Chapter 26: Training with Galadiel

865 38 1
                                    

Author's Note:

This chapter it dedicated to all my supporters. Thank you for your patience and please keep reading and voting. Thank you very much!

Kiara's POV

I can't believe what happened last night. Did he really mean it? Mahal niya ba talaga ako? Well, hinalikan niya ang noo ko kagabi and that is the sweetest thing in the world. Di ko alam pero parang nahulog na rin ako sa kanya at parang ayaw ko nang mawala siya. Kinabahan nga ako noong kinalaban niya ang legendary bird mag-isa. Napasigaw pa ako noon dahil akala ko wala na siya dahil sa malakas na enerhiya ang pinakawalan ng legendary bird. Buti nga at nagawa niyang gamitin ang panibago niyang kapangyarihan. Wind Element. Ngayon lang ako nakatagpo ng ganitong wizard, yung may dalawang kapangyarihan.

Anyway, magkasama kami ni JJ ngayon papunta sa training area ni Ms. Galadiel. Kanina pa kami tahimik at nahihiya naman akong pansinin siya. Habang siya tumitingin sa mapa simula pa kanina. Nakikita ko rin siya minsan na nagpapasulyap-sulyap ng tingin sa akin. Di ko alam pero sa tuwing gingawa niya yun, bumibilis ang tibok ng puso ko.

Kanina pa kami naglalakad rito. Naakyat na namin ang hagdan na napakataas at napunta kami sa isang silid na puno naman ng mga pintuan. Naiinis na ako dahil pagod na pagod na ako. Tumingin ako kay JJ at parang naiinis na rin siya ngayon dahil sa di alam kung saan na kami pupunta.

Pumikit siya nang napakatagal and I know na ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan. Mga ilang minuto na rin at minulat na niya ang kanyang mga mata. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang magsalita siya.

"Come." turo niya sa pintuan na nasa harapan namin.

Nauna siyang maglakad at sumunod naman ako sa kanya pagkatapos. Binuksan niya ang pintuan at pumasok na kaming dalawa doon. Umakyat na naman kami sa isang hagdanan. Hagdanan na paikot ikot hanggang makarating sa itaas ng palasyo. Tama pa ba itong dinadaan namin?

May pintuan ulit kaming nakita. Binuksan niya ulit yun at nagulat ako sa aking nakita sa loob. Paano niya nalaman na iyon ang tamang daanan? Anong spell ang ginamit niya? Napapamangha talaga niya ako kapag ginagawa niya ang mga bagay na kakaiba.

Ang silid na ito, ito na ba ang training area ni Ms. Galadiel? Hindi ko maipaliwanag kung gaano kaganda ng silid na ito. Puti ang kulay ng silid na pagnailawan ay kumikinang. Mayroong chandeliers sa kisame at meron din namang bookshelf. What? Astig! Merong mga potions. Iba-iba ang mga kulay ng potions.

Napatingin ako kay JJ at napatawa ako dahil mababakas sa mukha niya ang pagkamangha. Ang ganda naman talaga ng silid na ito. Isa pa napakalawak at may makikita kang dalawang pintuan sa kaliwa at kanan. Parang ayaw ko nang magsanay rito dahil ayaw kung magasgasan ang mga pader ng silid na ito.

Nakita ko si Ms. Galadiel na papunta sa amin ngayon. Dahan-dahan siyang naglalakad. Ramdam ko ang malakas niyang presensiya. Pagtinitingnan ko siya kumikinang ang suot niya at nakakasilaw ang liwanag niya.

"Welcome to my chamber." unang bati niya sa amin. Napatingin siya sa akin at nanindig ang balahibo ko sa lakas ng presensiya niya.

"Magandang umaga, My Lady." halos sabay naming bati ni JJ, sabay bow.

"Halika kayo. Ipapakita ko sa inyo kung saan kayo magsasanay." nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin hindi kami magsasanay rito!? Ngunit saan?

Sumama kami kay Ms. Galadiel. Malapit kami ngayon sa dalawang pintuan pero malayo ang distansya ng mga pintuan sa isa't isa. Tinuro ni Ms. Galadiel ang mga pintuan.

"Kiara dun ka magsasanay." turo ni Ms. Galadiel sa kaliwang pintuan. Nakita ko na nagulat si JJ sa sinabi ni Ms. Galadiel. Magkahiwalay kaming magsasanay ni JJ, akala ko pa naman sabay kaming magsasanay.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon