EPILOGUE

1.3K 33 4
                                    

3rd Persons POV

Ang kalayaan ay muli nilang nakamtan. Muling nabuhayan at nabalot ulit ng pag-asa ang mga nilalang ng Shire.

Nagkaroon ng pagbabago ang lahat na para bang nag-iba ito dahil sa pamumuno ng mga bagong pinuno. Gaya na lamang ni Mithrandir. Bilang Hari ng Shire hindi niya binigo ang buong mamamayan nito.

Sa kanyang pamumuno nabalot ang lahat ng tibay, lakas ng loob, pagmamahal at pag-asa.

Nagbago ang Shire Temple. Halos lahat sa kahariang ito ay nagtataglay ng kasindak-sindak na kapangyarihan at maging ang mga alipin ay itinuturing na parang kapatid at kapamilya.

Mas lumakas ang mga hukbo ng mga elves sa pamumuno ni Mithrandir. Sa pamamagitan ni Hermis, Heneral ng buong Shire Temple, naging oraganisado ang lahat ng kanilang mga soldado.

Sinanay nila ang mga warrior, pinatapang. Yaong wala na silang kinatatakutan. Tinuruan rin sila kung paano gamitin ang mga incantations at maging ang mga chants na makakatulong sa kanila sa mga laban.

Pinalakas rin nila ang hukbo ng mga archers. Lahat ng mga arrows nila ay nababalutan ng kapangyarihan na kahit anong bakal man ay kayang butasin. Sa bawat bitaw nila ng mga arrows, ito ay dumudoble. Sinanay rin sila kung saan matatagpuan ang mga vital points ng mga kalaban.

Maigi at mahigpit ang pagbabantay sa boung Shire Temple at sa borders nito. Lahat ay may bantay. Walang makakapasok at walang makakatakas.

Hindi rin nagpatalo ang lakas ng Wizards Academy at ng Rivendell. Matapos ipapunta ni King Mithrandir ang mga Guardians of Seasons sa nasabing lugar upang turuan ang mga Wizards at Sorcerers. Mas lalo pang lumakas sina Kiara, Rider, Jessa, Darwin at Darcy. Naabot na nila ang tuktok ng wizardry. Kahit ang mga pinuno ay di makapaniwala sa kanilang talento. Natatangi na sila kaya taos pusong nirerespeto sila sa buong Shire dahil sila ay kilala na ng buong nilalang.

Lahat ng wizards sa Rivendell ay nagtataglay ng kasindak-sindak na kapangyarihan. Sa pamumuno ni Lord Elrond mas napalakas niya ang angkan nito sa tulong rin naman ni Palandon, bilang headmaster ng Wizards Academy na nakatayo sa kaharian ng Rivendell.

Nakaahon naman ang Witchland matapos ang pag-atake at pagsira ni Saruman rito. Halos naging normal na ang lahat sa kanila at namuhay silang ng mapayapa. Marami na rin ang lumakas sa kanilang pangkat dahil ayaw na nilang maulit ang mga nangyari sa kanila noong nakaraang araw.

Halos lahat sa kanila ay lumakas at marami na ang kanilang natutunang mga malalakas na spells na siguradong makakapatay ng kalaban. At mga spells na pamprotekta sa kanilang mga kakampi.

Tinulungan silang lahat ni Miranda, the Great White Witch. Ang kanilang pinuno. Gamit ang kaalaman nito at gamit ang makapangyarihang libro nila na naglalaman ng mga makapangyarihang spells. Tinuro niya sa kanyang mga nasasakupan at maging ang mga bata ay nagsisimula na ring matuto.

Nag-improved din ang pagpapanday ng mga dwarves at mas lalo pa nilang pinatibay ang mga armas na kanilang pinapanday. Gamit ang kanilang kakayahan sa pagmimina, marami silang nakukuhang mga yamang lupa gaya ng ginto, marmol, pilak, tanso, dyamante at marami pang iba na tunay ngang hindi madaling hanapin.

Hindi lang sila mahusay sa pagpapanday sapagkat magaling din sila sa pakikidigma dahil sa paggabay sa kanila nina Mauro at Insidio. Pinadala sila ni King Mithrandir bilang tulong na rin sa Erandell.

Mapayapa naman ang maharlikang kagubatan ng Greenwood sa pamumuno ni Radagast. Maganda ang kalusugan ng mga halaman at puno habang masaya at nag-aawitan naman ang mga ibon, maging ang ibang mga hayop.

Naglalaro rin ang mga hayop at ang mga ent dahil sa tuwa. Nagsisayaw naman ang mga puno sa pagdaan ng kahanginan. Natuwa si Radagast dahil nagbalik ang dating Greenwood. Mapayapa at puno ng pagmamahal.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon