Chapter 32: Book Keeper

744 30 0
                                    


Hindi ako makapaniwala. Tama nga kami, siya lang ang susi para makita ang last clue. Matapos ang matinding liwanag ay nagsilabasan ang mga letra. Elvish letters na naman. Napatingin ako sa mga kaibigan ko at napangiti sila ng malawak dahil malapit na naming makuha ang codex maru.

"Basahin mo na! Gusto mo bang mawala yan?"  sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Sabi mo kanina, 'It won't work.'" sabi ni Darwin habang nakakunot ang noo at pagngisi ng kanyang bibig.

"Hahaha, hindi ba pwedeng magbiro?" patawang sabi ni Palandon.

"Bakit gumana?" tanong ni Jessa.

"Nung unang panahon, ako ang inatasan ng nga ancient elves na maging susi upang makita ang huling mga matatalinhagang salita, para maprotektahan ang codex maru sa maling tao."

Lumapit ako sa cliff at huminto nang makalapit sa gilid nito.
Mula rito sa itaas ng cliff. Makikita ang mga nakasulat sa karagatan, madali mo itong makikita sapagkat ang pagkakasulat ay malaki at ang bawat letra ay nagliliwanag, liwanag ng kapangyarihan ng dagat.

"Sa bundok ng matatapang. Sa daang pangpang. Sa tuktok ng bundok, makikita ang kailangan." pagbabasa ko sa nakasulat.

"Saan matatagpuan ang bundok na ito?" tanong ni Darcy kay Palandon.

"Mmm, teka lang. Bundok ng mga matatapang? Maaaring ang tinutukoy niyan ay ang bundok Momentum." sabi niya sa amin na parang nakakasiguro nga siya.

"Pano mo nasabing doon nga matatagpuan ang tinutukoy sa last clue?" tanong ni Darcy na parang may pag-aalinlangan.

"Noong unang panahon ang bundok Momentum ay nasa itaas ng kalangitan. Doon naninirahan ang mga makakapangyarihang tagapangalaga ng mga elemento." sabi niya sa amin sabay kumpas ng kamay sa kalangitan.

"Well, pano tayo makakapunta sa taas?" nabigla ako sa tanong ni Darwin.

"Patapusin mo muna kasi ako!" sigaw na sabi ni Palandon tapos ngumiti. "Nakakalipad ang bundok momentum dahil sa kapangayarihan ng mga tagapangalaga ng elemento. Sa panahon ding iyon, nilusob ng itim na mahika ang bundok at naglaban laban sila. Hindi natalo ng mga tagapangalaga ang itim na mahika, kaya bago pa man sila mamatay ay ikinalat nila ang kanilang mga kapangyarihan sa kalupaan. Nang mamatay ang mga tagapangalaga, nahulog sa lupa ang bundok at kaya tinawag na bundok ng matatapang ay dahil naging matapang ang mga tagapangalaga na protektahan ang mga elemento laban sa itim na mahika. Yan ang origin ng mga elemento, pero legend lang ang mga ito. Hindi ko alam kung totoo o hindi." paliwanag niya sa amin. Sarap niyang magkwento, dahil naiintindihan ko talaga ang mga pangyayari dahil sa inaarte niya.

"Well ano pa ang silbi na pupunta tayo dun kung hindi naman pala totoo yun." sabi ni Kiara na nagtataray na naman.

"Pupunta tayo dun!" halos sabay naming sabi ni Rider. Tumingin kami sa isa't isa at tumango nang nakangiti.

"Sumama ka na sa amin, Palandon." yaya ni Jessa sa kanya.

"Oo naman." tipid niyang sagot.

Iniwan na namin ang Mystic Sea at dumiretso sa lugar kung saan matatagpuan ang bundok Momentum. Tahimik ang lahat sa paglalakad. Biglang nagulat ang lahat nang may kumakaluskos. Napatingin kami kung sino at nagulat kami nang lumabas ang pamilyar na tao.

"Radagast." tawag ni Palandon kay Radagast.

"Palandon." lumapit sila sa isa't isa at nagyakapan.

"Well? Saan kayo pupunta?" tanong ni Radagast.

"Sa bundok Momentum." direktang sagot ni Palandon. Ako sana ang magsasabi kaso naunahan niya ako.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon