangyari kaya bigla ko iyong nalimutan, pero dahil ako ay nature element user nagawa kong i-reverse ang spell na ginamit sa pintuan. Hindi naman malalim ang sugat sa kanang kamay ko pero maraming dugo ang lumalabas, ginamitan ko ito ng healing spell para agad na maghilom ang sugat. Hindi ko alam kung pano ko bubuksan ang pintuang ito. Saka ko naalala ang nabasa kung bagong spell, spell na kayang kontrolin ang mga halaman. Dahil yari sa ugat ang pintuan kayang kaya ko itong kontrolin. Gumawa ako ng butas sa pintuan na kasing laki ko lang. Pumasok ako doon at hindi na ako makapagsalita at hindi na ako makagalaw dahil sa nakita.

Napamangha ako dahil walang kasing ganda ang silid na ito. Ito rin ang pinapangarap kung bahay, ibig kong sabihin may ganito. Silid na puno ng mga halaman. May iba't ibang uri at kulay. Makikita ang kulay na pula, lila, dilaw, berde, kahel at asul sa silid na ito. Maa-appreciate mo talaga ang mga kulay ng halaman dahil naka-organized sila. Nakita ko si Thranduil na nakatayo at parang may ginagawa. Lumapit ako sa kanya at nakita kong pinapatubo niya ang isang halaman. Mabilis na sumibol ang halaman hanggang sa mamulaklak ang halaman. Ngayon ko lang nakita ang halaman na ito. Para siyang sunflower pero iba ang kulay niya, orange sa gitna at nasa gilid naman yung kulay dilaw.

"You already know how to heal yourself? Impressive!" nagulat ako ng bigla siyang magsalita habang nakatalikod parin sa akin. Medyo paos na malaki ang kanyang boses.

Lumayo siya sa akin na parang may kukunin. Mga ilang minuto rin ang tinagal niya. Bumalik siya na may hawak ng libro. Hindi rin ito masyadong makapal. Luma na ito, na mababakas sa mukha ng libro na marami na ang gumamit rito.

"Read this." pagkasalita niya ay nanindig ang balahibo ko. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa gulat. Pa bigla bigla naman kasi siyang magsalita. Parang di naman siya strikto. Parang yan lang talaga yung ekspresyon ng mukha niya at yung boses niya.

Sinimulan ko na ang pagbabasa ng libro na ibinigay niya, habang siya ay ipinagpatuloy ang ginagawa kanina. Walang title ang librong ito. Pagbukas ko ng libro, hindi naman sira-sira at walang punit ang mga pages di gaya ng inaakala ko kanina.

Binasa ko ang first page, ang unang spell na nakapaloob rito ay Healing Spell. Basi sa descriptions and procedures ng spell na ito, hindi ito pangkaraniwang healing spell lang. Ang healing spell na ginamit ko kanina ay para sa sarili ko lang, pero ang healing spell ngayon ay para sa mga allies. Using the energy of the nature on the Universe, ibig sabihin gamit ang mga enerhiya ng lahat ng may buhay dito sa mundong ito. It can heal millions of allies using this spell. Pero? I will die.Huh? Gamit ang spell na ito mapapagaling mo ang napakamaraming tao, pero dahil sa daming enerhiyang mawawala sa user, maaapektuhan ang kanyang mga miridians at di na makakagamit ng kapangyarihan habang buhay o di kaya mamamatay siya.

Sabihin nga nating maraming matutulungan ang spell na ito pero sa kabila ng lahat ayaw ko pang mamamatay noh. Nilipat ko na sa next page at ang pangalawang spell ay, nature golem? Gaya nung kay Kiara at Rider. Gusto ko ito! Binasa ko ang spell na ito hanggang sa matapos. Marami akong natutunan, siguro magagamit ko ito balang araw.

Natapos ko na ang pagbabasa sa libro, siguro isang oras lang ang tinagal ko. Marami akong natutunan, mga spells na makakatulong sa akin balang araw. Gaya ng leaf blade, blowing energy, poison spell, sleeping spell, paralyzing spell, and spells that are super deadly like how to control roots, trees and all nature.

"Finished?!" nagulat na naman ako sa pagsalita ni Thranduil.

"Let me train you." sabi niya sa akin ng nakakakilabot. Tama nga sila, nakakatakot nga siya.

Akala ko maglalaban kaming dalawa pero di niya yun ginawa. Tinuruan niya lang ako kung paano gamitin ang mga spells na nabasa ko kanina. Well di naman siya gaano ka strikto pero minsan lumalabas ang kanyang pagiging creepy.

Infairness magaling siyang magturo. Madali ko kasing nakuha ang mga tinuturo niya sa akin at sa tuwing ako na ang gagawa ng spell, ay napapatango nalang siya dahil sa nagagawa ko ito ng tama. Galing niya kasing magturo, naiintindihan ko at nakukuha ko agad kung ano ang ibig niyang ipahiwatig.

Nung matapos na kaming magsanay ay pinagpahinga niya ako at ikinuwento niya sa akin ang buhay niya. Sabi niya sa akin, sa buong buhay niya raw hindi siya naging masaya kaya ganyan ang ekspresyon niya. Lahat daw ng mga sinabi ng mga elf na strikto siya ay hindi totoo yun. Pero totoo naman raw na nagalit siya kay Leavanny noon, pero di na ngayon. Well, di na niya pinatapos at nagsimula na naman kaming magsanay.

Tinuro niya sa akin ang mga spell na di kayang gawin ng mga katulad namin o yung bata pa. Bakit niya ituturo kung alam niyang di yun pwede sa amin? Tinanong ko yan sa kanya tapos sabi niya, yan ang turo ni Leavanny para raw maging pamilyar na iyon sa isang user at para  mapag-aralan ng mabuti ang mga spell na di kaya naming gawin.

Dahil sa sinabi ni Thranduil lagi ko iyong ginagawa at isang araw natutunan ko kung paano gawin ang spell na di namin kayang gawin. Tulad ng kung paano gumawa ng isang hayop na gawa sa mga halaman na may buhay. Sa tuwing tinuturuan ako ni Thranduil, hindi na ako natatakot. Mas naeexcite pa nga ako eh.

Vote
Comment
Share

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon