Chapter 44: Eternal Light

669 26 0
                                    

Mabibilang na lang ngayon ang mga natitirang orcs. Habang kami naman ay marami pa at halos inuubos nalang ang mga natitirang orcs.

Marami rin sa amin ang nasugatan at namatay na. Mga nanghihina na patuloy lang sa paglaban.

Ngayon, si  Belthazor nalang ang kailangan naming talunin. Hindi lang basta talunin, kailangan na siyang mawala sa mundong ito. Sa dami ng pinatay niya at pinahirapan dapat dahan dahanin ang pagpatay sa kanya para malasap niya ang naranasan ng mga pinaslang at pinahirapan niya.

"Guardians of Seasons, kayo na ang bahala kay JJ." utos ni lolo sa kanila.

Wala na silang kakalabanin dahil halos naubos na nila ang mga orcs at tanging si Belthazor nalang ang kanilang kakalabanin.  

Lumapit sa direksyon ko ang mga guardians of seasons at sinubukan nilang lusawin ang force na bumabalot sa akin at ang dahilan kung bakit hindi ako makagalaw.

"Ilang ulit ko bang sabihin na layuan niyo siya." napatingin ako sa direksyon ni Belthazor at nakakita ako ng papalapit na kapangyarihan.

Tumama ang kapangyarihan ni Belthazor sa miyembro ng guardians of seasons at tumilapon sila. Sila ay nagkalat sa malayo at unti-unti silang tumayo kahit nanghihina dahil sa atake ni Belthazor.

Gumawa naman ako ng paraan para mawala ang force na bumabalot sa akin pero hindi ko magawa. Hindi ko magalaw ang aking mga kamay para makagawa ng spell.

Nakita ko sa malayo na ginagamit ni Thranduil ang kanyang kapangyarihan at halos sabay sila ni Legolas. Sabay ring papalapit ang kanilang kapangyarihan patungo kay Belthazor at parang naghalo ito.

Narating nito si Belthazor pero hindi ito umubra. Nilusaw lamang ni Belthazor ang kanilang kapangyarihan. Napatingin naman siya ng masama at siya na naman ang umatake.

Mabilis na naglakbay ang pinakawalan niyang kapangyarihan at napasuka ng dugo sina Thranduil at Legolas. Sa sobrang bilis ay halos di ko na namalayan na tinamaan na pala silang dalawa.

Lumapit naman si Tauriel at Arwen sa dalawa. Halos manginig sa galit si Tauriel. Hinambalos niya ang lupa at napaalon ang lupa at mabilis na naglakbay patungo kay Belthazor na halatang nagulat sa nangyari.

Hindi ito nagpatinag at pinabalik niya ang pag-alon ng lupa sa direksyon nina Tauriel. Nagulat sila at napangiti lamang si Belthazor sa nangyari. Mas lalo pang lumakas ang pag-alon ng lupa matapos tadyakan muli ni Belthazor.

Tumilapon muli sina Tauriel at halos punuin na sila ng galos sa buo nilang katawan matapos tumama ang napakalakas na pag-alon ng lupa.

"Elite Wizards!" tawag ni lolo sa mga elite wizards at dali-dali naman nilang nilusob si Belthazor.

Mabilis silang tumakbo patungo sa kanya at mabilis na nagcast ng iba't ibang spells. Tinadtad nila si Belthazor hanggang sa hindi na siya makita. Tanging usok nalang ang makikita dahil sa daming kapangyarihan ang tumama sa kanya.

Napatingin nalang ng masama si Belthazor at siya naman ang nagcast ng spell. Pinikit lang niya ang kanyang mga mata at halos umiipon ng enerhiya.

"Bleaching shadow!!!" sumigaw ng malakas si Belthazor at minulat ang mga mata.

Pinakawalan na niya ang kanyang kapangyarihan at sunod-sunod na tinamaan ang mga lumusob na elite wizards. May ibang nasugatan lamang at may iba ring namatay dahil sa vital points natamaan.

"Ahhhhh!" napasigaw si Chief Ellie at nilusob si Belthazor habang dala-dala ang isang hammer.

Napatalbog nalang ito dahil sa lakas ng force na tumama sa kanya at halos napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa sakit. Pagkatapos niyang hawakan ang dibdib niya ay napasuka ng dugo si Chief Ellie.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon