Chapter 42: Teamwork

734 22 0
                                    

5 Days Later

"Healers! Tulungan niyo ko rito." tawag ni Darcy sa ibang healers dahil pinapagaling niya si Ms. Galadiel at masyado na siyang mahina para gawin iyon.

"Umalis na kayo dyan, ako na ang bahala. Tulungan niyo nalang ang iba." sabi ni Leavanny, sabay gawa ng isang shield. Shield na kayang magpagaling sa taong nasa loob nito at matibay kung sakaling may umatake kay Ms. Galadiel.

Patuloy parin ang paglalaban. Ilang araw na kaming ganito. Napapagod na ang ilan pero pinipilit na lang lumaban.

"Healers dali, pagalingin niyo ang mga sugatan at ang mga nanghihina." utos ni Marina sa mga healers na nakatulala lang.

Natawag naman bigla ang kanilang mga atensyon at hinanap ang mga sugatan at ang mga nanghihina. Bakit sila nagkakaganito? Pagod na ba sila? O nakakabahan sila sa kung ano ang mangyari sa kanila? Sana lumakas pa ang kanilang mga loob dahil malaki ang maitutulong nila sa amin.

Tumulong na rin si Darcy sa panggagaling at siya na ang nag-lead sa iba pang mga healers. Pero dahil sa marami na ang kanyang napagaling, hindi talaga mawawala ang pagkapagod niya at panghihina, kaya minsan nagpapahinga muna siya.

Maging si Leavanny ay tumulong at tinuruan niya pa ang iba. Mga spells na epektibo pero konti lang ang kinakailangang enerhiya.

Marami na rin ang nasawi. Marami na ang nagbuwis ng buhay. Marami na ang nawawalan ng malay. Marami na ang nanghihina. Marami na rin ang napapagod pero walang sumusuko dahil parang nag-aksaya lang kami ng oras at buhay, buhay ng mga nilalang na matapang lumaban at may paniniwalang mananaig sa labang ito.

Sabihin nga nating napapagod ang mga batang nakikipaglaban, eh kamusta naman ang mga matatanda. Hindi sila napapagod kahit ilang araw na kaming ganito. Kahit na si Belthazor pa ang kanilang kinakalaban.

"Mauro, we need help here!"  paghingi ng tulong ni Insidio kay Mauro.

Sa ilang araw na paglalaban rito nakilala ko ang mga bagong dating. Ang matandang lalaki na may kakayahang gamitin ang lupa ay walang iba kundi si Mauro. Isang miyembro rin ng call of nine. Samantala ang babaeng witch naman ay si Miranda. Hindi makapaniwala ang lahat na buhay pa siya at maging ang mga nasasakupan niya. Akala ng lahat wala na sila, pero ngayon andito sila para wakasan ang huling laban.

Sumali na nga sa pakikipaglaban si Mauro. Gamit ang kanyang kakayahan ay pinalito niya si Belthazor. Gumawa siya ng mga pader na gawa sa lupa na halos pinalibutan na siya.

Sa loob makikita si Belthazor at ang mga kamukha ni Mauro na gawa sa lupa rin. Sampung kamukha niya na tila ganun din kalakas sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon. Ang lakas naman niya at nakakasiguro akong mataas na ang level niya pagdating sa sorcery. Hindi ko alam kung anong spell ang ginamit niya para magawa ito.

Mas tumaas pa ang pader habang nakikipaglaban si Belthazor sa mga kamukha ni Mauro. Halos na palibutan na ng pader si Belthazor hanggang taas pero nagkaroon ng di gaanong maliit na butas.

Biglang tumalon ng mataas si Insidio. Napatingin siya kay lolo at napatango nalang si lolo. Nakita ko nalang na hindi bumagsak si Insidio sa lupa at na natili nalang siya roon. Alam kung si lolo ang may gawa nun. Ginalaw naman ni Mauro ang kanyang mga kamay at kumuha siya ng maraming lupa at hinagis kay Insidio.

"Marina!" tawag ni Insidio mula sa itaas.

Nakuha naman agad ni Marina kung ano ang ibig ipahiwatig ni Insidio. Hinagis niya rin pataas ang maraming tubig. Binalot ng tubig ang hinagis na lupa ni Mauro hanggang sa naghalo na ito.

Napatingin ako sa pader at randam ko ang paglalaban sa loob. Halos mayanig ang lupa dahil sa lakas nang paglalaban nila. Nararamdaman ko ang pagtaas bigla ng enerhiya ni Belthazor at lalong uminit ang labanan.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon