Chapter 23: Training with Legolas

907 40 0
                                    

Rider's POV

It's a bit cool kung aalalahanin ko ang mga nangyari kagabi. Di ko aakalain na maging si Jessa ay mahal din ako.

Anyway, papunta na ako sa training area ni Legolas. Sinusundan ko lang naman ang mapang binigay ni JJ kanina, na binigay raw sa kanya ng isang elf. Its a bit confusing lang dahil halos mga isang oras na akong naglalakad pero di ko parin nararating ang training area ni Legolas.

Excited na ako na masanay ni Legolas, ang kaisaisang elf na sinanay ni Master Insidio. Gusto ko nang malaman ang mga unique technique na tinuro niya kay Legolas. Gamit ang mga  makakapangyarihang spells and technique na galing kay Master Insidio kayang kaya ko nang maprotektahan si Jessa laban sa mga kaaway at tapusin ang sinimulang laban ni Alazar.

Kung ano ano na ang aking naiisip na mga technique na maaaring maituro sa akin ni Legolas. Simula nung pumunta kami ni Ms. Alesya, I mean ni mama rito noon, una kong nakilala si Legolas dahil sa kanyang kagalingan sa paggamit ng elemento ng apoy. Dahil sa kanya, pinagbuti ko ang pag-aaral sa Wizard Academy para balang araw makaharap siya at makalaban, pero dumating na ang araw na yun.

Mukhang nakarating na ako. Nakita ko ang isang pintuan sa aking harapan. Ang mga ukit o mga carvings sa pintuan ay related sa fire kaya matutukoy mo agad kung training area nga ba ito ni Legolas. Unti-unti kong binuksan ang pintuan at sumilip kong may tao. Wala akong makita kaya pumasok ako.

Nabigla ako dahil isang malakas na enerhiya ang aking naramdaman, nanindig pati ang balahibo ko. Umiinit lalo dito sa loob ng silid. Parang nako-consume ang lahat ng oxygen. Tumingin ako sa aking kanan at nagulat ako sa nakita ko.

Isang tao na gumagamit ng technique na mas pinapalakas ang intensity ng apoy. Kaya naman pala biglaang uminit ang silid. Mula rito kitang kita ko kung sino ang tao na to, si Legolas. Nakapikit siya ngayon, siguro para mas maka concentrate siya. Ang technique na ito ay orihinal na ginawa ni Master Insidio noon at pinasa kay Legolas. Ang technique na ito ay mabilis mag-consume ng energy sa iyong katawan kaya dapat bago ito gamitin maraming enerhiya na nakaipon sa iyong katawan, kung walang enerhiya o konti lang maaaring maapektuhan ang mga miridians sa katawan at kapag nangyari yun baka di ka na makagamit ng kapangyarihan o di mo na magamit ang iyong sariling element. Buti nga at may nababasa ako sa mga original technique ni Master Insidio. Saan na kaya siya ngayon?

Mukhang malapit nang matapos si Legolas dahil unti-unti nang naghihina ang kanyang enerhiya at parang lumalakas na ang intensity ng kanyang apoy. Naghintay lang ako saglit. Ramdam ko parin ngayon ang init, pero di yung mapapaso ako dahil sinanay ako ni mama,  sa tulong din naman ni papa. Bago kasi mamamatay si papa tinuro niya kay mama para maituro ni mama sa akin. Si papa ay may fire element at kay mama ay water element. Di ko alam kong pano nagawang ituro ni mama yun sa akin. Walang tawag sa technique na ito pero mainam ito kung kalaban mo ay yung kapareho mong may hawak ng fire element.

Natapos na rin sa wakas. Minulat na ni Legolas ang kanyang mga mata at nagulat nang makita ako. Hindi niya ba napansin ang pressence ko? Lumakad siya papunta rito.

"Oh? Rider andito kana pala?" sabi niya sa akin habang naglalakad papunta sa akin.

"Ahh, yeah kanina pa ako dito." sagot ko naman sa kanya.

Nilibot ko ang aking tingin sa silid na ito at puno ng mga swords at maging ng mga pana. Nakakabit ito sa dingdig. Sa kanya ba lahat to? Nakita ko rin ang mga libro na kay rami. Akala ko ba training area to?

"All of them are my weapons. My collections." sabi niya sa akin kaya agad akong napatingin sa kaniya.

"Parang ngayon ko lang nakita itong mga swords." sabi ko sa kanya. Kung titingnan ko kasi lahat ng mga swords, ay parang iba-iba ang mga gumawa. That one, I think elf ang gumawa nun. Base kasi sa mga ukit na nasa hawakan parang elvish letters.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon