Chapter 30: Ent

742 28 0
                                    


"Mga walang galang!" rinig kong sabi ng nagsasalitang puno. Pero? Bakit nagsasalita ito? Ngayon lang ako nakakita ng ganito.

"Mga manlalakbay! Wala kayong karapatang mangahas na pumunta rito, lalo na't putulin ang aking mga ugat!" dagdag na sabi ng nagsasalitang puno. Nagagalit ang tono ng kaniyang pananalita, kinakabahan ako baka kung ano ang gawin niya sa amin lalo na't hindi pa rin ako makapaniwalang makakita ng nagsasalitang puno.

"It's an Ent!" sigaw ni Darcy.

"What? An Ent?" tanong ko sa kaniya.

An Ent? What is that? Creepy ang mukha ng Ent na ito, matangkad din ito sa amin, hanggang tuhod lang ata kami. Kulay berde na rin ang katawan ng puno dahil na rin siguro sa katandaan.

"Yes an Ent. Sila ang tagabantay ng gubat dito." dagdag pa ni Darcy.

"What?! Bakit di mo agad sinabi sa amin?!"  pasigaw na tanong ni Rider.

"Sasabihin ko na sana kanina pero nahuli ako." depensa naman ni Darcy sa sarili.

Mainitin talaga tong si Rider. Kagaya ng kaniyang elemento, pareho silang mainit. Eh kasalanan naman niya yun eh, nagpapadalos-dalos siya sa pagdesisyon. Bakit ba gusto niyang laging siya ang nasusunod?

"Hahahaha. Ba't kayo nagtatalo? Itigil niyo yan! Wag niyong ibahin ang usapan! Sino kayo? Bakit kayo naparito?" pagtatanong ng Ent sa amin.

Walang kumibo ni isa man lang sa amin. Hindi namin alam kung kalaban ba siya o kakampi. Pero bakit nasa katawan niya ang mga ukit? Sino siya?

"Aba! Hindi talaga kayo sasagot?!" pasigaw na tanong ng ent.

Lalong nagalit ang ent at mas hinigpitan pa ang pagkakagapos sa amin. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang higpit ng pagkapulot ng mga ugat sa amin. Hindi na ako makahinga dahil sa sobrang higpit.

"Ahhhhh!" napasigaw ang ent na tila ba nasaktan.

Napatingin ako kay Darcy at nakita kong nakawala na siya sa pagkakapulupot ng mga ugat. Pano nangyari yun? Anong ginawa ni Darcy? Nakita ko ring ang mga ugat ay putol putol na. Hindi kaya bahagi ng katawan ng ent ang mga ugat na ito? Kaya lagi siyang nasasaktan kapag pinuputol ang mga ito?

"Hangal! Sinisubok mo talaga ang pasensya ko?!" galit na sabi ng ent.

Napatingin nalang si Darcy sa kanya ng masama at isa isang pinutol ang mga ugat na nakapulupot sa amin. Kaya naman pala, she manage to summoned a leaf blade. Napakadali lang sa kanya yun lalo na't nasa gubat kami. Lalong napasigaw ang ent dahil sa ginawa ni Darcy. Mas tumindi ang galit ng ent.

"Whahahah! You can use nature element, eh? May naalala lang ako 20 years ago. Isang babae na kagaya mo, may element ng nature at matapang. Ang kaso lang mas malakas yun kaysa sayo, kaya di ko siya natalo. Pero ikaw papatayin kita!" sabi ng ent na halos sumabog na sa sobrang galit.

Sino ang tinutukoy niya? Isang babae na nature element din ang kapangyarihan. Mas malakas kay Darcy. 20 years ago. Hindi kaya si Leavanny yun? Ibig sabihin nagkita na sila. Hindi ko na napansin na inatake na pala si Darcy ng ent. Tinulungan naman ni Darwin si Darcy sa pakikipaglaban. They both summoned their own golem. Di ko inaakala na na-master  na pala ni Darwin ang earth golem. Pati si Darcy, nagawa na rin niya itong gawin. Magiging patas na ang laban dahil pareho naman nang laki ang golem at ang ent. Pero kung bilang ang pag-uusapan, mas marami kami.

Nagpalitan ng suntok ang ent at ang nature golem ni Darcy habang ang earth golem ni Darwin ay nagpakawala ng mga boulders sa direksyon ng ent. Mas lalong nagalit ang ent dahil sa kawawa na siya. Hindi siya nagpatalo kaya isa isa niyang ginapos ang mga golem ng mga ugat. Nagulat nalang ako ng biglang may nagpakawala ng apoy at nasunog ang mga ugat. Hinanap ko kung saan galing at nakita kong nagawang magpakawala ng fireball si Rider at agad na tumulong sa pakikipaglaban.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon