Chapter 18: Flaming Phoenix

1.1K 51 1
                                    

A strange creature that is so impossible to exist in this world. A creature that can be seen in movies. A creature that can be read in stories. A huge bird. Bird in a flaming feathers. Sharp claws. Dangerous. Deadly. The Epic. The Legendary. The Flaming Phoenix.

It is said that the legendary bird once, is the guardian of the great white wizard, Alazar. It can only be tamed by a powerful wizard or the person in the prophecy. The prophecy of Alazar before he died. One boy in a young age, reawaken the legendary bird and will stand for all humanity to destroy darkness and the one who will bring back the light once again, all mankind will bow down before him. According to the ancient book wrote by Alazar the legendary bird is sleeping deep in the ancient volcano of Shire. It will reawaken in it's slumber when the person in the prophecy reawaken it's true power. The legendary bird has no weakness. Some of it's characteristics are unknown, only Alazar knows.

Ayon yan sa libro na binabasa namin ngayon. Hindi ko inaakalang pati ang libro ng Creatures of Shire ay dadalhin ni Darcy. Lagi niya talaga akong napapamangha. Hindi kumpleto ang mga informations tungkol sa legendary bird dahil halos ang nakalagay ay unknown.

Name: Flaming Phoenix
Power: Unknown
Attack: Unknown
Defense: Unknown
Speed: Unknown
Immune: All Element
Weakness: None

Immune niya ang lahat ng element? Pano namin siya matatalo? Ni wala siyang weakness. Pano na kami makakapasa sa level na to? Ano ng gagawin namin?

Nasa harapan namin ang isang napakalaking ibon, ang legendary bird. Napakainit. Bawat pagaspas ng kaniyang mga pakpak, may mga hangin na natatama sa amin at ang init. Mahapdi sa balat. Pano kami makakalapit?

"What should we do? " tanong ni Darwin habang bakas sa kanyang mukha ang takot.

"Attack." biglang sabi ni Rider. Nagulat si Darwin sa sinabi ni Rider at nanlaki ang kanyang mga mata.

Biglang sumugod si Rider sa legendary bird ngunit di pa siya nakakalapit ay di na niya nakayanan ang init. Sumunod naman si Kiara, pinalibutan niya ang kanyang sarili ng tubig at sumugod bigla. Gaya ng nangyari kay Rider, di pa man nakalapit si Kiara ay biglang nawala ang tubig na nakapaligid sa kanya at biglaang nag-evaporate. Wala ding nagawa si Darcy dahil masusunog lang ang mga vines niya. Pati na rin si Jessa dahil matutunaw lang ang mga ice nito. Wala ring magagawa si Darwin dahil doble pa ang sakit na mararamdaman kapag umatake siya sa apoy.Wala kaming nagawa. Wala ngang magawa si Kiara na Water Element ang hawak niya, biglaang mag-eevaporate agad kapag lumapit sa legendary bird. Hindi kami makaatake kaya ang legendary bird ang nag-atake sa amin. Binugahan ng apoy ng legendary bird si Darwin, buti nalang at agad hinila ni Darcy si Darwin gamit ang mga vines. Nagulat kami sa ginawa ng legendary bird, tumingin siya bigla kay Jessa at nagbubuo siya ng fire ball sa kanyang bunganga at nang nakaipon na ito ng enerhiya ay agad nitong pinakawalan. Bago paman tumama kay Jessa ang fire ball ay inihati ito ng pira piraso ni Rider ng kanyang fire sword ngunit agad din itong nawasak. Gaano ba kalakas itong flaming phoenix na ito?

Umatake siya kay Rider, tapos kay Kiara, tapos kay Darcy at Darwin pati na rin kay Jessa, pero ang nakakapagtaka ay di niya ako inatake, nilalagpasan niya ako. Parang di niya ako nakikita. Inatake niya isa isa ang mga kasamahan ko pero hindi niya ko inaatake. Pero bakit?

Umiiwas nalang sila sa bawat atake ng legendary bird kaya madali silang napagod. Habang ako ay nakatayo lamang at pinapanood sila. Nag-aalala ako sa kanilang kalagayan dahil wala akong magawa. Oo safe nga ako pero sila pano? Nahihirapan na sila. Sila na ang naging pamilya ko simula nung nakapasok ako sa Wizard Academy kaya hindi ko hahayaang mawala pa sila.

Bawat atake ng legendary bird ay dumidepensa naman sila Rider. Napakalakas ng bawat atake ng legendary bird kaya nahihirapan sila. Nacorner sina Rider at pagod na pagod na sila. Napapikit naman si Kiara at naaawa ako sa kanya. Bumuka ang tuka ng legendary bird at may bumubuo na enerhiya. Ha?! Hindi fire ball ulit. Buong lakas akong humarang sa kanila at inipon ang aking lakas para pigilan ang pag-atake.

Pinakawalan ng legendary bird ang fire ball at napapikit ako. Nararamdaman kong malapit na ito at enikis ko ang aking mga kamay. Tila ang tagal naman ata ng fire ball. Unti unti kung minulat ang aking mga mata. Nagulat ako ng bumalik ang fire ball na tinira niya at tumama sa kanya. Wait. Pano nangyari yun? Tiningnan ko ang aking mga palad at laking gulat ko nang may makita akong ibang enerhiya. Ibang enerhiya na dumadaloy sa aking mga ugat. Hindi ko na maaninag ang legendary bird ng dahil sa usok at bigla nalang akong nakakita ng liwanag sa direksyon ng legendary bird. Hindi lang isa kundi marami. Saka ko lang napagtanto na baka fire ball ito at titira nanaman siya. Hindi nga ako nagkamali kaya inihanda ko uli ang sarili ko para dumipensa. I cross my arms at nakaramdam ako ng enerhiya na unti unting lumalabas, enerhiya na kakaiba, hindi enerhiya ng lightning element. Hindi ko matukoy kung ano pero parang pamilyar.

Papunta na rito ang mga fire ball. Sunod sunod ito ngunit wala man lang isa na tumatama. Parang kung saan saang direksyon ito napupunta. Wala akong makita kundi liwanag ng fire ball ng dahil sa usok na nagmumula sa fire ball, hindi ko alam kung anong nangyayari para bang nakakalikha ako ng shield na kayang patalbugin ang fire ball kapag tumama rito. Sunod sunod parin ang pagkawala ng mga fire ball ng dahil sa legendary bird.

"JJ!!!!!"

Nakarinig ako ng napakalakas na sigaw na tila nanggaling sa likuran ko. Hindi kaya si Kiara yun? Parang boses nga niya yun. Bakit niya sinigaw ang pangalan ko? Hindi rin kaya nila ako nakikita ng dahil sa usok na ito. Sa sobrang kapal ng usok rito at hindi parin naglalaho ng dahil rin sa daming fire ball na pinakawalan ng legandary bird, ang tanong bakit parin ako nakakahinga?

Hindi na umaatake ang legendary bird sa akin pero nakakarinig parin ako ng pagsabok ng fire ball na parang may iba siyang ponterya ngayon. Unti-unti ng naglalaho ang usok at may na aaninag  na ako. Nagulat ako ng makita ko ang isang taong nagpagaan ng loob ko. Isang taong pinagkakatiwalaan ni lolo.

"Ms. Alesyaaaa!" malakas kong sigaw ng makita ko ang taong di ko inaasahang makita. Nakita ng aking peripheral vision na tumingin rin sina Rider sa direksyon ni Ms. Alesya at halatang nagulat sila.

"Ok lang ba kayo? Wag kayong mag-alala paparating na ang reinforcement." sabi ni Ms. Alesya na seryosong nakikipaglaban sa legendary bird.

"Ok lang po ako Ms. Alesya, pero sila hindi." napatingin naman si Ms. Alesya sa direksyon nina Rider at halatang naaawa rin siya.

"Ho?Reinforcement? Ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko ulit sa kanya.

"JJ, this is not good. Kailangan nating makaalis ngayon dito. This legendary bird is dangerous at ang nakakapagtaka, pano to na reawaken? Di ko siya matatalo kaya umalis na kayo, dali!" sabi ni Ms. Alesya na seryoso paring nakikipaglaban sa legendary bird.

Wala akong nasagot sa sinabi ni Ms. Alesya at pinanood nalang ang kanilang paglalaban. Nagpalabas naman ng napakaraming fire ball ulit ang legendary bird at first time kung makita ang kapangyarihan ni Ms. Alesya, Water Element. Gamit ito gumawa siya ng shield na yari sa tubig, pero masyadong malakas ang fire ball kaya tumilapon si Ms. Alesya.

Tumira uli ang legendary bird ng napakalaking fire ball at tinira ito sa direksyon ni Ms. Alesya. Hindi ito napansin ni Ms. Alesya dahil ngayon palang siya nakatayo. Tatama na sana sa kanya ang napakalaking fire ball pero inihati ito ni Rider. Hindi ko nakita na tumakbo si Rider. Ang bilis naman ata niya. Gaya nung kanina nawasak rin kaagaran ang fire sword na ginamit niya. Lumalagablab ang galit ni Rider at ngayon ko lang siya nakitang sobrang seryoso. Gumawa ulit siya ng fire sword, ang kaibahan lang dalawang fire sword ang ginawa niya at mas pinalakas pa ito ngayon dahil lumalagablab ang apoy sa kanyang sword.

Inatake niya ang legendary bird at nagbuga naman ito ng napakalakas na apoy, ginamit niya ang dalawa niyang fire sword para gawing shield pero mas malakas ang apoy na binuga ng legendary bird kaya tumilapon siya sa direksyon ni Ms. Alesya. Lumipad naman ngayon ang legendary bird pataas, pero ang di ko inaakala ay bwebwelo ito para gamitin ang winged smash. Oh no, deadly ito kapag tumama sa kalaban, lalo na kung ang kalaban ay nanghihina. Anong gagawin ko?

Papalapit na ang legendary bird in a rushing speed. I use all my energy to create a shield, hindi ko alam kung anong shield ang malilikha ko kapag ginamit ko ang strange energy flowing in my veins. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata and concentrated at one point.

Narinig ko ang napakalakas na ungol ng legendary bird. Minulat ko ang aking mga mata at nagulat ako ng makitang nakabuo ako ng shield na...

"JJ? You can also use the Wind Element? "

Vote
Comment
Share

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon