Chapter 6: Cool dormmates

2.6K 107 0
                                    


Nandito ako ngayon sa second floor, kung saan daw matatagpuan ang dorm ko. Hinanap ko ito at sa wakas nakita ko ang 'Dorm of Junior Wizard A', nakita ko ang dalawang pintuan na magkatabi. Nakalagay sa 'Girls', nakalagay naman sa isa ay 'Boys'. Syempre papasok ako sa boys, alangan namang papasok ako sa girls, hahaha kung ano pa ang makita ko dun, haha.

Nang binuksan ko ang pintuan, agad kong nakita ang dalawang lalaki na naglalaro ng video games.

"Ito na, hahahhaha, go max power." sabi nung isa na parang titira ng combo power.

"Hahahah, nagkakamali ka, saluhin mo ang defense and attack combo power." sabi naman ng isa na parang nanalo sa game.

"Ahh, ang daya mo!"

"Talo kalang eh."

Nakita ako nung lalaki na natalo at sinenyasan nya yung kasama nya. Tiningnan nila ako ng nagtataka, pero napalitan din ng saya nung magsalita yung natalo.

"Hoy, ikaw yung bagong transferee, tol sya yung sinasabi ko sayo na-" di na napatuloy ang kanyang sasabihin ng binati ako ng kasama nya.

"Hi, my names Rider. Welcome sa Junior Wizard A." nagulat talaga ako sa biglaan niyang pagbati

"Hi din tol ako nga pala si Darwin, ang pinakagwapo at pinakamalakas sa Wizards Academy!!!" panimula niya, sira ulo siguro to eh."Aray ko tol." sabi niya dahil binatukan siya ni Rider.

Sa tingin ko si Darwin ay madaldal, malikot, palabiro at mayabang pero mabait. Pero baliktad naman ang ugali ni Rider sa kanya, kasi si Rider ay tahimik, matalino at mabait. Sa tingin ko lang ha.

"Tumigil ka nga, yan na naman yang kayabangan mo eh, pagpasensyahan mo tong kaibigan ko may sira lang." hahaha halata nga.

"Inggit ka lang."

Natawa na lang ako sa kanila, para lang silang magkakapatid. Mga aso't pusa magkabangayan pero halatang close naman sila.

"Ahh, ako nga pala si JJ."

"Akin na nga yan, at magpahinga kana. Dali pasok ka." kinuha ni Darwin ang mga gamit ko at pinaupo naman ako ni Rider sa malambot na upuan.

"Maiba ako Rider, Darwin."

"Ano yun?" Sagot ni Darwin.

"Ganito ba lagi ang ginagawa nyo?"
Nagtataka kasi ako, baka ganito din ang gagawin ko dito pag sila ang kasama ko.

"Ang alin?" tanong ni Darwin.

"Magvideo game." tipid kong sagot sa kanya.

"Umm, hindi. Ginagawa lang namin to pag wala kaming ginagawa. Nabobored kasi kami eh." This time si Rider naman ang sumagot.

"Eh, wala man lang ba kayong kakilala rito." baka yan ang dahilan kaya nabobored sila.

"Marami kaming kakilala dito. Mga babae, hahaha ang famous kasi namin. " singit ni Darwin.

"Ulol, ginagawa mo namang gago si JJ eh. Ang totoo JJ ang mga babae na tinutukoy nya ay ang mga babae ng Junior Wizard A. Yung katabi ng dorm natin." paliwanag ni Rider.

"Famous naman talaga tayo eh..."
Hahahaa pilingero talaga to eh.

"Teka JJ, gutom ka ba? Kumain na muna tayo." biglang sabi ni Rider kaya napalingon ako sa kanya at nung marinig ko ang pagkain ay naramdaman ko agad ang gutom.

"San tayo kakain?" gutom na kasi ako eh. Pero di ko pinahalata sa kanila.

"Eh san pa, eh di sa park. Sa beautiful and cool mall. Dun tayo kakain." singit na naman ni Darwin.

Naligo muna ako at pagkatapos ay nagbihis. Lumabas na kami sa dorm at papunta na sa Park. Naalala ko tuloy yung kakaibang bulaklak.

Nandirito na kami sa park. Pumasok kami sa mall at....

"Wow.. "

"Diba, sabi ko sayo maganda dito." Sabi ni Darwin habang nakatingin sa akin. Si Rider naman ay nakangiti lang sa akin.

Akala ko mall na makikita sa mundo ng mga tao pero para lang itong palengke pero malinis at nakaorganize ang lahat. Hindi madumi tingnan at parang magarbo na rin. Di ko aakalain na maging dito ay naaadapt nila yung mga terminologies ng mga ordinaryong tao.

Nilibot namin lahat ng mga tindahan. Sobrang ganda at sobrang sarap ng mga pagkain dito. Naglaro din kami sa video games, sa arcade pero mas astig ito kesa sa laro na meron ako. Di ko maexplain sa sobrang ganda. Di namin namalayan ang oras at...

"What the, 10:45 P.M. na. Agad agad, halina kayo kailangan nating magmadali." sabi ni Rider habang nakatingin sa kanyang wrist watch.

Tumatakbo na kami ngayon. Bakit ba sila nagmamadali?

Nandirito na kami ngayon sa aming dorm. Bakit ba sila nagmamadali kanina? Ang layo kaya ng tinakbo namin.

"Tanong ko lang ha? Bakit ba tayo nagmamadali?" hahahaha I think my question is very stupid. Hahahaha.

"Kasi JJ may pasok bukas." biglang sagot ni Rider. Shit. Oo nga noh, bukas ang 1st day of school, bakit di ko naalala. Wait..

"Wag nyong sabihin na..."

"Oo, JJ. Pagnaleyt tayo may parusa. Hahahahahah." pabirong sagot ni Darwin.

"Shit ano pa ang ginagawa natin. Matulog na tayo!"

Nagdali-dali kaming magsipilyo at bumagsak sa kama. Hindi rin kami nakapaghugas kasi nga late na. Isa pa napagod talaga ako sa park. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang saya.

"Hayyyy." I sighed deeply.

Nag-enjoy talaga ako.

Nagset ako ng alarm sa phone ko para di kami ma-late. Mga segundo palang ang lumipas at tuluyan na nga akong nakatulog.

Vote
Comment
Share

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon